Chapter 39

Hindi ko alam kung saan ako kakabahan: sa masamang tingin ni Randell o sa biglaang pagsulpot ni Faye.

"F-Faye, anong ginagawa mo dito?" pinilit kong pakalmahin ang sarili.

Halos isang taon na rin simula nang huli naming pagkikita—yung araw na binasted niya ako.

"G-Gusto lang sana kitang kausapin, Arvin. I really need you right now,"

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ako makapagsalita.

Dahil hindi ko alam ang gagawin, napatingin ako sa gawi ni Randell. At awtomatikong nag-init ang ulo ko nang hilain niya si Kenneth palabas habang tumatawa.

"Sige, Faye. Sa labas na lang tayo mag-usap."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top