Chapter 38

"Iba talaga pag tinamaan na ni kupido, hindi na namamansin." anya Kobe na sinegundahan naman ng mapang-asar na tawa ni Jerome.

"Ano, kumusta na kayo ni Randell?"

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro.

"LQ kayo, 'no?"

Agad akong napatingin kay Jerome pagsambit niyang 'yon. "Ang chismoso mo."

Napatingin ako kay Randell na kasalukuyang nakikipag-usap kay Kenneth sa harapan. Hindi naman kami nag-away eh. Hindi niya rin alam na naiinis ako kay Kenneth at sa pagyayaya nito sa kanya sa bahay nila.

"Hey, Arvin!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nanlaki na lang ang mga mata ko pagkakita kung sino ito.

"Faye?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top