Chapter 37

"Arvin . . ."

"Answer the call, ano ka ba."

"Okay lang?"

"Oo naman," sabi ko at peke akong ngumiti. "Hindi ko naman hawak ang buhay mo, Randell. Ang pangit naman siguro kung ipagkakait na agad kita gayong nanliligaw pa lang naman ako."

Nakuwento ko na kasi sa kanya ang tungkol sa pagseselos ko kay Kenneth. Kahit na sinabi niya sa akin na wala akong dapat ipagselos dahil magkaibigan lang sila, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili.

Lumayo muna ako para naman magkaroon sila ng kaunting privacy.

Ilang sandali lang naramdaman ko na ang paglapit niya.

"Oh, ano sabi?" bungad na tanong ko. "Bakit daw siya napatawag?"

"Doon daw kami sa bahay niya gumawa ng first chapter para sa thesis namin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top