Chapter 36
"Hindi mo naman kailangang ihatid pa ko. Sayang kaya sa pamasahe dahil doble-doble pa ang sakay mo,"
Marahan akong napangiti matapos niyang sambitin 'yon.
"Hindi pwede 'yon," tugon ko. "Ngayong pumayag ka ng ligawan kita. Gagawin ko ang lahat para maramdaman mong worth it ang pagbibigay mo ng 'oo' sa akin . . . soon."
"Ang cheesy mo!" anya sabay hampas sa balikat ko. "Hindi ko alam na may ganyan ka pa lang side."
"Simula pa lang 'to, Randell. Marami ka pang makikitang ibang side ko."
"Naku—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang mag-ring ang phone niya. Napakunot ako ng noo nang bigla siyang tumahimik. At mas lalong napakunot ang noo ko nang ipakita niya sa akin ang nasa caller's ID nito.
Kenneth is calling...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top