Chapter 35

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang nangyaring pagtatapat ko ng nararamdaman kay Randell.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang nakita ko ang pagsimangot niya.

Isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon nage-echo pa rin sa isipan ko ang naging sagot niya sa tanong ko no'n.

"Um . . . ang totoo, Arvin, hindi pa kasi ako pinapayagan nila mama na mag-boyfriend. Kaya kung ayos lang, wag na muna nating ipaalam sa kanila na liligawan mo ko."

"Argh!" frustrated na sigaw ko sabay gulo ng buhok.

Bakit hindi ba pwedeng walang maging hadlang sa pagmamahalan namin? Bakit laging may problema?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top