Chapter 34
Gusto kong matawa sa reaksyon niya nang tugunan ko ang tanong niya na kung kami na ba.
"Bakit? Gusto mo ko, diba?" naguguluhan niyang tanong. Tango ang naging tugon ko rito. "Oh, 'yon naman pala eh. Gusto rin kita. Bakit hindi pa tayo?"
Kumalas ako mula sa pagkakahawak namin ng kamay saka ginulo ang buhok niya.
"Ayokong madaliin ang lahat," mahinang sambit ko. "Isa pa, gusto kaya kitang ligawan. Bakit ayaw mo bang pinaghihirapan ko ang matamis mong oo?" seryoso kong tanong.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sumilay ang munting ngiti sa labi niya.
"So, kailan ko pwedeng hingin ang basbas ng mga magulang mo?" seryoso kong tanong na siyang nagpawala ng ngiti sa mga labi niya.
Teka . . . may nasabi ba kong mali?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top