Chapter 33

Abot tainga ang aking ngiti habang magkahawak kami ng kamay ni Randell. Wala na kaming klase kaya nanatili muna kami rito sa rooftop.

Dinadama ang paghampas ng hangin sa aming mga balat.

Hindi ko inaasahan na dadating pa ang araw na ito. Na ang matagal ko ng nagugustuhan ay kahawakan ko na ng kamay ngayon.

"Hmm," sabi ko matapos niyang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napalingon ako sa gawi niya.

Nagsalubong ang aming mga mata. Kita ko rito ang kakaibang saya. Nakakatuwa at gano'n din pala ang nararamdaman niya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Tayo na ba?" mahinang bulong niya.

Napangiti ako sabay sabi ng, "hindi pa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top