Chapter 30
"Ano 'yon, Arvin?"
Dugdug. Dugdug.
Sa mga oras na 'to, gusto ko nang sapakin si Jerome. Pero hindi ko magawa dahil namanhid ang buo kong katawan.
"P-Pwede ka bang makausap?" hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob para tanungin siya.
"Oo naman. Ano ba 'yon?"
"Um . . . Pwedeng tayong dalawa lang?"
Kinabahan ako nang kumunot ang noo niya. Pero nang sumilay ang ngiti sa labi niya, parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
"Sige. Saan ba?"
"Sa may garden na lang sana,"
"Sige."
"3 p.m.?"
Nang tumango siya at tumalikod na saka ko pinagsasapak si Jerome.
Ito na . . . magtatapat na ko. For real.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top