Chapter 3

Pagkauwi sa bahay, diretso agad ako sa kwarto. Ilang saglit lang biglang pumasok si mama.

"Oh, Arvin. Hindi ka ba kakain muna?" tanong ni mama.

"Mamaya na lang po. Mag-aaral muna ako." nakangiting sagot ko.

"Anong sabi mo?! Ikaw? Mag-aaral?" sunod-sunod na tanong ni mama. "Ayos ka lang bang bata ka? May sakit ka ba?"

Imbes na mainis sa sunod-sunod na tanong ni mama, natawa ako. Gets ko naman kasi yung reaksyon niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya magugulat din ako.

"May gusto lang po akong turuan sa school, 'Ma."

"Babae ba 'yan, 'nak?"

"Opo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top