Chapter 28
"Nag-usap kami para sa . . . closure," napatikhim siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, di na ko mapakali. Parang . . . may kung ano sa dibdib ko at ang lakas ng pagkabog nito.
"Hindi talaga kayo nagkabalikan?" paninigurado ko.
"Hindi nga,"
"Bakit?"
Tangina. Napalunok ako pagkatapos niya kong titigan.
"Ang ibig kong sabi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya na ito agad.
"Hindi ko na kasi siya mahal. May gusto na kong iba."
"M-May gusto kang iba?"
"Oo. Di ko nga lang alam kung gusto niya rin ako. Malabo pa, eh."
Ayokong mag-assume. Pero posible kayang...
Napatigil ako sa pag-iisip nang mapatingin ako sa pintuan dahil sa lalaking kapapasok lang.
Sabi ko na nga mahirap mag-assume, eh. Nakalimutan kong may Kenneth pa pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top