Chapter 26

Hingang malalim.

Magi-isang oras na simula nang pumasok sila Randell at Patrick sa loob ng resto-bar pero hanggang ngayon wala pa rin sila.

Hindi na kasi ako pumasok at baka kung ano pa ang magawa ko. Isa pa, ayaw ko ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Ang masokista ko naman kasi masyado.

"Arvin..."

Dali-dali akong napalingon sa tumawag sa akin.

Si Randell.

Umiiyak.

"A-Anong nangyari sayo?" natataranta kong tanong at hinanda na ang kamao para sa gagawin kong pagpasapak sa gagong Patrick na 'yon.

Akala ko kung anong gagawin niya nang hindi siya sumagot. Nagulat na lang kasi ako nang bigla siyang yumakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top