Chapter 25

Buong araw akong lutang sa klase. Kung hindi sa kawalan, sa gawi ako ni Randell nakatulala. Nag-iisip kung aamin na ba ko o hindi.

Ang hirap naman kasi, eh. Ang daming lumulutang na what ifs sa isipan ko buong araw.

Hanggang sa mag-uwian na. May pagkakataon pa ko pero hanggang ngayon hindi pa rin buo ang isip ko.

"Psst, Arvin!"

Nataranta ako nang bigla niya kong tinawag. Shit. Shit. Shit.

"May gagawin ka ba ngayon?"

"W-Wala naman, bakit?"

"Pwede mo ba kong samahan kung okay lang?"

"Oo naman, saan ba?"

"Makikipagkita lang ako kay Patrick."

Katahimikan.

"Um, Arvin?"

"Ah, s-sige ba." Sige, Arvin. Saktan mo lang sarili mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top