Chapter 24
"So, hindi ka pala dapat kay Kenneth kabahan kung hindi ro'n sa ex niya?"
Wala na kasi akong mapagsabihan kaya kahit labag sa loob ko, kinuwento ko na kila Jerome at Kobe ang nangyari nung weekends.
"Mukhang gano'n na nga," malungkot kong tugon.
"May laban ka ba?" tanong ni Kobe.
"Ewan. Mukhang magkakabalikan na sila, eh."
"Hindi pa naman 'yon sure. May pag-asa ka pa, par!" pagpapalakas ni Jerome ng loob ko.
"Anong gagawin ko?" wala sa wisyo kong tanong.
"Umamin ka na ng nararamdaman mo, par!"
"Hindi gano'n kadali 'yon."
"Wala kang ibang choice. Hindi mo malalaman kung may pag-asa kung ayaw mong mag-risk."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top