Chapter 22

"Oo, okay lang. Anong oras ba simula ng misa?"

"Kahit sa pang 10 o'clock na tayo,"

"Ah, sige. Magkita na lang tayo ro'n. Bye,"

Pagkatapos nang tawag na 'yon, naghanap agad ako ng susuotin. Mabuti na lang at may mga polo pa kong pang-simba.

"Oh, 'nak, may lakad ka ata."

"Magsisimba lang po."

"Talaga?! May kasama ka, 'no? Yung soon-to-be girlfriend mo ba 'yon na may pang lalaking pangalan?"

"Hindi, 'ma. Yung thesis partner ko po."

Maga-alas-onse na nang matapos ang misa.

"Arvin, gusto mo bang kumain muna?"

Sasagot pa lang sana ako nang agad akong mapahinto dahil sa nakita ko.

Shit. Pati ba naman dito hindi nila ako tatantanan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top