Chapter 21
Magkasalubong ang kilay ko habang palabas sa mall. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Ay mali—alam ko pala. Ayaw lang tanggapin ng utak ko.
"Tangina talaga nung Patrick na 'yon, eh. Ayokong magmura pero tangina talaga."
Paglabas ko, huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili.
Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa. Hindi ako pwedeng magalit kasi wala naman akong karapatan. Hindi ako pwedeng magselos kasi wala namang kami.
Hindi ko mawari ngunit naramdaman kong may luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko.
Huwag muna, please...
"Ex na 'yon, Arvin, kaya wag kang magpapa-epekto. Mas gwapo ka ro'n." pagpapakalma ko sa sarili bago maglakad papunta sa terminal ng jeep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top