Chapter 18

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang kapit-kapit niya ang braso ko at nakasubsob ang kanyang mukha.

Hindi ko siya tinitignan at naka-focus lang ako sa harap kahit na wala naman na kong naiintindihan.

Naririnig niya kaya ang mabilis na tibok ng puso ko?

"Psst, Arvin."

"Hmm?"

"Wala na ba yung killer?"

"Nandiyan pa."

"T-Talaga?"

"Oo, kaya diyan ka muna." Tutal nage-enjoy na rin naman ako.

***

"Ano ba 'yan, di ko naman na-enjoy yung palabas."

Napa-iling na lang ako sa reklamo niya paglabas namin ng sinehan.

"Nga pala, anong pabango mo?"

"Huh?"

"Ang sarap mong singhutin, eh."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top