Chapter 16

"So, paano 'yan? Mukhang in-indian na tayo ng mga thesis partner natin." pagsasalita ko.

"Dapat talaga tayo na lang eh," natatawang sabi mo.

Wag kang mag-alala, Randell. Tayo naman talaga kahit anong mangyari eh.

"Edi uuwi ka na?" tanong niya.

"Ewan. Sayang kasi 'tong suot ko, eh." pagpapalusot ko dahil gusto ko pa siyang makasama.

Minsan lang 'to mangyari kaya lulubusin ko na.

"Gusto mo nood na lang tayo ng sine?"

Shit. Seryoso ba siya?

"Tayong dalawa?" wala sa wisyo kong tanong.

"Oo."

"Ano 'to, date?" pabiro kong sabi.

"Pwede rin." seryoso naman niyang sabi na siyang ikinagulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top