Chapter 15
Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa natanggap kong text mula kay Sam.
"Arvin, sorry. Hindi ako makakapunta ngayon, may emergency dito sa bahay eh."
Ite-text ko na sana si Randell na hindi na tuloy nang makita kong pumasok na siya sa coffee shop.
"Arvin, sorry..."
"Huh, bakit?"
"Nag-text kasi si Kenneth, eh. May lakad daw pala sila ng family niya kaya di na siya matutuloy. Sorry at mukhang naabala pa namin kayo ni Sam."
Oh Lord, totoo ba 'to? Pinagsasama mo ba kami? Is this a sign?
"Ang totoo, Randell, hindi rin makakapunta si Sam kasi may emergency daw sa kanila."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top