Chapter 14

Maga-alas-dose na ng hating gabi pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko.

Paano, iniisip ko pa rin yung naging reaksyon niya kanina nung sinabi kong dito kami ni Sam sa bahay gagawa ng thesis.

Ayoko namang mag-assume. Mahirap na.

Pagulong-gulong na ko sa kama pero di pa rin ako makatulog.

Hanggang sa nag-vibrate ang cellphone ko hudyat na may nag-text.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mabasa ko ang pangalan ni Randell. At nang mabasa ko ang text, nahimatay na ko.

"Arvin, pwede bang sumama kami ni Kenneth sa inyo ni Sam bukas?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top