Chapter 100
"Bwisit ka!" muling pag-uulit ko habang hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa. "Bwisit ka talaga kahit kailan!"
Paano, nang lumuhod kasi siya sa harapan ko, I thought he was going to proposed to me. Pero punyeta lang dahil hindi naman pala. Nagtali lang naman pala siya ng sintas niya. Sayang tuloy yung pagte-teary-eyed ko. Ayon, tawa nang tawa si loko. Kung anu-ano raw pinag-iisip ko.
Aba, malay ko naman kasi! Gano'n ang kadalasang napapanood ko sa mga movies eh kaya hindi ko kasalanan na 'yon agad ang naisip ko.
"I'm sorry, babe. Ang LT lang kasi talaga." pagsasalita niya habang tawa pa rin siya nang tawa.
"Stop calling me babe baka hindi ako makapagpigil at ihulog na kita diyan." pananakot ko sa kanya.
Mukhang effective naman dahil agad din siyang tumahimik.
Pangalawang ikot na ng ferris wheel at nasa tuktok na kaming muli nang bigla itong huminto panandalian.
"Pero, babe, seryoso na . . ." napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay ko. "I will marry you, soon . . ."
"Tigilan mo nga ako, Arvin!" sabi ko sabay bawi ng kamay kong hawak niya.
"Babe, seryoso nga. Pagbalik ko, I'll promise that I'm going to propose to you . . . for real." seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "At sa araw din na 'yon ko sasabihin ang panghuli at pang-isang daan na I love you ko sayo."
Naguluhan ako sa huli niyang sinabi. "Ano?"
"Remember yung promise ko about sa one hundred I love you's? Tinutupad ko kaya. At naka-ninety-nine na ko. Isa na lang ang kulang."
"Wait . . . did you mean yung mga pagbibilang mo tuwing sinasabihan mo ko no'n ay dahil doon?" gulat na tanong ko. Napatango naman siya bilang tugon. "Wow . . . I didn't expect that."
Tuluyan na kong napangiti dahil doon. At mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang unti-unti siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang napakatamis na halik.
"Ano ba 'yan, ginawa pang motel ang ferris wheel!"
Agad kaming napalayo sa isa't isa nang marinig 'yon. Hindi na pala namin napansin na nakahinto na ang ferris wheel at nakabukas na ang pintuan namin.
Hala, nakakahiya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top