Chapter 1
"Anong sabi mo? A-Ako?"
Nang marinig ko ang pagka-utal niya saka lang ako natauhan sa sinabi ko.
"Oo, ikaw." kinakabahan kong sabi.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Basta ang gusto ko lang ay makita ang reaksyon niya.
Ilang segundo pa ang lumipas nang mapansin kong parang di na siya kumportable.
"P-Pero..."
"Ikaw, sinong gusto mo?" palusot na tanong ko.
Nang makita kong agad na nagbago ang reaksyon niya, napasinghap ako. Mukhang wala na talaga akong pag-asa sa kanya.
"Arvin, ayos ka lang ba?" natatawa niyang tanong.
"Ako, oo. Yung puso ko, hindi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top