One Fine Day

"Ang ganda mo, Adele!" Hiyaw na sambit ni Trisha sa kanya ng makita ang resulta ng ginawa sa kanyang buhok.

Ang dating walang-buhay na buhok ay naging kulot na kulot na. Ganoon na lang ang kinang ng kanyang mga mata sa magandang resulta ng pag-aayos sa kanya.

"Salamat, Trish!" Manghang-mangha niyang tugon habang tinitingnan ang sariling itsura sa salamin.

"Handang-handa ka na nga para sa pag-amin mo kay Jerome ha!", panunukso pa ni Priscilla sa kanya habang inaayos ang sarili.

Agad na namula naman si Adele sa sinabi ng kaibigan at binayaran ang nag-ayos sa kanila. Hatak-hatak ang dalawang kaibigan sa magkabilang-kamay ay umalis sila sa salon na iyon.

Dumiretso sila sa hilera ng mga damit at pantalon at agad na napukaw ng kanyang atensyon ang acid-wash na denim jeans at tinawag ang saleslady para humingi ng bagong stock ng size niya. Matapos makuha ang pantalon, sunod na nakita niya ang asuk na square-neck na pang-itaas at humingi ng size niya para isukat iyon.

Tumalima ang tatlong magkakaibigan sa Fitting Room at sinukat ang mga napiling damit. Nang masiyahan, binili nila ito at magiliw na tumigil sa isang fastfood chain para magmeryenda bago umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Habang ngumunguya ng fries, napag-usapan ng tatlong magkakaibigan ang magaganap na School Fair sa loob ng dalawang araw ng linggong iyon.

"Oh, saan niyo gustong unang puntahan na booth natin sa Huwebes?" Tanong ni Trisha habang pinapaikot sa tinidor nya ang hibla ng spaghetti.

"Parang maganda sa fortune-telling booth ng kabilang section." Usal ni Priscilla matapos humigop ng Coke niya.

Napatango na lang si Adele habang ngumunguya ng burger. Hinayaan niyang magkwentuhan pa ang dalawa nang may mahagip ang kanyang mga mata.

Hindi kalayuan sa pwesto nila sa foodcourt ay tanaw na tanaw niya si Jerome Acosta na tumatawa kasama ang kanyang dalawa ding kaibigan.

Sa mga oras na iyon, napahinto si Adele at napa-daydream ng wala sa oras. Kinailangan pang yugyugin nila Priscilla ang kanilang kaibigan para bumalik sa reyalidad.

"Ay nako! Si Jerome na naman pala!" Pantutukso pa ni Trish sa kanya.

"Ssh! Wag kayong maingay! Mahalata pa ako niyan eh!" Pagrereklamo pa ni Adele.

"Akala ko ba aamin ka na sa kanya?" Pandagdag ni Priscilla.

"Sabi ko nga!" Natatawang sagot ni Adele habang nakatitig kay Jerome na hindi kalayuan sa kanila.

Pagsapit ng Huwebes, suot ang kanyang mga bagong biling kasuotan at kulot na buhok, pilit na hinanap ng kanyang mga mata ang pigura ni Jerome sa mahabang pasilyo ng ibabang lebel ng paaralan.

"Dito tayo sa Horror Tunnel!" Sabik na yaya ni Trish habang ngiting-ngiti dahil natanaw ang crush niyang nagtitinda ng pagkain malapit sa kantina.

"Sayang naman ang ganda natin tapos pupunta tayo dun!" Pagpoprotesta ni Priscilla habang tinatahak ang daan sa nasabing booth.

"Andito na din tayo oh! Hindi man lang tayo mag-eenjoy?" Dagdag ni Trish na sinang-ayunan ni Adele.

"Halika na nga! Para makakain na tayo pagkatapos!" Sabi ni Adele at pinuntahan na nila ang booth.

Madilim at may mga nakakatakot na tunog ang sumalubong sa magkakaibigan pagkapasok nila sa Horror Tunnel. Andyan ang maya't mayang pagsulpot ng mga nakakatakot na nilalang.

Hanggang sa siya ay napasigaw at nagulat nang mahatak niya ang puting damit ng isa sa mga multo doon sanhi para mapunit iyon.

Tila ba nawala ang kulay sa mukha niya ng makita kung sino ang nasa likod ng costume na iyon.

Walang iba kung hindi si Jerome.

"P-pasensya!" Agad na kumaripas ng takbo palabas ng Horror Tunnel si Adele na pulang-pula ang mukha sa kahihiyan.

"Tekaa!" Walang nagawa ang sigaw ng pagpigil ni Jerome sa kanya.

Hindi pa man nakakalabas ng booth nila ang dalaga ay nakarinig sila ng tili at isang pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid nila.

Kumaripas ng takbo si Jerome kasama ang mga kaibigan nila at nakita nila si Adele na takip ang mata gamit ang mga kamay.

Nahulog sa kanya ang mga naka-imbak na kahon para sa proyekto ng mga estudyante sa pangkat nila.

"Walang tatawa. Parang awa niyo na." Hiyang-hiya na sambit ni Adele ngunit lalo lang tumawa ang mga nakakita sa kanya. Mabuti na lamang at mga kaibigan nila ang nandoon.

Idinilat ni Adele ang kanyang mga mata at nakita ang kamay ni Jerome na handa na upang akayin sya patayo.

Tinanggap ito ni Adele na may namumulang mga pisngi. Naging hudyat iyon sa kanilang mga kaibigan para iwan silang dalawa.

"Nakakahiya." Mahinang usal niya sa sarili ngunit narinig iyon ng lalaki.

"Aksidente ang nangyari." Sagot ni Jerome at nginitian siya. Tila ba matutunaw si Adele sa ngiting binigay sa kanya ng lalaki.

"Pasensya sa damit mong napunit." Sabi nito habang palabas sila ng booth.

"Wala iyon. May dala naman akong ekstrang damit." Pang-aassure ni Jerome sa kanya. Nagbuga ng hangin si Adele at ng nasa liwanag na sila ay nahagip ng kanyang tingin ang itsura niya sa isang salamin.

"Maganda ka pa din, kung iyon ang inaalala mo." Komento ni Jerome.

"G-gusto kita." Biglang sambit ni Adele at napapikit sya sa hiya sa ginawa niya.

Andito na lang naman din si Jerome sa harapan niya, aamin na din siya.

Lumipas ang ilang minuto ng walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tila ba may anghel na dumaan at tumahimik ang paligid.

Pagkadilat niya, nakamamanghang tingin ang natanggap niya mula sa lalaki. Para bang sa pagkakataong iyon, ang lalaki naman ang namumula.

"G-gusto din kita." Sagot nito sa kanya.

***

Nakangiting inalala ng mag-asawang Adele at Jerome ang kanilang nakaraan. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang galak habang pinanonood ang kanilang mga apo na masayang naglalaro sa kanilang sala.

Ang kanilang mga anak ay umalis panandalian dahil may importanteng aasikasuhin ang mga ito.

"Mahal na mahal kita, Mrs. Acosta."  Usal ni Jerome habang hindi inaalis ang mga mata sa kanilang mga apo.

Nilingon siya ni Adele at nginitian, "mahal na mahal din kita, Mr. Acosta. Habangbuhay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top