Chapter Twenty Three: The Sana All
➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT
THAT'S HER.
That is Mackenna. I cannot believe I'm seeing her in flesh. Again.
At kahit na ilang buwan na ang nakalipas simula nang huling beses kaming magkita, hindi ako pu-puwedeng magkamali na siya 'yon. Kahit na medyo malayo ako mula sa puwesto niya, kabisadong-kabisado ko pa rin 'yung maamo at maganda niyang mukha. 'Yong mapupungay niyang mga mata at mapupula niyang labi. 'Yong makinis at maputi niyang balat.
Then it hits me. God, I miss her. A lot.
I didn't know that seeing her again makes my body tingle in excitement. Gusto ko nalang tumakbo para lapitan siya. Para yakapin siyang muli.
I'm staring at her from afar while she's standing there waiting for someone. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako umaatras-abante ditto sa puwesto ko. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi. Hindi ako makapag-desisyon kung anong gagawin ko hanggang sa makita ko nalang siyang naglalakad paalis kasama ang kaibigan niyang babae.
And then, without even thinking, I yelled and called out her name.
My heart started beating faster when she suddenly stopped walking and started searching for the person who called her. Para akong naestatwa at excited na hinihintay siya na makita ako.
Akala ko makikita at lalapitan niya ako, pero hindi 'yon nangyari, dahil nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad hanggang sa makaalis sila ng kasama niya.
I want to run after her, but I opt not to. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi dahil natatakot ako. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sakaniya na bumalik ako ulit dito sa Brooklyn para makita siyang muli. Dahil miss na miss ko na siya at gusto ko ulit siyang makasama at mas makilala pa.
Did I make the wrong decision to come back here?
Am I too late?
Or... maybe, hindi naman siya kagaya ko na iniisip at hinahanap-hanap siya.
Baka ako lang 'yong na-attach sakaniya sa maikling panahon. Baka ako lang 'yung mayroong sistema na nami-miss siya parati. 'Yong palagi siyang tumatakbo sa isipan ko. Kung ano na ang balita sakaniya. Kung ano nang ginagawa niya. Sino ang kasama niya. Kung iniisip din ba niya ako.
Baka nga ako lang 'yong gano'n saaming dalawa.
Dumiretso nalang muna ako sa hotel kung saan ako mag-i-stay pansamantala. Hindi naman sa pagiging stalker, pero hindi kalayuan 'yung hotel ko mula sa apartment ni Mackenna. Hindi ko 'to sinadya. Peksman! Talagang mura lang 'yung per night dito sa hotel kaya heto ang napili ko.
Hindi naman kasi ako mayaman. Pogi lang ako, pero hindi ako mayaman.
Naligo ako agad pagkarating ko sa hotel, pagkatapos nagpa-room service nalang ako ng pagkain dahil tinatamad na akong lumabas. Wala rin kasi akong kasama at baka maligaw pa ako dito sa Brooklyn, tapos baka ma-kidnap pa ako tapos ibenta 'yung lamang loob ko. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung gano'n lang ang mangyayari sa'kin. Gusto ko pang bumuo ng sarili kong pamilya.
Maya-maya lang at dumating na rin 'yong in-order kong pagkain. Naghahanap ako ng pu-puwedeng panoorin habang kumakain nang biglang tumunog 'yung cellphone ko.
Blaise: Kuys!! Ndi ka na raw bbalik sbi ni Sir Ty? T__T
Humagalpak ako nang malakas pagkatapos kong mabasa 'yung chat ni Blaise sa'kin. Baliw talaga 'yong si Ty. Pinagti-trip-an na naman si Blaise e alam naman niyang kakambal ko 'yon. Daig pa nun ang anino ko dahil palagi kong kasama.
Scout: hahahaha wag kang masyadong nagpapaniwala sa asungot na un *laughing emoji*
Blaise: So bbalik ka pa?
Scout: Ndi na.
Blaise: KUYS NAMAN!!!!!!! D NGA???!
Blaise: Jk lang! Pwidi, piru dipindi *face with stuck tongue-out emoji*
Hindi ko namalayang naubos ko na 'yung kinakain ko habang kausap ko si Blaise. After kasi nung reply ko sakaniya ay tumawag siya sa'kin para mag-video call kami.
Alas-otso palang ng gabi at nabo-bored na ako dito sa hotel. Wala ring magandang palabas sa TV at ayaw ko namang mag-rent ng movie dahil ang mahal. US dollars pa naman 'to. Gusto ko sanang lumabas kaya lang ay hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam kung saan ako pu-puwedeng pumunta, pero isa lang siguradong alam ko. Alam ko kung sino ang gustong-gusto kong makita ngayon.
Napabuntong-hininga nalang ako.
I wonder what she's doing right now... Kagaya ko, iniisip din kaya niya ako? Siguradong hindi. Sino ba naman ako... Isa't kalahating gago na nakilala niya months ago.
Guwapo nga ako, pero gago naman. Hays, layf... Totoo talaga 'yung kasabihang you can't have it all.
Hindi na ako nakatiis at bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi ko na kaya. Mababaliw ako dito kapag hindi pa ako lumabas. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, pero mainly puro si Mackenna.
Nagpalit lang ako ng hoodie at joggers tapos lumabas na rin ako.
Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta naglakad-lakad lang ako at hindi ko namalayang nandito ako sa bar kung saan kami unang nag kakilala ni Mackenna. Pumasok ako sa loob at hindi karamihan ang taong nandito ngayon. Maaga pa kasi. Mag-a-alas-nuwebe palang ng gabi. Malamang mamaya pa dadagsa ang tao rito para mag-inom.
Napansin kong bakante 'yung upuan kung saan ako nakaupo dati at nakilala si Mackenna. I didn't even think twice to occupy that seat. The bartender then came and asks for my order.
"One fireball whiskey, please." I said to the bartender.
Gusto ko sanang chikahin 'yung bartender dahil mukhang mabait naman siya, kaya lang nagpigil ako ng bibig dahil baka duguin ako masyado kapag sumabak ako agad sa English. Konti pa naman ng baon kong English. Siguro mamaya nalang kapag medyo nakainom na ako.
Ang loner ko naman... ako lang ata ang nandito sa bar na nag-iisa at walang kasama. Mas lalo ko tuloy naiisip si Mackenna. Sana nandito siya kasama ko. Na sana hindi ako naging gago at nagpakatotoo nalang ako.
Sana noong una palang inamin ko na kay Mackenna na gusto ko siya. Sana nagpakatotoo rin ako kay Stella at sinabi sakaniya ang totoo. Sana hindi ako naduwag. E'di sana wala ako sa ganitong posisyon ngayon.
Hindi ko namalayan na nakakarami na ako nang nainom habang paulit-ulit sinisisi ang sarili sa katangahan.
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'to dahil sa dami na nang nainom ko o talagang nakikita ko si Mackenna ngayon dito sa loob ng bar.
Pero hindi ako puwedeng magkamali dahil kasama rin niya 'yung babae na sinundo niya kanina sa airport at ang pinsan ni Stella na si Ryder.
Mabilis pumasok sa isipan ko ang mga tanong kung may relasyon ba silang dalawa.
"Sila na kaya? Huli na ba ako? Bakit magkasama pa rin sila?"
"Ayan! Tanga ka kasi Scout! Naunahan ka na tuloy ni Blue Eyes!"
Mabilis akong umiling. Hindi. Hindi pa ako huli. 'Yon ang paulit-ulit kong pinapasok sa isipan ko bago ako nagbayad sa mga nainom kong alak at dahan-dahang umalis palabas ng bar.
I can't stand to see them together. I cannot bear to see Mackenna smile wildly at him while all I can do is watch her from an afar.
Will she ever look at me the same way that she looks at Ryder? Will she ever smile at me if she knows I'm back here? Magiging masaya kaya siya kapag sinabi kong bumalik ako para sakaniya? O baka hindi... dahil isa lang naman akong panggulo sa buhay niya.
Abot kamay ko na siya, pero wala pa rin akong magawa. Hindi ko naman kayang lapitan siya ngayong nakainom ako. After a few months since I've left, I don't want her to see me again for the first time in this state. Kahit papaano, gusto ko naman kapag nakita niya ako ay mas mukha akong disente.
At dahil tanga ako, kaya sinagad ko na rin ang katangahan at pagiging masokista ko. Patago at maingat akong pumasok ulit sa bar. Mabuti nalang at sa isang sulok sila nakaupo at nakatalikod si Mackenna at Ryder mula sa entrance ng bar kaya hindi nila ako makikitang papasok. Medyo madilim rin sa loob kaya mas nakatulong 'yon para hindi nila ako makita.
I took a table far away from them, but I could still see Mackenna from where I was sitting. Parang biglang nawala 'yung kalasingan ko simula nang makita ko si Mackenna.
Parang dinaig ko pa si Joe Goldberg sa pagiging stalker. Naaawa rin ako sa sarili ko dahil sa mga pinaggagagawa ko.
Tubig nalang ang iniinom ko ngayon. Hindi na ako um-order ng alak dahil gusto kong bantayan si Mackenna. Pero napansin kong hindi siya umiinom ng alak dahil puro orange juice lang ang nakikita kong iniinom niya. Naisip ko na baka siya ang magda-drive sakanila pauwi kaya hindi siya umiinom.
Maya-maya pa at nakita kong tumayo si Ryder paalis. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na h'wag lapitan si mackenna kahit na gustong-gusto ko na siyang makausap ulit. Para akong baliw na napapangiti rin kapag nakikita kong ngumingiti si Mackenna habang kausap ang kaibigan niya.
The time flew by and I didn't noticed that it's already 1 o'clock in the morning. Nakita ko ring tumayo na sina Mackenna para umalis. Hindi pa rin gano'n karami ang tao sa bar kaya nag hintay pa ako ng ilang sandali bago naglakad palabas ng bar.
Mabilis akong napakuyom ng kamao ng muntik nang matumba si Mackenna at mabilis siyang hinapit sa beywang ni Ryder para alalayan siya.
They are extremely close to each other. And I'm so close to running up to them and snatching Mackenna away from him.
"Thank you." Mackenna smiled at Ryder.
"Sana all." tanging bulong ko sa sarili.
'Yon lang siguro talaga ang role ko sa mundo. Ang maging taga-sana all ng lahat. Mag-mula kay Ty at Madz, pati na rin si Blaise na mukhang may nililigawan na rin. Pati ba naman kay Ryder.
Nang mawala na sa paningin ko si Mackenna ay naglakad na ulit ako pabalik sa hotel ko. Mga 15 minutes walking distance lang naman 'tong bar mula sa hotel.
Ang daming ideya na pumapasok sa isipan ko kung paano ko haharapin ulit is Mackenna. Pero ang malupit kong tanong sa lahat ay kung tatanggapin ba niya ako.
Nang makabalik ako sa hotel ay agad akong naligo at saka humiga sa kama. Pero bago ako matulog ay wala sa sariling tinawagan ko si Cap. Alam kong pagod na si Cap magpayo sa'kin paulit-ulit, pero siya lang naman ang puwede kong makausap sa ganitong mga bagay. Puwede rin si Rover, pero baka mas lalo lang akong mapahamak sa ipapayo niya sa'kin.
1:30 na ng umaga dito sa Brooklyn kaya mga 3:30 na ng hapon sa Manila. Pangalawang ring palang ay agad nang sumagot si Cap sa tawag ko.
"Naks! Bilis naman sumagot, Cap. Loves na loves mo talaga ako." bungad ko.
"Loko! Namali lang ako ng pindot. Dapat decline ang pipindutin ko." sagot ni Cap at saka tumawa. "Napatawag ka? Madaling araw na diyan ah?"
"Miss na kasi kita, Cap."
"Gago."
Lutong talaga mag-mura ni Cap. Pero alam ko namang love language niya sa'kin 'yang gago.
"Anong balita? Kinita mo na ba si Mackenna?" tanong niya.
"Hindi pa, Cap." buntong hininga ko sabay kamot sa batok. "Pero nakita ko siya sa airport at bar kanina."
"E bakit hindi mo pa nilapitan para kausapin? Ano? Naduwag ka na naman?" hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Cap. "Wala ka talagang bayag bata ka." dugtong niya.
"May bayag ako Cap."
"Wala."
"Meron nga... Pero aaminin ko naduwag ako kaninang nasa airport, pero tinawag ko siya kaya lang hindi niya ako narinig. Tapos kanina naman sa bar, nakainom na ako kaya hindi ko magawang harapin siya."
"Alam mo Scout ang problema sa'yo?"
"Ano?"
"Puro ka dahilan. Kung gusto, may paraan. Pero ikaw, puro ka nalang dahilan." para akong sinuntok sa mukha dahil sa sinabi ni Cap. "Gumawa ka nang paraan. Kumilos ka. Hindi 'yung puro ka nalang salita. Anong mapapala mo kung puro ka plano at salita pero kulang ka naman sa gawa?"
"Makalipas ang ilang buwan simula nang huling beses mo siyang makita, ngayon kalang ulit tumapak sa lupa ng Brooklyn, dalawang beses mo siya agad nakita. Kung sign ang hinihingi mo, aba hindi pa ba sign 'yan?"
"Salamat, Cap."
"Walang anuman. Pero seryoso ako First Officer Fernandez, h'wag kang babalik dito sa Pilipinas ng wala kang ginagawang tama. Kausapin at harapin mo si Mackenna. Kung talagang gusto mo siya. Ipakita mo sa gawa at h'wag puro salita."
"The best ka--" ni hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko dahil binabaan ako ng tawag ni Cap. Napailing na lang ako habang nakangiti.
Tama si Cap. Dapat gumawa ako nang paraan para ipakita na sincere at gusto ko talaga si Mackenna. Kaya bukas na bukas rin ay pupuntahan ko agad si Mackenna.
And besides, ayaw ko na ulit maging taga-sana all ni Ryder.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top