Chapter Sixteen: The Lies
➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT
"ANO, SCOUT? KAYA PA BA?" Tanong ni Cap. Umiling lang ako habang nakatulala pa rin. Natawa naman siya at saka niya ako tinapik sa likod. "Ano? Pogi problems pa more?" Sarakastiko at tumatawa niyang komento bago ininom 'yung shot na nasa lamesa.
Sinamaan ko siya nang tingin. "Hindi niyo kasi ako maiintindihan dahil hindi naman kayo pogi."
"Aba'y siraulo ka talaga no? Ako? Hindi pogi? Mas pogi kaya ako sa'yo!" Sagot ni Cap kaya natawa ako.
"Biro lang naman Cap. Alam ko namang habulin din kayo ng babae noong kabataan ninyo." Sabi ko sabay tawa kaya nakatanggap na naman ako ng isang malakas na hampas sa likod mula sakaniya.
"Gago 'to. Bata pa ako."
"Sige na nga, sabi niyo, e." Nagsalin ako ng alak sa shot glass at saka ininom 'yon.
"Pero teka nga at mabalik tayo tungkol sa problema mo," seryosong sabi ni Cap habang nagsasalin ulit ako ng alak sa shot glass namin. "Anong balak mo ngayon? Sino ba talaga ang gusto mo? Mahirap kasi 'yung ginagawa mo na binibigyan mo sila pareho nang motibo. Kung hindi ka sigurado sa isa dapat bitawan mo na. Hindi 'yung tumatawid ka sa parehong kalsada nang hindi ka sigurado."
Huminga ako nang malalim. "Sa totoo lang hindi ko talaga alam, e. Pati ako nalilito kung sino ba talaga ang gusto ko." Inabot ko 'yung shot glass na halos puno ang laman at saka ko 'yun ininom. Ramdam ko 'yung mainit na pag-guhit sa lalamunan ko noong alak.
"Mabait si Stella, Cap. Masarap siyang kasama, sobra, pero alam niyo 'yun parang may kulang, e. Si Mackenna naman, siya 'yung tipong kahit wala kaming pinag-uusapan at puro ako lang ang dumadaldal madalas ay okay lang. 'Yong tipong kahit pakiramdam ko nakukulitan na siya sa'kin at mapipikon na siya ay tuloy pa rin ako kasi kahit magalit siya sa'kin ay okay lang basta kausapin at mapansin lang niya ako."
"Ayon naman pala, e! May sagot ka naman. Bakit hindi mo muna kausapin si Stella habang maaga pa. Anong nakakalito doon?"
"Pero mukhang bad shot ako kay Mackenna, e. Galit ata dahil nalaman niya 'yung ginawa ko kay Stella. Tapos mukhang may something din sakanila nung pinsan ni Stella."
"Ahh... 'yung sinabi mong blue eyes na umaaligid din kay Mackenna?" tanong ni Cap at tumango lang ako. Captain clicked his tongue while shaking his head. He then gently tapped my back. "Wala ka pala, e. Pogi ka nga, pero tinalo ka ng blue eyes." bulong niya sabay humagalpak nang tawa.
"Funny ka na niyan?" sarkastiko kong sabi at masamang nakatitig sakaniya, habang siya naman halos maiyak na sa katatawa. Napatingin na rin 'yung ibang customer sa bar dahil sa lakas ng tawa ni Captain Mendez. Kung hindi lang talaga mas matanda 'tong si Cap baka nasikmuraan ko na 'to. Kanina pa ko pinagtatawanan nito, e. Namomroblema na nga ako tapos siya ginagawa pang laugh trip lang 'yung problem ako.
"Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa'yo o ano. Ang simple lang ng problema mo, pero pinapahirapan mo 'yung sarili mo."
"Hindi nga kasi madali, Cap."
"Paanong hindi madali? Kung gusto mo talaga si Mackenna, tapusin mo na kung ano man ang mayro'n sainyo ni Stella. Ipaliwanag mo na may gusto kang iba para hindi na siya umasa pa sa'yong gunggong ka. Hindi pa naman sila ni blue eyes 'di ba?"
Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi pa ata sila?"
"Ayon naman pala, e! Hindi ka pa pala talo."
"Kaso malayo siya..."
"Gago ka talaga no?" malutong na mura sa'kin ni Cap bago inabot 'yung shot glass at saka ininom 'yon. Tapos hinawakan niya ako sa kaliwang balikat ko at puwersahang ipinaharap sakaniya.
"Makinig ka sa'king bata ka..." seryosong sabi niya.
"Hindi na ako bata,"
"Sisikmuraan kita. Makinig ka." natakot ako bigla dahil sa tono ng boses ni Cap. Mukhang hindi na talaga siya nakikipagbiruan. Napalunok ako at saka tumango.
"H'wag puro titi ang pinapagana, ha? May isa ka pang ulo, mas gamitin mo 'yon."
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan 'yong sarili ko na matawa. Seryoso kasi 'yong itsura ni Cap, baka bigla talaga akong sikmuraan nito. Mas matangkad pa man din siya sa'kin.
"Hindi ako expert sa ganitong love life problems dahil wala naman ako no'n, pero h'wag kang magpaasa ng babae, Scout. Hindi maganda 'yang ginagawa mo. Oo na at pogi ka, maraming nagkakagusto sa'yo, pero hindi 'yun dahilan para manakit ka ng babae. Kung mas gusto mo 'yung isa, bitawan mo 'yung isa. Simple as that."
Natahimik ako dahil sa sinabi ni Captain.
Tama siya at totoo 'yung mga sinabi niya.
"Kung talagang gusto mo si Mackenna, isipin mo muna kung kaya mo ba na magkalayo kayong dalawa. Dito siya nakatira sa ibang bansa habang ikaw ay nasa Pilipinas. Sa'yo na rin nanggaling kanina na malayo siya. Tanungin mo muna ang sarili mo kung kaya mo bang tiisin 'yong layo niyo sa isa't isa bago ka sumugod basta-basta."
Isa pa 'yan sa iniisip ko. Hindi naman ako puwedeng basta-basta nalang lumipat dito sa US. Nasa Pilipinas din ang trabaho ko at hindi ko alam kung kaya kong tumira sa ibang bansa.
Kaya ko bang isakripisyo 'yung buhay na mayroon ako sa Pilipinas para lang makasama ko siya?
Sa halos dalawang araw na hindi ako pinapansin ni Mackenna, para akong mababaliw. Palagi ko siyang tine-text at tinatawagan, pero ni minsan hindi siya sumagot. Pagkatapos noong dinner naming apat ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Gusto ko sana siyang makausap para makapag-usap kami nang maayos at makapagpaliwanag ako sakaniya, pero ayaw niya. Iniiwasan niya talaga ako.
"Nakahanap ka na ba ng ticket mo pabalik sa Pilipinas sa susunod na araw?" pagbasag sa katahimikan ni Cap.
"Oo, Cap. Nakahanap na ako ng one way ticket pauwing Pilipinas." Lahat ng crew na kasabay naming dumating ng New York ay bukas na ang balik nila sa Pilipinas. Kasama na doon si Stella at Captain Mendez. Dahil sa pagsisinungaling ko kay Stella, kinakailangan kong magpaiwan dito sa New York ng isa pang araw dahil 'yon ang sinabi ko sakaniya noong nagkunwari akong bumiyahe sa Pilipinas.
Mga bandang alas dose ay bumalik na kami ni Cap sa hotel. Bukas ng gabi 'yung flight nila at bukas din ng gabi 'yung dinner namin ni Stella kasama sila Mackenna at Ryder. Kinakabahan ako na parang matatae para bukas.
Hindi mawala-wala sa isipan ko lahat ng sinabi ni Cap kanina. Para akong sinikmuraan sa tiyan dahil sa mga salitang sinabi niya. Sobrang naging unfair ako kay Stella. Hindi tama na patuloy akong nakalapit kay Stella habang si Mackenna naman talaga ang palaging tumatakbo sa isip ko. Idagdag mo pa lahat ng kasinungalingang sinabi ko kay Stella.
"So, babe..." Stella said while clinging into my arm. Katatapos lang ng dinner namin kasama sila Mackenna at nag-aabang na kami ng taxi para makauwi. "How did you and Mackenna meet again?"
Para akong sinabuyan ng mainit na tubig dahil sa tanong niya. I already expected this, but I didn't expect her to ask this right after Mackenna and Ryder left.
Napalunok ako. Parang nanuyo bigla 'yong lalamunan ko.
"Ano... uhm, isa siya sa pasahero noong pagbalik ko dito sa New York." Halos mautal-utal na sagot ko.
"Ahh, I see..." tumatangong sagot niya, "I really missed you, babe." Dagdag niya at saka niya isinandal 'yung ulo niya sa balikat ko habang mahigpit na nakakapit sa braso ko.
Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa ulit si Stella tungkol kay Mackenna dahil hindi ko alam kung kaya ko pa ba magsinungaling. Sobra akong nakokonsensiya.
Dumiretso kami sa hotel kung saan lahat ng crew naka-stay. Balak ko bukas ng umaga nalang ako tatakas para pumunta sa Brooklyn upang kunin 'yong mga gamit ko na naiwan sa hotel.
"Mackenna is really nice no? I really wish Ryder will end up with her! Sobrang bait niya, bagay silang dalawa." Nakangiting komento ni Stella, sumunod siya sa loob ng hotel room ko. Mabuti nalang at nasa wallet ko 'tong keycard ng room ko.
Gusto ko na sana magpahinga dahil sa dami ng nangyari ngayong araw, pero hindi ko naman pu-puwedeng paalisin si Stella.
"Do you think there's something going on between them?"
I just shrugged. "Maybe? Hindi ko alam."
Stella sat on the bed while watching my every movement. Hindi ako mapakali dahil sa mga tanong niya.
"Well, I think my cousin really likes her. They'll make a cute couple." She giggled. I don't know, but something pierced into my chest. It stings.
Ilang beses akong nagtangkang kausapin si Stella, pero hindi ako makakuha nang tamang tiyempo upang kausapin siya. Kaya hanggang ngayon, na papaalis nalang siya, hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa'ming dalawa.
Tonight's the dinner that Stella had planned to have with Ryder and Mackenna, but... she didn't come.
Ang sabi ni Ryder ay busy raw siya kaya hindi makakapunta. Okay lang naman 'yong dinner, tahimik lang ako habang kumakain.
"So you're not flying back to the Philippines tonight?" Tanong ni Ryder. Napatigil ako sa pagsubo sa chicken na nasa tinidor ko.
"Nope. Tomorrow's my flight."
"Ahh, I see..." tumatangong sagot niya.
"By the way," Stella uttered, "Do you know where Mackenna's staying?"
"Why do you need her address?"
"I don't. Scout needs it." Stella replied and Ryder immediately shifted his gaze to me. Kitang-kita ko 'yung paghigpit niya sa hawak niyang kutsilyo. Parang any minute bigla nalang niya akong sasaksakin.
"There's something I need to give her." Sabi ko.
Totoo namang may ibibigay ako kay Mackenna. Naiwan niya kasi sa table 'yong mga pinamili niya sa stationery noong nag dinner kami.
"I-i can just give it to her,"
"It's okay. There's something I want to ask her as well."
"Oh, okay," Ryder said, his jaw clenched.
Hindi na ulit ako umimik pagkatapos no'n, hanggang sa matapos ang dinner at ihahatid ko na si Stella papuntang airport.
"Bro," pagtawag ko kay blue eyes. "Mackenna's address?" Sabi ko dahil mukhang balak niyang umalis nalang nang hindi binibigay sa'kin 'yung address ni Mackenna.
Inabot ko 'yung cellphone ko sakaniya para doon ilagay 'yung address ni Mackenna.
"Thanks," sabi ko at simpleng tango lang ang binigay niya bago tuluyang tumalikod at umalis.
Alam kong hindi 'to ang pinayo ni Cap sa'kin, pero hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita si Mackenna, kaya hanggay maaari ay lulubusin ko na ang oras na natitira ko bago ako tuluyang umalis.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top