Chapter Seventeen: The Routine
➴➵➶➴➵➶➴➵➶
MACKENNA
ANG UNANG PUMASOK AGAD SA isipan ko ay kung naka-drugs ba 'tong si Scout dahil kung ano-anong ang sinasabi niya. Eksaktong medyo namumula pa ang kaniyang mga mata tapos sobra siyang pinagpapawisan sa gilid ng ulo niya. Pakiramdam ko talaga wala siya sa katinuan ngayon.
"Jina-judge mo na naman ako no? Ganiyan ka na naman makatingin sa'kin."
Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Akala ko si Savanna lang ang psychic, pero mukhang mas matindi pa 'tong si Scout dahil parang nababasa niya ang nasa isip ko.
I crossed both my arms across my chest and stared at him with a serious face. "Excuse me? I'm not judging you. Masyado kang assuming diyan." Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Weh?"
"Oo nga."
"Okay, sabi mo, e." natatawang sabi niya. I bit my lower lip. Pinipikon na naman niya ako kaya hindi na ako sumagot para makipagtalo. Alam ko namang matatalo ako sa pakikipag debate sakaniya.
Inabot niya ulit 'yung glass of water at saka inubos 'yung laman no'n.
"You're done drinking water now. So, answer all my questions." I demanded. Nakatayo pa rin ako dahil ayaw kong maupo sa tabi niya.
Nagbuntong-hininga siya bago sumandal sa couch ko habang feel at home na nakataas at patong pa ang dalawang braso sa couch at naka-dikwatro ang binti, na parang sanay na sanay na siyang maupo sa couch ko. Hindi nalang ako nag-react dahil baka sabihin na naman niya ay jina-judge ko siya.
"Hindi mo pa nga sinasagot 'yong tanong ko, e."
"What question?"
"Na kung puwede akong matulog ngayong gabi dito."
I chuckled. "Stop kidding around, Scout."
"Hindi naman ako nagbibiro, Mackenna. Tinatanong talaga kita kung pwede akong makitulog ngayon dito."
"What?!" I exclaimed. "Are you serious?!" Nanlaki 'yong mga mata ko. Akala ko nagbibiro lang siya sa sinabi niya kanina. Kasi gano'n naman siya palagi e, mahilig magbiro nang mga ganyang bagay. Lahat dinadaan sa biro.
"Shh..." he hushed me. "H'wag kang maingay. Baka marinig ka no'ng katabing unit at sugurin tayo dito." He whispered. My eyes widened in disbelief.
"Get out." I said with a firm voice while pointing at the door. Siya naman ang nanlaki ang mata ngayon.
"Leave now. You can't just barge in here and ask for a favor to sleep over."
"Gusto lang naman kitang makausap nang maayos."
"Wala naman tayong dapat pang pag-usapan. You're going back to the Philippines and will continue your life back there with Stella. Plus, you'll never see me again, Scout. So, what's the point of us talking?" sabi ako habang siya ay nakatingin lang sa'kin, na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Look," I sighed, "I want to remember the enjoyable moments we had together during the last week, and I want them to remain a happy memory. So, please don't destroy it for me, hmm."
Including the night we spent together. I want him to realize that, as much as I hate him for lying to me and Stella, I have no regrets about what happened that night. I will remember it as a wonderful experience because I met him. Scout is, undoubtedly, a great guy. He's funny, thoughtful, and a loving person. Too bad we met at the wrong time.
He made no comment. He just stares at me. I badly want to know why he's still here. I want to know all the answers to my questions, but I'd rather not to. Dahil sa tingin ko mas tama na umalis na lang siya.
"Let's not try to make things happen that we know aren't going to happen."
Sandali kaming nabalot nang katahimikan bago siya tumayo sa couch at may kinuha sa may luggage bag na ngayon ko lang din napansin na dala-dala pala niya. Seryoso nga talaga siya na dito siya makikitulog sa unit ko ngayong gabi dahil dala na niya lahat ng gamit niya.
"Naiwan mo 'to sa restaurant no'ng nag-dinner tayo nila Stella." sabi niya bago iniabot sa'kin 'yung paper bag. Sinilip ko 'yung loob at nakita ko 'yung journal na matagal ko nang hinahanap.
Hindi ko alam na nasakaniya pala 'to. Nanghihinayang akong bumili ulit dahil sobrang nagtitipid na ako, kahit na sa gabi ay hindi ako sanay nang hindi sinusulat sa journal lahat ng nangyari sa buong araw ko. Kaya minsan, para makatulog din ako nang hindi nag-iisip ay sa tissue paper nalang ako nagsusulat.
For me, writing serves as a kind of therapy. It calms and soothes my inner serenity. After a long day of dealing with problems that the world throws at me, there is still one thing that no one can stop me from doing, and that's writing in a journal.
This may be cringey for some, but it's important to me.
"Thank you... for keeping this for me." I smiled at him. A genuine one because I am really thankful.
Medyo nag-guilty tuloy ako kasi parang kanina lang sinisigawan ko siya para umalis sa apartment ko. Hindi ko alam na tinago pala niya 'tong journal ko para ibalik sa'kin.
"Wala 'yun. Sige, alis na ako. Sorry rin sa abala." tipid niya akong nginitian bago hinawakan 'yong handle ng luggage bag niya.
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang nakatayo na siya sa tapat ng pintuan. My hands are sweating so much. I know that what I'm doing is the right thing, but I can't stop myself from feeling guilty for being harsh with him.
"Scout," pagtawag ko sakaniya. Napatigil siya sa pagpihit ng doorknob bago lumingon sa'kin. Nakangiti pa rin siya, pero ni hindi umaabot sa mga mata niya.
I sigh. "Be safe and... take care of Stella." I said, smiling at him.
Isang ngiti lang ang isinagot niya sa'kin bago tuluyan siyang umalis ng apartment ko.
I did the right thing, didn't I?
➴➵➶➴➵➶➴➵➶
Days turned into weeks, and weeks turned into months. Time flew by, and I didn't realise I'd been living in Brooklyn for over two months now.
Slowly, I'm getting used on living here in Brooklyn. Ni hindi ko namalayan na ganito katagal na akong nandito.
I also started working as a waitress at Ryder's restaurant, The Hudson. My salary so far has been sufficient to cover my daily expenses.
Ryder has been nothing but nice to me too. Kahit na noong mga panahon na iniiwasan ko siya pagkatapos niya akong halikan, hindi pa rin nag-iba ang pakikitungo niya sa'kin. Mabait talaga siya at naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Wala na rin naman siyang binaggit tungkol sa pag-amin niya na gusto niya ako, pero ramdam ko pa rin naman 'yon base sa kilos at mga ginagawa niya para sa'kin.
But after getting to know him better over the course of two months, I felt more at ease having him around all the time. I couldn't find a single flaw in him. Or maybe his flaw is that he is too nice.
Ryder also met Savanna. Ipinakilala ko siya noong dinalaw ako ni Savanna sa restaurant niya dati dahil nabanggit ko sakaniya na doon ako nagtatrabaho sa The Hudson. Nagulat pa nga noon si Ryder dahil hindi niya inakala na bibisita bigla 'yong kapatid ko na ikini-kwento ko sakaniya parati.
"Savanna, this is Ryder, my boss. And Ryder, this is my sister, Savanna." I introduced the two. Nanlaki 'yong mata ni Ryder at agad ipinunas sa suot niyang apron ang kamay niya bago niya 'to in-offer para makipag-shake hands kay Sav.
"It's nice to finally meet you, Ryder." Savanna said, shaking Ryder's hand. She's over 7 months pregnant, pero hindi pa rin halata ang tiyan niya. Tama nga siguro 'yong nabasa ko dati, na kapag itinatago mo ang baby mo, hindi rin masyadong uumbok ang baby bump hanggat hindi mo 'to sinasabi sa iba. Madalas din nagsusuot nang maluluwag na t-shirt at sundresses si Sav kaya talagang hindi mo mahahalata na buntis siya.
"It is my pleasure. Mackenna has told me so much about you."
"She told me a lot about you, too." Savanna chuckled. Kinunotan ko siya ng kilay, pero kinindatan lang niya ako.
"Really?" nakangiting tanong ni Ryder, bago ito lumingon sa'kin.
"Really." Savanna nodded her head, with a meaningful look. "Maybe you can cook me your specialty so that we can talk over this while having lunch?"
"That sounds great to me!" Ryder responded. His gaze shifted to me, and he said, "You can have your break now so you can accompany your sister. I'll just ask Jai to cover your tables for a moment." He didn't let me respond because he quickly excused himself to return to the kitchen.
Pag-alis ni Ryder agad kong sinamaan nang tingin si Sav na nakangisi sa'kin.
"Well, he's cute... You two look good together." She said with a wink.
Nagkaayos din kami ni Sav pagkatapos naming mag-away noon. Despite the fight we had, I still visited her, and she apologized for hitting me. Pinatawad ko rin naman siya agad. Hindi ko rin naman siya kayang tiisin. At alam ko namang hindi niya sinasadyang sampalin ako. Maybe I really pushed her too hard.
Kaya pagkatapos naming magkabati noon hindi ko na ulit inungkat pa ang tungkol kay Foster. Ayaw ko nang mag-away pa kami ulit. And I don't want to stress her more. Mabuti nalang din at wala na akong nakikitang bakas na kahit anong pananakit ni Foster kay Sav. Wala na akong nakikitang pasa o kahit na anong sugat sa katawan niya. At sana nga tumigil na si Foster sa pananakit kay Sav.
Dalawang beses na rin akong nakapag dinner kasama si Sav at Foster sa bahay nila dahil inimbitahan ako ni Savanna. Isang beses sa isang buwan lang mangyari 'yon. Pero kahit na mukhang nagbago na si Foster, hindi pa rin ako nagiging kampante sakaniya. Dahil kahit isang maliit na gasgas lang ang makita ko ulit sa katawan ni Sav ay hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya.
The days are passing by so quickly. Every day, I have a routine. I wake up, go to work, and then pay a quick visit to Savanna whenever I leave work early. Kapag naman busy kami at ginagabi na ako nang uwi ay binibisita ko nalang siya kapag day off ko.
Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa araw-araw. And there are moments when I feel as though something is missing. I don't feel excited anymore. I don't have anything to look forward to every day, except when I see Savanna.
Ang hirap ipaliwanag dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko.
The following days are just like the old days. Busy ako sa pagtatrabaho para sa pang-gastos ko sa araw-araw.
"Ate Kenna, you haven't had your lunch break yet." Jai said. She's one of my co-waitresses at The Hudson. She's just working part-time since she's still in school. She's Filipina as well.
"Later nalang, busy pa tayo e," sagot ko at saka siya nginitian. I started sanitizing the trays while waiting for the food for the customers.
"Hala, sure po kayo? Kanina pa kayo namumutla, e. Magpahinga po muna kaya kayo? Ako muna dito mag-isa."
"Hindi na, Jai. We're too busy today. Hindi mo kakayanin 'to mag-isa."
"Pero baka po bigla nalang kayo bumulagta dito,"
Natawa ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam, pero naalala ko bigla si Scout dahil sa sinabi niyang salita na bumulagta.
Simula noong pinaalis ko si Scout sa apartment ko ay hindi ko na ulit siya nakita. And I admit, umasa ako na baka sakaling magpakita siya sa'kin ulit. O kahit dumalaw man lang kung babyahe siya ulit papunta dito sa New York.
"I'm really fine, Jai. Ikaw ang dapat nagpapahinga muna dahil may exam kayo bukas 'di ba? Hindi ka pa nakakapag-review. Sigurado akong gagabihin tayo nang uwi ngayon."
"Nako Ate Kenna gagamitan ko nalang ng stock knowledge 'yon." tumatawang sagot niya.
Naputol ang usapan namin ni Jai nang biglang tumunog 'yung bell sa loob ng kitchen, senyales na handa na ang order ng customer. Agad umalis si Jai para kunin 'yong mga pagkain at dinala niya 'yon sa table number 4.
Pagkatapos kong mag-sanitize ng mga trays ay bumukas muli ang pintuan sa restaurant at sunod-sunod na customers na naman ang pumasok. Sabi ni Ryder may event daw ngayon malapit dito kaya talagang dadagsain kami ng mga tao.
Agad kong kinuha 'yong notepad, ballpen at ilang menu bago winelcome 'yong mga bagong dating na customers.
"This way, Ma'am, Sir." I walked them to their table and asked for their drink before taking their orders. Ginawa ko rin 'yon sa iba pang customers na kapapasok lang. Malaki ang restaurant ni Ryder at sa halos dalawang buwan na pagtatrabaho ko dito ay masasabi kong kilala at dinadayo talaga 'tong restaurant niya.
Ryder is not just the owner of The Hudson, but also the head chef. He has one sous chef who takes the lead whenever he's not working and three more chefs who work with him.
Bago ko pa malaman na isang chef si Ryder, napansin ko na dati pa na magaling talaga siyang magluto dahil parati niya akong dinadalhan ng pagkain sa apartment. Akala ko pa noon ay binibili lang niya 'yon, pero nagulat ako noong sabihin niya na siya pala mismo ang nagluluto ng mga dinadala niyang pagkain.
"Good afternoon, Ma'am, Sir. What can I get for—" napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang umikot 'yung paningin ko at para akong maa-out of balance dahil sa hilo. Napahawak ako sa lamesa para hindi ako matumba.
"Miss, are you okay?" tanong noong isang customer na halatang nag-aalala.
"Sorry, Sir, and yes, I'm fine." Pilit akong ngumiti at umayos nang pagkakatayo.
"What can I get for you two today?" pag-ulit ko. Sinulat ko sa notepad 'yung mga orders nila at noong naglalakad na ako pabalik sa kitchen para ilagay doon ang order nila ay bigla nalang akong nanghina at mabilis na nagdilim ang paningin ko.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top