Chapter Nineteen: The Other Side

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT

"SHOT PA!" SIGAW NI ROVER. Inilapit pa niya sa'kin 'yong shot glass na halos puno ang tagay. Tapos naghiyawan at gumatong pa 'yong ibang pilotong kasama din naming nag-iinom ngayon.

"Gago! Balak niyo ba akong patayin?" Tumatawang sagot ko bago ko ibinalik palapit sakaniya 'yong shot glass.

"Hina mo naman First Officer Fernandez!"

"May biyahe ako bukas loko." Nakangising sagot ko.

"Woah!!" Sabay-sabay ulit nilang hiyawan. Mabuti nalang at maingay sa bar kaya okay lang maghiyawan sila nang malakas.

"Pusta ako may kababalaghan na namang mangyayari bukas!" Biro naman ni Captain Mendez at saka ako nginitian nang makahulugan.

"Ako rin, Cap! Pusta ako ng bente!" sabi ni Rover.

"Gawin na nating fifty petot 'yan!" Gatong din ni Ian at saka sila nagtawanang lahat.

Anim kaming piloto na nag-iinom ngayong gabi. Si Rover at Ian ay kapareho kong mga First Officer. Tapos kasama rin namin siyempre si Captain Mendez, ang pinakamatanda— este pinaka-senior saming lahat at ang dalawang Second Officers na sina Malik at Cozi.

Marami akong nakakatrabahong mga piloto, pero sila 'yong mga sanggang dikit ko talaga. Kumbaga mga kaparehas ko nang tama sa ulo.

"Hindi, ah. Good boy kaya ako." I said and clicked my tongue.

"Ulol. Sinong niloko mo? Ikaw, good boy? Baka mauna pang lumipad ang baboy bago mangyari 'yon." Kantiyaw ni Cap.

"Oo nga. Oo nga!" Gatong na naman ni Ian.

"Sir kami ni Cozi hindi kami sang-ayon. Alam naming matino ka." Sabi ni Malik na tatawa-tawa. Halatang binobola lang naman nila ako.

"Mga sipsip!"

"Oo nga! Mga sipsip!" Gatong ulit ni Ian, kaya napailing nalang ako bago ko kinuha 'yong bote ng beer ko at saka inubos 'yong laman nun.

Hindi na nila ako pinilit mag take ng shots, pero itong si Rover ay panay ang asar sa'kin na mahina at pussy raw ako. Pero hindi pa rin ako nagpatinag at puro beer pa rin ang ininom ko. Hindi naman ako nalalasing sa beer lang, kaya hindi ako nag-aalala na magka-hangover bukas.

"Sa NY biyahe mo bukas 'di ba?" tanong ni Cap. Nag washroom lang ako sandali at hindi ko napansin na sumunod pala si Cap sa'kin. Napalingon ako kay Cap na kagaya kong naghuhugas din ng kamay pagkatapos umihi. Hindi gaya ng iba na tamang pagpag lang tapos lalabas na.

"Oo, Cap. Sa NY biyahe ko bukas. Bakit?"

"Pupuntahan mo ba?"

"Sino?"

"Maang-maangan ka pa diyan. Parang hindi mo kilala kung sino 'yung tinutukoy ko." Sagot niya. Bahagya pang umirap 'yung mata ni Cap habang umiiling bago kumuha ng paper towel para tuyuin 'yung kamay niya. Natawa ako dahil sa inasal niya.

Pero hindi ako nakasagot agad dahil sa sinabi ni Cap. Tamang kibit balikat lang ang naisagot ko. Lumabas na kami ni Cap sa washroom. Hindi ako bumalik sa table namin at dumiretso ako palabas ng bar. Nakita kong sinundan ako ni Cap. Masiyadong maingay sa loob kaya hindi kami makakapag-usap nang maayos. At mas lalong hindi kami puwedeng mag-usap ng kasama ang iba. May pagka-chismoso pa naman ang mga 'yun, lalo na si Rover. Hindi ako titigilan nun hanggat hindi ko nai-ku-kuwento sakaniya lahat.

Pumwesto kami ni Cap sa gilid ng bar kung saan walang masiyadong tao. Kinuha ni Cap 'yung isang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa ng jacket niya at saka ako inalukan. Kumuha ako ng isang stick at saka 'yun sinindihan ni Cap gamit 'yung lighter niya.

"Ano sa tingin niyo ang dapat kong gawin, Cap?" tanong ko kasabay ng pagbuga ko ng usok. Ilang taon na simula nang tumigil ako sa paninigarilyo. Nagsimula lang ulit akong manigarilyo noong bumalik ako sa Pilipinas galing New York more than 2 months ago. Simula nang hindi ako matigil sa kaiisip kay Mackenna at kinakailangan ko ng stress reliever.

"Magtatanong ka sa'kin tapos hindi mo naman susundin 'yong ipapayo ko sa'yo."

Natawa ako dahil sa sagot ni Cap. "Madali kasing sabihin, mahirap gawin."

"Iyan kasi ang hirap sa'yo. Puro ka rason, hindi mo pa nga nasusubukan at nagagawa. Puro ka putak, kulang ka naman sa gawa."

"Grabe ka naman manakit, Cap." Humithit ulit ako mula sa hawak kong sigarilyo at saka ibinuga 'yung usok. "Pero mukhang huli na ako. Parang sila na talaga ni Blue Eyes, eh."

"Pa'no mo nasabi?" tanong ni Cap at saka humithit sa sigarilyong hawak niya.

Nagkibit balikat ako. "Nakikita ko lang sa mga pictures sa FB. Lumalabas kasi sa newsfeed ko kapag nag-co-comment si Stella sa post ng pinsan niya."

"Malay mo naman magkaibigan lang sila. Bakit hindi mo tanungin si Stella para mas sure ka kung may chance ka pa ba."

Humithit pa ako ng isang beses sa sigarilyo ko bago ko 'yun tinapon sa kalsada at tinapakan para patayin ang apoy.

"Ayaw ko. Nahihiya ako. At saka masiyado na akong abusado kay Stella. Pasalamat pa rin ako at napatawad niya ako at magkaibigan pa rin kaming dalawa pagkatapos nang nagawa ko."

Biglang tumawa si Cap dahil sa sinabi ko. Entertainment niya talaga ang buhay ko. Palagi niyang tinatawanan ang mga nangyayari sa'kin. Mabuti nalang talaga ka-close ko 'tong si Cap.

"Kung ako si Stella baka nga nasikmuraan pa kita, eh. Kulang 'yung sampal na natanggap mo. Masiyado kang gago para sa isang sampal."

"Aminado naman ako doon, Cap. Gago ako, pero ginawa ko pa rin naman ang tama. Kaya nga pagkabalik ko ng pilipinas, agad kong sinabi sakaniya na may iba akong gusto at hindi niya ako deserve."

"Hindi talaga." Tumatawang sabi ni Cap. We picked up the cigarette butts on the sidewalk and tossed them in the garbage can as we went back inside the bar.

Walang araw na hindi ko naisipang bumalik sa New York pagkatapos kong tapusin ang mayroon samin ni Stella. I admitted to her that I like someone else, but I didn't tell her who it was. Hindi naman ako gano'n kagago para sabihin pa sakaniya kung sino 'yung gusto ko, lalo pa't kilala niya si Mackenna.

Each day, I keep on going back and forth. Nauunahan ako ng takot kaya kahit na gustong-gusto ko siyang makita ulit ay hindi ko magawa.

"Basta balitaan mo nalang ako kung uuwi ka pa ba dito sa pilipinas o hindi na. Ako nalang ang bibisita sa'yo sa New York." Tukso ni Cap sa'kin at mahina niya akong siniko bago naglakad pabalik sa puwesto niya sa table namin.

"San kayo galing, Cap?" agad na tanong ni Rover nang makita niya kami ni Cap na kababalik lang.

"Yosi break lang." sagot ni Cap.

Naupo ako pabalik sa upuan ko habang iniisip 'yung sinabi ni Cap.

Should I finally take my chances, or will I just let myself regret this for the rest of my life?

➴➵➶➴➵➶➴➵➶

"You just got back, Kuya. Are you leaving again?" Ayna asked when she came into my room and saw me packing my clothes back in the luggage bag.

I don't usually stay or doesn't like to stay in my Dad's house dahil may sarili na akong condo unit, pero dito naka-stay ng ilang araw dahil sa request ni Ayna pagkatapos ng birthday celebration niya noong isang araw. We just had a simple birthday party
for Ayna with her friends and schoolmates.

I looked at up and smiled at her. "Anong gusto mong pasalubong?"

"Anything is fine, Kuya. Basta galing sa'yo." Nakangiting sagot niya.

Ayna is the youngest in our family. She's my half-sister to my Dad's fourth wife. Ayna's mother is the current wife of Dad. Ako naman ang panganay na anak ni Dad at kami ni Mama ang unang pamilya niya. I have 4 half-brothers and 3 half-sisters in total.

Ayna sat on my bed, keeping her eyes on me while I pack. Malaki man ang age gap namin ni Ayna, siya pa rin ang pinaka-close ko sa mga half-siblings ko. Ako lang ang bukod tanging walang kapatid sa mga naging pamilya ni Dad.

Ayna has 2 older brothers, Sinclair, and Conrad. Azalea and Yeona ang kambal naman na anak ni Dad sa pangalawang asawa niya. At si Maxim at Makhi naman ang half-brothers ko sa pangatlong asawa ni Dad.

Walo kaming anak ni Dad sa apat na asawa niya. Halos magkaka-edad pa ang iba sa mga half-siblings ko dahil sa panlolokong ginagawa ni Dad sa mga nagiging asawa niya. Ang mga half-siblings ko lang sa asawa ni Dad ngayon ang mga nakikita ko dahil umalis at lumayo na ang pangalawa at pangatlong asawa niya kasama ang mga anak nila.

Hindi na ako magtataka kung tumigil na sa pagsustento si Dad sa mga ibang asawa niya at napabayaan na niya ang mga 'to, dahil ako nga na unang anak niya ay hindi niya naalagaan nang tama. Bonus nalang na nakakapunta at may sarili pa rin akong kuwarto dito sa bahay ni Dad kahit matagal na silang hiwalay ni Mama.

"Dito ka pa rin ba mag-stay pagbalik mo Kuya?"

I shook my head slowly and pursed my lips in a thin line. As much as I want to grant Ayna's wish for me to stay here in their house, I can't. Actually, I don't want to.

Agad napalabi si Ayna dahil sa pag-iling ko.

"Don't worry bibisita pa rin ang pinaka-pogi mong kuya dito paminsan-minsan." Biro ko.

"Promise yan ha?"

"Syems naman! Kailan ba ako hindi tumupad sa pangako?" I said with a wink that made Ayna giggle. I walked towards her and ruffled her hair. "Basta good girl ka palagi. 'Wag mo masyadong pasakitin ang ulo ng mama at mga kuya mo."

"Sila kaya ang mas matigas ang ulo." She pouted. Kinurot ko 'yung magkabilang pisngi niya.

"I know." I chuckled.

Bumaba na kami ni Ayna mula sa kuwarto ko nang matapos ako sa pag-empake ng mga gamit ko nang makasalubong namin si Dad.

"Hi, Dad!" masayang bati ni Ayna kay Dad at hinalikan niya 'to sa pisngi, habang ako naman ay seryoso lang nakatingin pabalik sakaniya. Ganito naman kami palagi. Wala namang bago. Minsan nga simpleng tango lang ang pagbati namin sa isa't isa.

"Where to?" tanong niya. Kagaya ko, seryoso at nakatingin lang din siya sa'kin pabalik.

"New York." Maikling sagot ko. Maglalakad na sana ako paalis nang magsalita ulit si Dad.

"When are you going to introduce her to us?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Mabilis kumunot ang noo ko at agad ko siyang nilingon. Si Ayna naman ay nakatayo sa tabi ni Dad, clueless at palipat-lipat ang tingin niya sa'ming dalawa ni Dad.

Exasperatedly, I exhaled. "Sino namang ipapakilala ko sainyo?" kunot-noong tanong ko.

What I despise the most about my dad, aside from the fact that he neglected not only my family but also the other families he had, is that he continues to meddle in my affairs as if he actually cares, even though he doesn't.

He doesn't care about me. He doesn't care about my mother.

He only pretends to be a father when someone's watching. Kagaya ngayon, nandito si Ayna kaya kung umasta siya ay parang tatay ko siya na concern at interesado sa love life ko.

"Your girlfriend," he nonchalantly said. Na para bang alam niya at sigurado siyang may girlfriend ako.

"Hindi ako na-inform na may girlfriend pala ako." I snicker.

"You broke up with Stella?" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Pa'no mo nakilala si Stella?" My jaw clenched. He's doing it again.

"You did a great job of breaking up with her if you don't like her that much. I'm sure you'll find someone more suitable for you son."

"I'm not like you." I glared at him. Parang puputok na ang mga ugat sa kamao ko dahil sa sobrang pagkuyom ko sa kamao ko.

"Dad... Kuya," tawag ni Ayna. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at pag-alala. Bata pa siya kaya hindi pa niya masyadong maiintindihan kung bakit ganito ang trato namin sa isa't isa ni Dad.

Nilapitan ko si Ayna at marahan siyang hinalikan sa tuktok ng ulo. "Pakabait ka ha." Habilin ko sakaniya bago ako maglakad, pero bago ako tuluyang umalis, tumigil ako sa tapat ni dad at tinitigan siya.

"Please lang h'wag niyo nang dagdagan pa ang mga kasalanan niyo sa'kin. Kotang-kota na kayo."

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top