Chapter Eleven: The Dinner

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT

I WAS STANDING IN FRONT of the Petness Overload store, waiting for Mackenna to reply to the text message that I had sent, but to my disappointment, she just hid her phone away after reading it.

Gano'n ba kahirap magreply sa'kin? Gano'n ba kahirap sagutin ang tawag ko? Akala ko ba siya ang ite-text ko kapag naliligaw ako? Anong sense nang pagbigay niya sa'kin ng number niya kung hindi rin pala niya sasagutin ang tawag ko? Paano kung naliligaw na pala ako dito tapos deadma lang niya 'yung text at tawag ko.

I sighed heavily before taking another glimpse of her while she was smiling widely at Ryder and holding the cute little puppy before I finally started walking away.

Alam ko namang galit siya sa'kin kahit na sabihin niyang hindi. Halata naman kasi sa mga kinikilos niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagagalit si Mackenna sa'kin. Kung tutuusin hindi naman talaga ako nagsinungaling sakaniya dahil hindi ko naman talaga syota si Stella. Hindi ko pa lang kasi nakakausap si Stella, kaya hindi ko pa magawang magpaliwanag kay Mackenna. Lalo pa't ang sinabi ni Stella sa pinsan niyang Blue Eyes ay boyfriend niya ako.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumili nalang ng bulaklak pang-sorpresa kay Stella mamaya. Hindi ko naman alam kung anong paborito niyang bulaklak kaya kung ano-anong bulaklak nalang ang tinuro ko kanina sa flower shop para gawing flower bouquet.

Pagkatapos kong mamili ay bumalik ako kung saan kami nakatambay ni Mackenna kanina habang kumakain ng hotdog. Ang sabi kasi nila dito nalang daw kami ulit magkita-kita bago kami pumunta sa restaurant—kung saan man nagpa-reserve si Ryder.

Okay na sana, e. Maayos naman kami ni Mackenna kanina, kung hindi lang sumulpot at umentra bigla si Blue Eyes. Nakakainis.

Nag-send ulit ako ng message kay Mackenna at sinabing hinihintay ko na sila rito, pero nakakailang minuto na at wala pa rin siyang reply. Napabuntong-hininga nalang ako at saka binalik 'yung cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

Bahala na nga silang dalawa diyan. Nakakainis. E'di sila na ang masaya at nakikipaglaro sa mga tuta. Ni hindi man lang ako niyaya, mahilig din naman ako sa aso.

Maya-maya pa at biglang tumunog 'yung cellphone ko at halos mabitawan ko 'yung bouquet na hawak ko dahil sa pagmamadali ko.

"Anubayan." bulong ko nang makita kong si Captain Mendez pala 'yung tumatawag. Akala ko si Mackenna na.

"Hello, Cap? Balita?" bati ko pagkatapos kong sagutin 'yung tawag niya.

"Kanina ko pa hinihintay 'yung tawag mo. Akala ko ba tutulong ako sa pag-surprise mo kay Stella?"

"Change of plans, Cap."

"Pambihira ka talagang bata ka. Hindi pa naman ako natulog ngayong hapon dahil hinahantay kita." sagot ni Cap sa kabilang linya. Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya.

"Pasensiya na, Cap. May nangyari kasi, e. Imbes na ako 'yung mang-su-surprise e ako 'yung na-surprise kanina. Bigla kasing sumulpot 'yung pinsan ni Stella. Natatandaan niyo 'yun? 'Yung sinabi ko sainyo na pinsan niya na kikitain dapat namin at kung bakit kaya tinaguan ko bigla si Stella?"

"Gago pa'no ko makakalimutan 'yun. Para kang siraulo nun na pinagpanggap mo pa akong ibang tao." humagalpak ako nang tawa dahil sa sinabi ni Cap. "Pa'no pala kayo nagkita nung pinsan ni Stella? Ano 'yun, bigla nalang kayong nagkita diyan? Baka naman mamaya siya na pala ang nakatadhan sa'yo." dagdag ni Cap sabay tumawa nang malakas.

"Cap pwedeng pamura? Kahit isa lang oh?"

"Gago, captain mo 'ko. Ako lang pwede. Tsaka mo na ako murahin kapag captain kana rin."

Dahil sa pagkukuwentuhan namin ni Cap ay hindi ko namalayang nandito na pala si Mackenna at Ryder. Nagpaalam na rin ako kay Cap at sinabing balitaan ko nalang siya kung anong mangyayari mamaya sa dinner.

"Who's that? Stella?" Mackenna asked after I ended the call.

Pasimple akong napangisi dahil sa tanong niya. "Bakit? Curious ka?"

She just shrugged. "Just asking. And please speak in English so Ryder can understand you."

"No, it's okay. You guys can talk in Tagalog. I don't mind." Pagsingit ni Blue Eyes at saka siya ngumiti nang todo kay Mackenna.

"Bida-bida na epal pa." bulong ko tapos narinig yata ni Mackenna dahil bigla niya akong sinamaan nang tingin. Nakalimutan kong tinuro ko nga rin pala sakaniya 'yung salitang epal kanina.

"Anyway, should we go now?" Pag-change ng topic ni Mackenna. Nakangisi pa rin ako kasi napipikon siya dahil hindi ako nagsasalita ng English. Kaninang magkasama sila ni Blue Eyes ang lawak-lawak nang ngiti niya tapos ngayon ako naman sinisimangutan niya. Ako nga dapat ang mainis dahil iniwan nila akong mag-isa para makapag-solo sila.

Nakakatampo kaya. Iwanan ba naman akong mag-isa rito sa Times Square. Pa'no kung may nambudol pala sa'kin kanina tapos kinidnap ako at chinop-chop para ibenta?

"Sure. I'll just text Stella to let her know that we're going to the restaurant now." sagot ni Blue Eyes. Tsk. Gwapo rin naman ako, hindi nga lang blue ang mata ko. Pwede naman akong mag-contact lens kung mas gusto pal ani Mackenna ng blue eyes.

"Scout! Aren't you coming?" pagtawag ni Mackenna. Hindi ko napansin na naglalakad na pala sila paalis. Tignan mo talaga, balak pa ata akong iwanan ulit!

I rolled my eyes at her and mocked her.

"Nye nye nye." pang-aasar ko.

Sinamaan niya ako nang tingin ulit. "Para kang bata,"

"E'di wow." sagot ko at napailing nalang siya.

Hays. Gusto ko nalang bumalik sa hotel at matulog. Pambihirang buhay 'to.

➴➵➶➴➵➶➴➵➶

"Tangina." mura ko nang makita ko 'yung presyo ng mga pagkain sa menu. Ano ba 'tong restaurant na 'to? May ginto ba pagkain nila dito at ganito kamahal ang bawat putahe? Ultimo soup nila nasa 50 dollars na.

Putspa! Mukhang tubig lang o-order-in ko rito. Sobrang mahal naman!

"I'm sorry. What was that Scout Pare?" Ryder asked. Siya 'yung nakaupo sa harap ni Mackenna tapos nasa kanan ko naman nakaupo si Mackenna. Naiwang bakante 'yung upuan sa harap ko para kay Stella. Mabuti nalang talaga hindi marunong magtagalog 'tong si Blue Eyes. Bawas point siya.

"Oh, nothing. The food on the menu makes my tongue like watery 'coz 'you know hmmm yummy." sagot ko habang hinihimas ko pa 'yung tiyan ko para ipaliwanag sakaniya na parang hindi ko kayang sabihin in English 'yung gusto kong sabihin. Marunong ako mag-English, kahit nangongopya lang ako kay Tyler nung high school kami sa English subjects namin.

Pigil na pigil ang tawa ko habang si Mackenna naman kanina pa ako sinisiko dahil alam niyang inaasar at niloloko ko lang naman si Blue Eyes.

"Yup! The food here is great; that's why I chose this place to have dinner with Mackenna." sagot niya sabay tingin na naman kay Mackenna at ngumisi. 'Di ba sumasakit ang panga nito kakangisi kay Mackenna?

Umubo ako sabay sabing "Yabang,"

O e'di siya na ang dollars ang sahod at peso lang sa'kin. Kapag ako nanalo sa lotto, who you ka talaga sa'kin.

Nagulat ako nang sikuhin na naman ako ni Mackenna. Akala ko pa naman dito siya naupo sa tabi ko dahil gusto niya akong katabi, pero mukhang naupo siya sa tabi ko para sikuhin ako buong gabi.

"Ano?" tanong ko. May waiter na palang kukuha ng order namin.

"What do you want to drink?"

"Nawasa."

"Scout!" she said, gritting her teeth. Mukhang pikon na talaga siya. Pero ang cute pa rin niya kahit gigil na siya sa'kin.

"Tubig lang. Wag mo nang palagyan ng yelo at baka may dagdag charge pa." sabi ko sakaniya, tapos sinabi naman ni Mackenna 'yung order kong tubig para sa inumin doon sa waiter, pwera dun sa sinabi kong wag palagyan ng yelo dahil may charge.

"Stella just replied to me. She said she'd be here in 15 minutes." Ryder said, and smiled. "Are you excited to see her, Scout Pare?"

"Yeah. I miss her so, so much." sarkastikong sagot ko.

"Nice!" tapos nakipag-fist bump pa sa'kin ang loko.

"By the way, Scout's name doesn't have pare." biglang sabi ni Mackenna, "Pare is a Tagalog word for a bro or buddy."

"I'm sorry. I didn't know that I've been calling you like that."

"Ayos—I mean, it's okay." sagot ko at saka siya tinanguan.

Hindi pa kami um-order dahil hinihintay muna namin si Stella. Ang sabi naman ni Blue Eyes ay malapit na raw si Stella kaya hintayin nalang muna namin siya.

"Why are you like that?"

"Like what?" tanong ko pabalik kay Mackenna. Umalis muna si Ryder para mag-CR.

"Kanina mo pa inaasar si Ryder tapos nagkukunwari kapang hindi marunong mag-English." I just shrugged at Mackenna before taking a sip from my glass of water. "Ryder's a nice guy kaya please don't be rude to him."

"Hindi naman ako bastos sakaniya ah? At saka sinasagot ko naman ang mga tanong niya."

"Oo, sinasagot mo nga, pero puro kalokohan naman ang sinasagot mo. Mabuti nalang hindi siya nakakahalata na niloloko mo siya." sabi niya sabay irap sa'kin. "And why do you keep on making weird gestures to explain your answer to him? We both know that you're perfectly good at speaking English."

I grinned at her before lowering my face so close to hers that I could feel her breathing on my lips. "Pa'no mo nasabi? Dahil ba puro English 'yung binubulong ko sa'yo nung may nangyayari sating dalawa?" Mabilis namula 'yung pisngi ni Mackenna dahil sa sinabi ko kaya agad niyang inilayo 'yung mukha niya sa'kin. I chuckled softly because of her reaction.

Hindi na ulit ako pinansin ni Mackenna pagkatapos nun, silang dalawa lang ni Ryder ang nag-uusap na parang hindi nila ako kasama. Mabuti nalang at dumating na rin si Stella, pero hindi niya ako agad nakita dahil nakatalikod kami ni Mackenna sa entrance ng restaurant.

Agad tumayo si Ryder mula sa pagkakaupo at sinalubong ng yakap si Stella. Ako naman ay tumayo na rin habang hawak 'yung bouquet na binili ko kanina.

"Oh, my gosh!" Stella exclaimed when our eyes met. "You're here!"

Naglakad ako palapit sakaniya at mabilis niya akong hinatak para yakapin. She wrapped her arms around my neck and hugged me tightly, ignoring the fact that the rest of the customers were watching us. I hugged her back and kissed the side of her head.

"Surprise."

"Kainis ka!" mahina akong hinampas ni Stella sa dibdib nang maghiwalay kami sa pagkakayakap. "But I really missed you!"

"Para sa'yo." I handed her the flowers.

"Thank you." Stella's eyes became watery as she stares at the bouquet of flowers that I got for her.

"By the way, this is Mackenna." Pagpapakilala ni Ryder. Stella's eyes widened in shock. Masyado yata siyang nasorpresa sa'kin dahil hindi man lang niya napansin si Mackenna.

"Hi, Stella. Nice meeting you." Mackenna greeted Stella.

"Why didn't you tell me you already had a girlfriend?" Stella said, hitting Ryder on the arm. I was going to arrange a date for you with one of my coworkers!" Tumawa lang si Ryder at Mackenna, habang ako naman ay naghihintay na i-correct nila si Stella dahil sa sinabi nito. "I mean no offense to you, Mackenna. But I'm going to cancel it. Don't worry." Stella smiled warmly at Mackenna and said, "It was nice meeting you as well."

Pagkatapos nun ay natahimik nalang ako. So, they are really dating? Hindi naman kasi umalma si Mackenna sa sinabi ni Stella kanina. Kasi kung hindi naman niya gusto si Ryder ay sigurado akong sasabihin niya na hindi naman niya boyfriend si Ryder, pero hindi... tumawa lang siya.

Parang bumaliktad na naman 'yung sikmura ko. Nawalan ako nang gana kumain kaya halos hindi ko rin nagalaw 'yung in-order kong pagkain. Masarap naman 'yung pagkaing kinuha ko, pero ewan ko ba, nawalan ako nang gana bigla.

"CR lang ako." paalam ko sakanila. Hindi ko na rin naman nasabayan 'yung topic na pinag-uusapan nila kaya nagpaalam muna ako para mag-CR.

Bakit ba ko nagkakaganito? Okay naman ako nung dumating ako dito sa New York bago ko nakilala si Mackenna. Binalak ko pa ngang magseryoso kay Stella dahil baka mamaya handa na ako. Pero parang nagulo nalang bigla 'yung utak ko. Hindi na ako sigurado kung ano ba ang gusto kong gawin at mangyari.

Nag-stay muna ako sa loob ng CR ng ilang minuto bago ako lumabas, at saktong nakasalubong ko si Mackenna na papunta naman sa women's washroom.

"Are you okay?" tanong niya. She looks worried, o baka guni-guni ko lang. Hindi ko na alam.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"You've been awfully quiet and you're not eating your food. I'm just worried that you're not feeling good."

"Baka magalit si Ryder sa'yo kapag nalaman niyang nag-aalala sa'kin 'yung syota niya." sagot ko at diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Heto. Heto mismo ang hindi ko maintindihan. Mas lalo lang ako naguguluhan kapag ganito sa'kin si Mackenna.

With unease, she bit her bottom lip. Dahil sa ginawa niya, napatitig tuloy ako sa mga labi niya. I've noticed that she has a habit of biting her bottom lip when she's nervous, and it drives me crazy every time she does it. Because I'd like to be the one who bites her lips.

I want to feel her lips on mine. Again.

So, without hesitation, I closed the gap between us and claimed her lips. My palm automatically found its way up to caress her cheek to deepen the kiss, but it was not even 10 seconds when she broke the kiss and pushed me away.

"D-don't ever do that again, Scout. You have a fucking girlfriend!" She hissed before stomping her way inside the women's washroom.

How can she say that after kissing me back? I knew how I felt, and I knew she wanted to kiss me as well.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top