Part 9
|Harlette POV|
Nasa bahay kami ngayon. Bahay namin. Hehe.
Tapos na rin akong mag-ayos.
Bumaba na ako at nakita ko na nakaupo si Harris sa sofa namin.
Ang gwapo niya kahit side view lang. Kahit anong view naman eh.
Huh? Teka ano itong pinagsasabi ko?
I'm not falling in love, right?
Ayaw ko. We're just doing the dare. After this, wala na.
|Harris POV|
Malapit nang matapos ang araw na 'to.
I will miss this day. I will miss her.
After this day. No communication na kami. I'll forget her. Kaya ko ba?
"Ehem."
"Nandiyan ka na pala. Tara kain tayo ng ramen," sabi ko.
Na-excite siya.
"Sige tara na!" sabi niya at naunanang lumabas.
What was that? Napangiti na lang ako.
Paglabas ko nakasakay na siya sa kotse ko. Ang bilis.
Nilabas niya ang ulo niya sa bintana ng kotse ko.
"Tara na. Gutom na ako. Gusto ko nang kumain ng ramen! "
Nagmadali na lang akong pumasok sa kotse ko.
"Grabe ka. Favorite mo ba ang ramen? "
"Hindi." Naman pala eh pero kung magmadali parang emergency. "Gusto lang matikman. Di pa kasi ako nakakakain eh. Hehe. "
What?! Seriously?
"Okay," sabi ko na lang at tumango.
|Harlette POV|
'Yon lang sasabihin niya? Okay.
O edi fine! Basta makakakain na ako ng ramen! Another memory of him after this day.
Nandito na kami nagyon sa hindi ko na alam ang pangalan. Basta.
"Hmm. Ang bango!" Tumawa siya.
'Yang tawang 'yan mamimiss ko.
"Huwag ka ngang tumawa. Hmp! " pagrereklamo ko.
"Oo na. Eto na. Kain na nga tayo," sabi niya. tumatawa pa rin. Hmp!
Kumain na nga ako. Buti alam kong mag-chopstick. Hehe.
"Whoa! Ang anghang nito!" sabi ko habang itinuturo iyong nakalagay sa maliit na mangkok. Mangkok ba tawag doon? Haha. Parang sawsawan lang na maliit. Parang iyong lalagayan ng puto? Hehe.
Tumatawa lang siya. Enjoy sa pagkain ng ramen. Ikaw na ang sanay.
"Ano ba tawag diyan? Tubig nga!" sabi ko habang pinapaypayan iyong bunganga ko.
"Kimchi tawag diyan. Huwag kang magtubig. Aanghang lalo." Ay talaga?
"Ayaw ko na yang kimchi. Ito na lang," sabi ko at sabay higop sa sabaw ng ramen.
Grabe! Di ko talaga type iyong kimchi!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top