Part 6
Naglapag kami for picnic pati rin ang mga kaibigan namin.
Ang girls nakipagpicnic sa boys.
"Taken na ba mga kaibigan mo?"
"Oo. Kaya nga nila pinagawa 'to eh. "
"Same here. "
Pati siya? No experience. This is the first time?
"Anyway I've got some chocolates, fruits and spaghetti. Enough for us. "
"Spaghetti?"
"Yeah."
"That's my favorite!" excited kong sabi.
"Oh really?" He chuckled. Ang cute. "Ako rin eh."
"Let's eat what we want while playing chess."
"Okay then," ani niya.
Nagsimula na kami.
|Third Person POV|
Habang magkakasama ang mga kaibigan nila Harris at Harlette. Nag-uusap din sila.
"Taken na kayo?" tanong ni Mark.
"Yeah. 2 months kami ng bf ko," masayang sabi ni Kylie. Ang feeling close na nila noh? Usapang love life nga naman.
"5 months naman kami ng bf ko," sabi ni Lhyne.
"Malapit na kaming mag one year ng bf ko. Si Harlette pa kaya ang naging daan para magkatuluyan kami. Pero siya iyong single sa amin eh. NBSB," sabi ni Glynne.
"Haha. Nandiyan naman si Harris. Sila na oh!" sabi ni Rex. "NGSB siya."
"For one day," sabi ni Kylie.
"Yang kapatid kong yan-"
"Kapatid mo?" gulat na sabi ng mga babae.
"Oo. Siya nga naging way para mapasa-akin ang gf ko," tugon ni Mark.
"I guess ako itong brokenhearted sa atin. Damn. Kakahiwalay lang namin ng ex ko kahapon, " malungkot na sabi ni Chris.
"Seriously bro?! " gulat na tanong ng mga lalaki.
"Yah."
"At bakit?" tanong ni Rex.
"Lapitin ka naman kaya okay lang." Binatukan siya ni Chris.
"May iba na raw siyang mahal. Haist. Tignan niyo iyong dalawa." Napatingin naman sila kina Harris at Harlette. Napatayo pa sila.
"Ano ginagawa nila?" tanong ni Kylie.
"They're playing chess," sabi ni Mark.
"Naglalaro si Harlette ng chess?" di makapaniwalang tanong ni Glynne.
"Ano? Di niyo alam? Kaibigan niya kayo eh," sambit ni Chris.
"Never namin siya nakitang naglaro. Ngayon lang. Basketball, volleyball, badminton, and tennis ang nakikita namin na nilalaro lang niya," paliwanag ni Lhyne.
"Tutok na tutok sila oh. Makikita mo na nakafocus sila sa laro pero habang kumakain," komento ni Rex.
"Ayon biglang napatayo si Harlette at tumalon. Tuwang-tuwa!" saad ni Glynne.
"Panalo iyan for sure." Tumawa si Mark. "Natalo si Harris ng isang babae," biro ni Mark saka napangisi.
Masayang nagtatalon ni Harlette nang bigla siyang natapilok. Matutumba na sana pero sinalo agad ni Harris.
"Hala. Anong nangyari?" nag-aalalang sambit ni Kylie kaya napatakbo sila pupunta roon.
Hawak hawak na ngayon ni Harris si Harlette.
"He's carrying Harlette like a bride. Masakit ata paa," sabi ni Mark.
"Anong nangyari?" bungad nila sa dalawa.
"Natapilok si Harlette, sobra kasi ang tuwa eh. "
Sinampal ni Harlette si Harris pero di naman malakas.
"Oo na. Kasalanan ko na kung bakit ako natapilok. Bawal bang magdiwang? First time ko manalo ng chess game eh. Si kuya kasi lagi," sabi ni Harlette saka tumawa.
"Tara na sa kotse. Guys paki ayos at buhat na lang mga iyan ah," utos ni Harris at naunang maglakad papunta sa kotse niya.
"Ang bigat mo!" reklamo ni Harris.
"So what? Sorry naman. Hehe."
Sa kabilang dako naman inayos na ng kanilang mga kaibigan ang mga gamit.
Pagkatapos ay isinunod nila ito sa kotse ni Harris.
"Heto na bro iyong gamit mo. Lagay na namin dito sa likod."
"Sige."
"Nga pala. First game niyo ba iyon?" tanong ni Mark.
"Hindi. Limang beses talo siya sa pang-anim lang nanalo," natatawang paliwanag ni Harris.
"Che! Shut up!"
Nagtawanan lang silang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top