Part 3

|Harlette POV|

Nandito na naman ako sa Rizal Park. Wala lang gusto ko rito eh. Nagbabasa ako ng aklat ko ngayon. I need to review for tomorrow eh. May quiz. Wala kaming pasok ngayon. Half day pala. Tas pasok ulit bukas.

Tumayo na ako at tumakbo nang may makabanggi ako.

"Aray! "

|Harris POV|

Here I am at Rizal Park. Trip ko lang pumunta rito. Naglalakad-lakad lang. Baka sakaling makahanap. Iniisip ko pa rin iyong dare nila sa akin kahapon.  Kainis! Tapos pinaalala pa nila kanina.

"Aray!" daing ng nakabangga ko. Nakabangga? Tinignan ko ang nakabangga ko na naka-upo ngayon sa sahig.

Ang ganda niya. Tila nagslow motion ang paligid. In love na ata ako. Teka. Di pa.

Inabot ko ang kamay ko.

|Harlette POV|

Grabe naman 'to. Di tinitignan ang daanan niya. Ay joke. Ako pala kasi itong tumakbo.

Inabot niya iyong kamay niya.

Tinignan ko siya sa mukha at ang gwapo niya. Bagay sa kanya ang eyeglasses na suot niya.

Ngumiti siya kaya inabot ko na ang kamay niya.

Nagpagpag ako.

|Harris POV|

Ang liit niya. Haha. Cute.

Huh? What?

"Sorry," sabi ko. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Brown eyes pala siya.

"No. Ako dapat iyong magpasensiya, ako kasi iyong tumatakbo eh. "

"Sorry ah. Di kita napansin may iniisip kasi ako. "

"Ano iyon?" tanong niya at umupo sa may hagdanan malapit sa amin. Tinabihan ko nga.

"Iniisip ko kasi kung sino naman ang babaeng pwede kong i-one day relationship. Bwesit kasi na mga kaibigan kong iyon," Inis na sagot ko at napakamot ng ulo. Bakit ko nga pala sinabi sa kanya?

Nagulat siya at tila ba napaisip.

|Harlette POV|

What if I'll present myself? Ako rin kasi eh. Kailangan ng boyfriend for one day. Kapag di ko gawin mas malala. Haist. I won't let it happen.

"Ano iniisip mo?" biglaang tanong niya.

"Ah. Kasi. Ako rin eh."

|Harris POV |

Siya rin? Kailangan niya ng ka-one day relationship. For sure her friends dared her.

"Huh?"

"Kailangan ko ng ka-one day relationship. Kung di ko gagawin mas mahirap iyong isa pa nilang dare. Kainis, anong nakain ng mga iyon!" paliwanag niya at sumimangot sabay kamot sa ulo niya.

Ang ganda niya talaga. Ang cute ng reaction niya.

What if siya na lang? Mukhang halos kaedad ko lang eh.

|Harlette POV|

What if siya na lang?

Papayag kaya siya?

Napatikhim kaming sabay.

"Sige ikaw na," sabay na naman kami.

"Ikaw na," sabay ulit kami.

"No. Ikaw na," sabay na naman.

"Sige ako na," sabay na naman.

Napatawa na lang kami at sabay naming itinuro ang isa't isa.

"Ladies first," sabi na lang niya.

"Di ikaw na. "

"Can I ask you a favor?" Ano kaya iyon? As her girlfriend for one day?

Should I say yes if ever?

Wait. Why am I taking this dare so seriously. Haist. Mukhang mabait naman siya eh. This is the first time.

"What is it?" nagtataka kong tanong.

|Harris POV|

Papayag kaya siya? Siguro naman oo.

Teka nga bakit ko kasi pinuproblema ang dare na 'to. Bwesit naman oh. Nakakakaba naman 'to.

"Can you be my girlfriend for just 24 hours?"

"Okay. I'm in." Pumayag siya?

Salamat naman solve na ang problem ko. Ganun din naman siya eh.

"So when we will start it? I mean do it."

"Maybe let's do it on Saturday. Here's my number," sabi niya saka niya ako binigyan ng piece of paper na may nakasulat na number niya.

"Okay. By the way, what's your name? I'm Harris Fuente." Iniaabot ko ang kamay ko. Inabot naman niya.

"Harlette Ramirez. Sige I have to go. I need to study my notes for tomorrow. Nice meeting you, " sabi niya at tumayo. Ngumiti then she bow matapos bitawan ang kamay ko.

I just smiled.

|Harlette POV|

Sa wakas. Solve na ang problem ko. All we need to do on Saturday is act like a couple. Haist!

Ang gwapo ng soon to be boyfriend ko. Mukhang mabait pa. Ramdam ko eh. Ilang taon na kaya siya? Anong grade niya?

But, just for one day. After that, wala na. Kaya next time hindi na talaga ako magsasabi ng dare. Sa truth na lang  ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top