Part 1
Kainis na mga kaibigan kong iyon. Kainis talaga! Porket ako lang walang jowa sa kanila eh iyon ang dare nila for me? The F! I don't even know how to do that!
Naglalaro kami ngayon ng truth or dare. Gosh. Grabe 'tong mga kaibigan ko. Naiinis sila sa akin kasi tuwing tatapat sa akin iyong bottle. Truth ako tapos magtatanong sila ng tungkol sa mga crush crush crush. Relationship relationship. Basta usapang lovelife. Sumasagot naman ako pero di pa sila kuntento sa mga sagot ko. Kapag dare naman eh may reklamo pa rin sila. Pauulit-ulit naman kasi ang dare nila. Haist.
Nakakainis talaga!
"Harlette Ramirez!" napalingon ako sa mga sumigaw.
"Oh bakit? Problema niyo. Makasigaw kayo wagas. May sunog ba?" tanong ko sa mga tatlong 'to at tumingin ako sa kanila with a confused look. Balak ata nila akong gawing bingi.
"Gosh! Harlette. Nakatapat iyong bottle sa iyo oh!" inis na sabi ni Glynne sabay turo sa bottle na nakatapat sa akin.
"Weh?" napaatras kong sabi.
"Baka naman nilagay niyo lang na ganyan."
"May patunay kami!" sabi ni Kylie at ipinakita ang video. I rolled my eyes after watching it.
"Okay. Fine. Sorry," nakasimangot kong sabi.
"Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa namin tinatawag sa pangalan mo eh!" inis na sabi ni Lhyne.
"Dare na ako. Ano ba dare niyo sa akin? Dali!" sabi ko na lang. Then I rolled my eyes.
Nagkatinginan ang tatlo at ang ganda ng ngiti nila. Grabe may masamang balak ata mga 'to. Kinabahan ako eh.
"Magboyfriend ka!" excited na sabi nila. Sabay pa talaga sila ah.
What?! Pinagloloko ba nila ako?
"What?! Seriously?! Are you kidding me?! What kind of dare is this?!" malakas na sunod-sunod na mga tanong ko sa kanila.
"Gagawin mo o gagawin mo?" tanong ni Kylie na lumaki pa mata niya.
Anong klaseng tanong naman iyon?! Haist. Magpapapili, pareho din namang mga salita.
"Iba na lang," hingi ko sa kanila na umiiling-iling pa.
"Kahit one day relationship lang naman," sabi ni Lhyne saka sumimangot pero napangiti rin agad.
"Kahit sino na lalaki basta magawa mo iyan," sabi naman ni Glynne.
"No way!" malakas na sabi ko saka napatayo. Why would I?!
"If you don't want to do that then jowain mo si Greg for 1 week," seryosong sabi ni Kylie.
"No way! Never! I'd rather choose that one day relationship!" Grabe naman. Pinalala pa. Dinamay pa iyong taong may gusto sa akin. Ayaw ko nga siya eh.
"Bakit ayaw mo kay Greg? Gwapo naman. Basketball player. Mayaman like us. Grade 11 ka na! Uy! Magboyfriend ka naman. Ikaw lang single sa ating apat," pabirong sabi ni Glynne kaya nagtawanan sila. Haist.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayaw ko siya. Ayaw ko siya. Porket ako lang single sa'tin tas kayo may jowa na. Kailangan pati ako? Well, I will do your dare! Wait for it," sabi ko at umalis na. Hinahamon nila ako?
Di ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila.
Kaya heto ako ngayon namomoblema. Here I am sa Rizal park. Nakaupo at nag-iisip. Sino naman ang jojowain ko? Haist! Kailangan na di nila kilala. Saan naman ako hahanap? Well, para naman mas exciting di ba? Teka, parang gusto ko ah. Well, kung dahil dito mahahanap ko na si the one. Okay. So be it. Sana nga talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top