Last Part
|Harris POV|
Nasa kotse kami ngayon.
Lumabas ako.
"O bakit ka lumabas?" tanong ni Harlette at lumabas na rin.
"Maglalakad tayo."
"Ano?!"
"Ayaw mo?" tanong ko at tumingin sa kanya.
"Gusto. Tara na! " Naman pala eh.
"Kuya, maglalakad kami," sabi ko sa driver namin. Tumango siya at pinayuhan kaming mag-ingat.
Hinawakan ko ang kamay niya.
Napatingin siya rito.
"Iyong kamay ko. "
"Just let me hold your hand," sabi ko na lang. Humawak na rin siya.
|Harlette POV|
Humawak na lang din ako sa kamay niya.
Last na 'to eh. Sulitin na.
"Akala ko ba susundan natin mga kaibigan mo?" tanong niya.
"Wala eh. Di ko na alam kung nasaan sila ngayon. Hahaha. Mas gusto ko matikman iyong ramen kaysa sundan sila."
Tumawa siya nang marahan. "Ganoon ba? "
"Oo."
"The sky is beautiful. "
"Yeah. Malapit na nating tapusin ang relationship natin na 'to," sabi ko.
"Oo nga," tugon niya at napakamot ng ulo. Parang may gusto pa siyang sabihin.
"Akala ko ba uuwi na tayo? Bakit nandito tayo sa Rizal Park?" nagtatakang tanong ko.
"Wala. Gusto ko lang," niyakap niya ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Dito tayo unang nagkita. Dito na lang din natin tatapusin 'to." Teka, umiiyak ba siya.
"Kailangan na talaga nating tapusin 'to." Niyakap ko rin siya. "This is just a dare and I enjoyed every moment we spent together."
"Kung tayo man ang nakatakda man. Magkikita pa tayo," sabi niya. "I also enjoyed, Harlette."
"Hindi ko alam kung mahal na ba kita. Till we meet again." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. May luha na rin sa mata ko.
"Mag-iingat ka," sabi niya at yumakap ulit sa akin.
"5 minutes lang, " sabi pa niya at hinalikan ang noo ko.
Kumalas na siya.
"Paalam na," sabi ko.
"This is not goodbye. It's just I love you to take with you until you're home again... " kinantahan ko siya sabay halik sa pisngi niya at tumakbo na. Hindi ko alam kung tama ba ang lyrics ng kanta ko. Tama bang inawit ko iyon? Para sa magkasintahan ba iyon?
|Harris POV|
Hahabulin ko na sana siya pero di ko na siya makita. Mahal na talaga kita Harlette. We will meet again. I will find you. Saan ka man magpunta. I will do anything I can to see you again. Nawa ay gabayan ka ng Diyos.
Tumingala ako sa langit at pinunasan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Kalalaki kong tao, umiiyak? Bakit nga ba? Anong iniiyakan ko?
| Third Person POV|
Hindi alam nina Harlette at Harris na nakita sila ng mga kaibigan nila.
"We dare them but I think they're falling for each other," sabi ni Glynne.
All agreed with her.
~•~•~•~•~
If you have read it until here. Thank you. Sana nagustuhan niyo. ☺
Vote and comment lang po.
Thank you! 😇❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top