Terminal
TERMINAL
"Alright, Alyson! Kaya mo this! *sigh*-- BABY NANDIYAN KA LANG PALA! KANINA PA KITA HINAHANAP!"
ALYSON GREY
"Oh my.. shit!"
Napaawang ang bibig ko matapos kong makita kung gaano kahaba ang pila biyaheng B*******. Seven line ito at ako ang nasa pinaka dulo. This can't be! Kelangan kong makauwi ng probinsya sa lalong madaling panahon.
Pero anong gagawin ko? Friday ngayon, tapos nagkataon pa na 'pay-day', sigurado na traffic sa Magallanes. Hindi naman pwede na gabihin ako ng uwi. Pagagalitan ako ni nanay. Huhuhuhu! Anong gagawin ko?
Nanlulumo ako sa tuwing mapapatingin ako sa pila. Tapos ang tagal pang dumating ng mga Bus. Sigurado na-traffic din sila pabalik dito sa Buendia. Ang tagal pang umusog ng mga Bus dito, puno na nga ayaw pang umalis.
"Argh! Nakakabwisit na Friday!!"
Napatingin sakin yung mga tao. Yung iba ngumiti sakin, mukhang naiintindihan din nila ako. Sino bang hindi mabbwisit kung ganito kahaba ang pila? Napaka malas mo Alyson. Tanga kana nga sa lovelife, magiging tanga kapa sa diskarte.
No No No! I won't let that happen.
"Oh, tubig, C2, malamig pa oh! Bili kayo diyan!"
Napatingin ako kay manong na nagbebenta. May hawak siyang blue na timba na merong lamang mga bottled water at C2's.
Kung magpanggap kaya akong tindera ng tubig tapos sasakay ako ng Bus. Kahit nakatayo okay na yun! Tama, tama! Maganda--- bigla akong napatingin sa suot ko, nakauniform pa ako at sa sobrang ganda ko malamang ay walang maniwala sa akin, at saan naman ako kukuha ng ititinda ko? No freaking way na bibili ako ng maraming tubig, sayang ang pera. Wala rin naman bibili sakin.
Napatingin ako sa mga nasa unahang pila. Buti pa sila makakasakay na kaagad. Hays...
30 minutes later
Dumating na yung sumunod na Bus. Bumaba yung konduktor tsaka sunod nun ay ang pagsenyas ng driver na okay na ang lahat.
"Oh, Bus number 2008 going to B*******, pasakayin niyo na yang nasa unang pila." - anunsyo ng operator na nasa gilid gamit ang microphone. Nagsimula ng maglakad ang nasa unahan papunta sa Bus na nakaparada sa kalsada.
"Ayt Alyson! Kaya mo this! *sigh*--- BABY! NANDIYAN KA LANG PALA! KANINA PA KITA HINAHANAP! IKAW NAMAN NAGTAMPO KA KAAGAD! IKAW LANG NAMAN ANG MAHAL KO E!"
Napatingin sa akin yung lalaki na taga UE student at nagtatakang lumingon sa paligid niya, maging ang mga tao sa paligid ay napatingin nadin sa akin dahil sa lakas ng sigaw ko. Pero wala akong pakialam.
Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at tumakbo na ako palapit kay kuyang taga UE. Ngumiti ako ng matamis at sinakbit ko ang kamay ko sa may muscle niyang braso. Phew! Ang gara ng maskels niya. Hihi ;)
"Sorry na baby, bati na tayo..."
"T-teka miss, nagkaka--"
"Nagkaka-- ano? Na sasabihin mo na namang nagkakamali ako ng tinawag? Ganiyan ka naman eh, yan ang sinasabi mo sa tuwing may tatakbuhan kang babae! Alam kong marami ng babae ang dumating sa buhay mo pero baby please mahal kita, wag mo naman akong ituring na parang hindi mo ako kilala! Nasasaktan ako!"
"A-ano bang sinasabi mo? Teka bitawan mo nga ako!"
"Bitawan? Sa tingin mo ba ganon kadali sakin na bitawan ka? Sa tingin mo madali sakin tong ginagawa ko? Pero wala eh, mahal kasi talaga kita at wala akong pakialam sa mga iisipin ng iba!"
Sa totoo lang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. OMG papa God please spare my life.
"Hoy to (toto) grabe ka naman, hindi kana naawa kay ineng oh. Mahal ka lang talaga niya, huwag kang ganiyan. Mahirap makahanap ng babae na mamahalin ka talaga ng totoo."
"Pero ale, hindi ko po kilala ang babaeng ito."
"Kuya alam mo bang pinagdaanan ko narin yan? Tinanggi rin ako ng boyfriend ko sa harap ng madaming tao. Napakasakit nun!"
Sumingit pa si ate na mukhang malapit ng umiyak dahil naaalala niya ang nangyari sa kaniya. Mababaliw na yata ako. Ano ba tong ginagawa ko?
"Please baby, wag naman ganito! Ibinigay ko naman lahat ah? Wag mo akong iwan please, para sa magiging anak natin." - again, mas nilakasan ko pa ang iyak ko at hinawakan ko pa ang tummy ko na kanina pa talaga kumakalam sa gutom.
"Teka miss hindi talaga kita kilala!"
"Hijo, panagutan mo na nga yan at ng makaalis na tayo. Naaabala niyo na kami. Mga bata talaga ngayon keaga-agang sinusuko ang mga perlas nila. Ito namang mga ginoo e tuwang tuwa at sarap na sarap pa, duwag naman pala pagdating sa responsibilidad."
"Hoy ano ba! Gusto na namin makasakay at makauwi samin. Kung may problema kayo wag niyo kaming idamay!"
Hindi ko maiwasang mapangiwi. Grabe! Super duper major in pinaka nakakahiya ito.
"Nababaliw kana miss! GUARD---"
"PASENSYA NA PO SA ISTORBO. OKAY NA PO KAMI!!"
Malakas kong paumanhin sa mga tao at mabilis na hinila si kuyang taga UE pasakay ng Bus. Nako baka may lumapit ngang security guard sa amin at maniwala kay kuya na nababaliw ako at hulihin pa ako, mas problema yun.
Tinulak ko siya paupo sa bandang gitna tsaka umupo sa tabi niya.
"Ano ba? Alam mo bang sobrang nakakahiya yung ginawa mo? Sino kaba? Hindi naman kita kilala! Gusto mo bang idemanda kita sa ginawa mo?"
"Hoy lalake wag mo naman ganyanin girlfriend mo, may puso rin yan at nasasaktan!" - sigaw nung isang nakarinig kay kuyang taga UE. Umiyak ulit ako at mas nilakasan ko pa ng konti. Sunod sunod ang sumasakay mula sa mga nasa unahang nakapila at isa si kuya dun kaya naisip kong sumabay sa kaniya.
Nakita kong halos lahat ng sumasakay at dumadaan sa area namin sinasamaan ng tingin si kuya. Sorry kuya huhuhu pero kelangan ko talagang makauwi samin.
"Pwede ba miss, tumigil kana sa pagiyak mo, nakakahiya ka!"
Naramdaman kong umandar na ang bus. Pinunasan ko ang mata at pisnge ko at isinandal ko ang likod ko sa Bus. Hay sa wakas, makakauwi narin. Makakaabot ako sa Lechon na binili ni nanay. Yehey!! Baka kasi pag ginabi ako, maubusan ako. Ang tatakaw pa naman ng mga kapatid ko.
Napatingin ako kay kuya, nginitian ko siya sabay taas ng dalawang dali na naka peace sign. Dinama ko ang air con at payapang pumikit. Kelangan kong matulog, mahaba-habang biyahe to.
"Aish! Baliw na nga tong babaeng to, grabe!!"
Napangiti ako ng marinig ko yung binulong ni kuya.
In fairness, gwapo siya. :)))
DARYL PARK
"Hijo, gising na! Nandito na tayo!"
Medyo naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko. Napadilat ako at nakita kong isang lalaki na nakasuot ng puting polo ang bumungad sa harapan ko.
"Nandito na tayo.."
Mukhang ang lalaking ito ang konduktor. Nakita ko ring halos wala ng pasahero sa bus kundi ako na lamang. Mukhang napasarap ang tulog ko. Sa sobrang pagod kasi.
Humingi lang ako ng paumanhin kay manong at bumaba na ako ng Bus. Napatingin ako sa relo ko.
4:45PM. Halos mag dadalawang oras din ang naging biyahe. Napatingin ako sa Jollibee, kelangan kong kumain muna. Hindi pa nga pala ako nakapag tanghalian kanina.
"One Beef steak, regular burger and float please?"
Matapos ulitin ng cashier yung order ko ay binayaran ko na kung magkano. Binigyan niya lang ako ng tray na may lamang tissue, spoon and fork at yung number kasi for waiting pa raw yung order ko.
"Sir, nahulog niyo po."
Nagulat ako ng tinawag ako ng security guard at tinuro niya yung kulay dilaw na yellow paper na maliit na nakatupi na nasa sahig. Nagaalinlangan akong tumingin kay manong guard. Wala naman akong ganiyan ah?
Lumapit si manong guard at yumuko. Nagulat ako ng kinuha niya yung yellow paper at inabot sa akin,
"Nahulog niyo po yan mula sa bulsa niyo."
Kahit nagtataka, kinuha ko na lamang ang papel at ngumiti kay manong guard dahil sa kabutihan niya,
"Salamat po."
Naghanap ako ng mauupuan. Nilapag ko ang bag ko at tinignan ang papel na hawak ko. Binuklat ko ito:
Hello, kuyang taga UE. Pasensya na nga pala sa iskandalong ginawa ko kanina, kelangan ko kasi talagang umuwi na eh. Aabutin lang kasi ako ng gabi kapag hinintay ko pa ang mahabang pila. Pasensya na talaga. Wala akong intensyong masama. Nga pala, salamat dahil hinayaan mong matulog ako sa balikat mo. :))
- Baliw na babae sa Bus terminal <3
Totoo pala. Akala ko panaginip lang ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti; napaka ganda niya.
TWO MONTHS
Katulad ng nakagawian, naririto na naman ako sa Buendia, sa may Bus Terminal kung saan ko unang nasilayan ang maganda niyang mukha, naghihintay, umaasa na makita siyang muli.
Wala yatang araw na hindi ako dumaan dito at tumambay. Baka kasi sumakay ulit siya rito sa terminal, gusto ko siyang makita, gusto kong malaman ang pangalan niya. Ewan ko ba, siguro ito yung tinatawag nilang love at first sight.
Alam kong nagmumukha lang akong tanga sa ginagawa ko. Umaasa na makita ang isang tao na imposible naman mangyari. Pero anong magagawa ko? Kakaiba kasi 'tong puso ko. Kahit ayoko, pilit paring binabalik-balikan nitong katawan ko ang lugar na 'to.
Maraming pasahero ang dumadaan, yung iba ay may mga dalang bagahe na marami, may foreigner, probinsyana at marami pang ibang uri ng tao ang pumaparoo't parito. Naiinis ako sa ilang taxi na napaka tagal umalis sa kalsada, kaya tumatagal umusad ang mga Bus dahil sa pending na mga sasakyan na nasa gitna. Pero heto na ito e, hindi na ito magbabago. Palagi na talagang traffic dito. Kung hindi ako nagkakamali, nandito na sa Buendia ang lahat ng terminal papunta sa iba't ibang probinsya.
Muntik na akong matumba dahil nabunggo ako ng isang lalaki na nagmamadali. Para siyang si ate, gustong gusto narin niyang umuwi.
7:30PM na, oras na para umuwi. Ganito ang routine ko sa inaraw-araw, pupunta ako rito ng bandang 2PM kapag maagang natapos ang klase ko, tapos magsstay ako rito hanggang 7 ng gabi.
Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Ang importante makita ko siya. Hinding hindi ako titigil sa pagbabaka-sakali na masilayan ko muli ang napaka ganda niyang mukha.
EIGHT MONTHS
"Hijo, napapansin na kita nuon pa man 'e. Bakit kaba laging nandito? Hindi naman kita nakikitang sumasakay."
Nagtatakang tanong sa akin ng isa sa mga konduktor rito sa terminal. Hindi na ako magtataka sa tanong nila, sa walong buwan na pagpunta-punta ko rito, maging ako ang nasa kalagayan nila na araw araw nang nandito para magtrabaho, magtataka rin ako.
Ngumiti ako kay manong, isang ngiti na puno ng pagasa kahit malabo ng makakita pa ng kahit na anong tyansa.
"May hinihintay po kasi ako rito. Dito ko po siya unang nakita. Hindi ko po natanong ang pangalan niya 'e, kaya araw araw akong nandito, nagbabakasakali na makita siyang muli."
Katulad ng inaasahan, kumunot ang noo ni manong. "Nako hijo, mahirap yang inaasahan mo. Kung ako sayo, wag kanang umasa na makikita mo pa ulit yun."
"Hindi po ako susuko."
Katulad narin ng iba, tinawanan lang ako ni manong. Sanay na ako. Pero kahit anong mangyari, hindi ako susuko.
1 YEAR
Two months nalang at ggraduate na ako sa kursong Engineering. Pero imbes na gugulin ko ang oras ko sa paghahanda para sa nalalapit sa pagtatapos, heto at nandito ako sa Buendia, sa terminal kung saan ko unang nakita ang babaeng nagustuhan ko, katulad noon at magpahanggang ngayon, umaasa parin ako.
Bakit? Wala naman masamang umasa hindi ba? Iniisip ko nga nuon, iimbitahan ko siya na pumunta sa graduation ko. Yun na siguro ang pinaka masayang bagay na pwedeng mangyari sa buhay ko. Pero paano mangyayari yun e hindi ko pa nga siya nakikita.
Yung mga konduktor, driver at ilang nagttrabaho at nagtitinda rito pinagtatawanan na ako, pero wala akong pakialam. Umaasa parin kasi ako na dito ko siya makikita.
13 MONTHS
This is the day, the exact time, the exact moment when I first see her.
October 16, 2016 / Friday
Katulad noong nakaraang taon, napaka haba rin ng pila ngayon rito sa terminal, uwian kasi at nagkataon pa na payday. Makikita ko kaya siya muli rito? Sana, sana makita ko siya.
"MANONG WAIT LANG!!!"
Napadilat ako ng makarinig ako ng boses babae na sumigaw ng malakas. Hinanap ko ang boses na yun.
Napangiti ako. Sa wakas nakita ko muli siya. Nagiba ang itsura niya kumpara noon, pero sigurado ako na siya itong nakikita ko. Nakangiti siya kay manong driver at mukhang may tinatanong siya. Maraming salamat sa diyos! Eto na ang pagasa ko, lalapitan ko na siya.
"Eh manong sa tingin mo gaano katagal ang biyahe papunta roon? Kelangan ko na kasing makauwi agad e."
"Ineng traffic ngayon kaya siguradong aabutin tayo ng apat na oras. Pasensya na, wala rin tayong magagawa dahil maraming sasakyan ang bumabiyahe ngayon."
Hindi ko mapigilang maexcite ng makalapit na ako sa kaniya. Nasa likod niya ako at amoy na amoy ko napaka bango niyang buhok. Natutuwa ako. Hanggang balikat ko lang siya. Ang cute niya, kahit maliit lang siya.
"Hi, miss!"
Sigurado akong narinig niya ako. Humarap siya sa akin, at nung mga oras na yun ay siguradong nag slow motion ang buong paligid. Dahan dahan ang pagharap niya sa akin, dala dala ang napaka ganda niyang mga ngiti, nginitian niya ako ng isang matamis at sinabing--
"HOY KUYA!! ADIK KABA?! NAKATULALA KANA NGA NAKANGITI KAPA!!"
Bigla akong napatakip sa tenga ko. Grabe ang lakas talaga ng boses niya.
"Miss, naaalala mo paba ako?"
Katulad ng inaasahan ko, nagtaka siya sa sinabi ko. Sa tagal kasi ba naman, siguradong hindi na niya agad ako maaalala. Pero hayaan mo, ipapaalala ko sayo kahit na gaano ko pa ulit ulitin ang unang beses na pagkikita natin.
"Ano bang sinasabi mo--"
"BABE, ANO PANG HINIHINTAY MO DIYAN?! TARA NA!!"
Isang boses ng lalaki ang umagaw sa atensyon ko. Naka sakay na siya sa loob ng Bus at mukhang may tinatawag. Sino kaya?
"Ay, sige! Sorry baby, may kinausap lang ako."
Pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko. Yung isang taon kong paghihintay, pakiramdam ko lahat nasayang lang, lalo ng makita ko ang ngiti sa mukha niyang hinalikan ang lalaking nasa Bus.
Naestatwa na yata ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Isipin ko palang na taken na siya, nadudurog na ang puso ko.
ALYZA GREY
"Sino ba yung lalaking kausap mo dun babe? Ikaw pinagpapalit mo naba ako?!"
Napangiti ako sa narinig ko. Sumandal ako sa balikat niya niyakap siya. Umandar na ang Bus.
"Wala yun babe. May tinanong lang si kuya."
Pero sa totoo lang, nagtataka ako. Tinanong niya ako kung nakikilala ko raw siya? Hindi kaya isa siya mga kaibigan noon ng yumao kong kakambal? Naalala ko pa na madalas kinukwento ni Alyson na dito siya madalas sumakay pauwi ng probinsya. Come to think of it.. ito ang kauna-unahang beses na nakarating ako rito at ito rin ang huling beses na nakatapak ang kakambal ko rito. It's her first death anniversary.
DARYL PARK
Wala akong ibang magawa kundi ang mapangiti ng mapakla. Ganito pala ang pakiramdam ng umasa sa wala. Masakit pala talaga. Isang taon at isang buwan, nasayang ang oras at panahon ko kakahintay sa taong may mahal na palang iba.
Ang tanga ko rin, bakit ba kasi ako umasa ng ganoon? Kung tutuusin, kasalanan ko 'to. Dahil nagpaka-obsessed ako sa kaniya at umasa na baka sakaling makita ko muli siya, makilala at mapalapit sa kaniya.
Nakita ko nga siya, pero hanggang doon na lang yun. Sa loob ng isang taon, ang pagasang pinaniniwalaan ko lang ang pinanghawakan ko, ang pagtyatyaga na binuo ko, pakiramdam ko nawala lahat. Parang ngayon ko na naramdaman ang pagod, pagod ng kawalan ng pagasa.
Beep! Beep!
"Hoy tabi!!!"
Maingay. Puro busina ng Bus ang naririnig ko. Ano bang nangyayari?
"HOY TUMABI KA NGA DIYAN! NAKAHARANG KA SA DAAN! HINDI MAKAABANTE TONG BUS NA PAALIS NA!"
Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa akin sa kung saan, duon lang yata ako nahimasmasan mula sa malupit na pagkalubog ko sa lupa. Napatingin ako sa taong humila sa akin.
"Ano bang iniisip mo huh? Gusto mo bang magpakamatay? Kung magpapakamatay ka, wag dito!! Duon ka sa Commonwealth magpasagasa!!"
Sinesermonan niya ako na parang siya ang nanay at ako ang anak niyang nakagawa ng malaking kasalanan. Pero hindi yun ang napansin ko sa kaniya, ang kagandahan niya.
M-mas maganda pa siya kesa sa babaeng hinintay ko ng mahigit isang taon. Pero, taken narin kaya siya?
"Miss, ako nga pala si Daryl Park. Ikaw, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Nagulat ako ng inirapan niya ako. Akala ko hindi niya na sasagutin ang tanong ko, pero nagkamali ako.
"Ikaw huh? Siguro kaya ka lang tumambay sa gitna ng daan para makakuha ka ng chicks ano? Asus aminin mo na!"
Napangiti ako.
"Hindi naman ako nabigo diba?"
Nakita kong namula siya, alam kong sa mga punto na yun, nakuha ko na ang interes niya. Nung nag blush siya, pakiramdam ko ay nag blush din ako, nakakakilig ang kagandahan niya, lalo na ang boses niya, para ako nitong hinihigop palapit sa buhay niya. Pwede kaya?
"Bolero ka! Ako nga pala si Alyson. Masaya akong makilala ka."
Minsan, hindi rin maganda na umasa nalang sa iisang tao, lalo na kung walang kasiguraduhan ang aasahan mo. Sabi nila, to prove your love, you need to wait. Literal ko yung ginawa kahit na nakakatawang isipin, kaso wala e, umasa kasi talaga ako.
Mali sa pandinig ng iba ang ginawa ko, katangahan ang unang salita na maibibigkas ng kung sino man ang makakarinig sa storya ko. Oo, isang malaking katangahan nga iyon, pero hindi na ngayon matapos kong makilala ang babaeng mahal ko na ngayon.
Alyson Sanchez ang pangalan niya at tatlong taon na kaming magkarelasyon ngayon. Sa totoo lang, maituturing kong blessing in disguise ang katangahan ko na pinanindigan ko ng isang taon. Dahil kung hindi dahil sa katangahang iyon, hindi ko makikilala ang babaeng nais ko ng pakasalan ngayon.
Sino naman magaakala na mayroon din palang love story sa bus terminal?
THE END!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top