Fifteen Years
Fifteen Years
National City, California 05AM
HIS SIDE
I heard a buzzing sound so I took out my phone underneath my pillow and swipe it right; without looking at the callers' I.D, I answered the goddamn person who ruined my prescious dream.
"What?" - I asked with a husky voice, still not opening my eyes. I still want to sleep for goddamn christs' sake.
"Oh, am I disturbing you?" - said from the other line. Bigla akong nainis. Hindi ba halatang naiistorbo niya ako? I looked intendedly at the window at nakita kong madilim pa sa labas. "The fuck do you need?"
"I have to tell you.. something important."
"More important than my sacred sleep?" - May narinig akong bumuntong hininga. "Who are you anyway?" - I asked again. I don't know who am I talking to. I didn't see the name-- no, I just didn't look at it. I'm too lazy to move.
"This is Krisha. Anyway, I'll talk to you later instead. Sorry and just continue your 'sacred sleep'".
"Good choice." - I didnt liked it when she was the one who hanged up the phone though, but my body wasn't processing at the moment.
6:45AM
My door bell rung. Uh! But I'm not expecting any visitor am I? Who must it be? Tsk! Tinungo ko nalang ang pinto instead na tanungin ang sarili ko. Tumingin ako sa monitor only to see Krisha standing next to my door. I sighed. Now, what does she needs? I opened the door and let her in. She walked fashionably and went straight to my sofa and sit there like she owns this damn condo. Seriously?
"Now what?" - I asked her boringly. "What are you up to?"
Ngumiti lang ito sa akin. "Well, may nabalitaan lang naman ako tungkol kay Sabrina. Hmmm.. ain't you curious about it?"
This bitch! She's getting on my nerves and she really does know how to piss me off. I'm not really interested with what she was saying but I can't just let it pass knowing Sabrina is involved. I'm thinking to get rid off this bitch. Yeah, good idea.
"What is it?" - I saw her triumph smile. Fuck that smile. As long as I wanted to ruin her face its just I can't. I really fucking hate this bitch.
"Good news or bad news?" - and now, she really is pissing me off. "Stop teasing me, bitch. You won't really like it when I'm being teased. Say the bad news first."
"Why are you so rude? Oh, maybe that was sign of aging. Yeah, my apologizes then. So, the bad news is Sabrina is going back to the Philippines."
I felt stiffened on what I heard. The fuck was with her? Why coming there all of a sudden? Did something happened?
I looked at her. "When is she---"
"Today, 12 noon." - I was cut off by this bitch but what makes me stiffened the most was knowing Sabrina will going to leave later. Shit!
"And the good news?"
She smirked. "Her possessive brother won't come with her." - I guess, it is really a good news, then. Kahit sino pang kasama niya ay okay lang, wag lang yung hinayupak niyang kapatid. Nagiinit ang dugo ko sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ng lalaking 'yun.
"Anong kapalit ang gusto mo, Krisha?"
Lalong lumapad ang ngisi sa mukha nito. "I want three new LV bags, and your bugatti."
Kumunot ang noo ko. Sira naba ulo nito?
"Bugatti? Are you fucking serious? You don't even know how to drive." - I will never let her have my bugatti. Shit! Wawasakin niya lang yun sa isang iglap at ayoko mangyari iyon. Letseng buhay. Kahit sandamak - mak na LV bags pa, Hermes, Michael Kors o kahit na ano pa ibibigay ko huwag lang sasakyan. Tatlong kotse ko na ang sumabog dahil sa babaeng ito. Bwisit!
She pouted like an ill mannered bitch which I hated the most. Damn! "But I already know how to. My boyfriend teach me a week ago and I can now drive on main roads.--- please?!"
Oh crap! That cute face, ugh! Shit!
"But---"
"PLEASE??!"
*glare*
*pout*
"Aish! Which one?!" - Di ko mapigilang mapasabunot sa ulo. Letse talaga tong babaeng ito.
"Your Veyron! OMG please!!" - I sighed. Syempre wala naman akong magagawa. "Ayt! Get the keys on my room, take it and get out off my house!!"
"YESS!! THANKIE OLD BROTHA' I REALLY LOVE YOU SO MUCH!! OMO!!"
Napailing nalang ako sa inasal ng babaeng iyon. Tsk! I get my iPhone and dialed someones' number. It took a sec before the call went on.
"Hello, Xander? Do you need something?"
"Yes. Can you book me a flight to Manila? I'm going back and I need it immediately." It took 3 seconds bago sumagot yung tinawagan ko.
"Ah, sure, no problem. When do you need it?"
"I want it today. I want you to settle it and my flight should be on 12 in the afternoon." - nakarinig ako ng parang na-choked kaya nagtaka ako. Magsasalita pa sana ako ng sumagot na ang kausap ko.
"But Xander, that's impossible--"
"Then make it possible."
Manila, Philippines
Nakatingin ako ngayon sa malaking bintana, tanaw tanaw ang paligid ng Maynila habang hawak hawak ang litrato ni Sabrina. Napangiti ako. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko siyang naka - ngiti. Until now, I was still clueless on how I fell in love with her. No, it's not that impossible for me to fall in love with, lalo na kung kay Sabrina. She is the best and beautiful goddess I have ever seen in my entire life. I couldn't ask for more, that is when you truly become mine. But, when will it gonna happen? I sipped my wine for the last time before I got to bed.
After I parked my car, bumaba na ako at tsaka sinuot ang shades ko. Bumungad sa akin ang maraming studyante na mukhang hinihintay ang pag dating ko. Nabalitaan kong muling magaaral dito sa Sabrina kaya naman nagpa-enroll agad ako rito para makasama siya. I can't wait to see her.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Marami narin palang nag bago sa school na ito. I and Sabrina went here when we were in grade school. Halos napaka-tagal na panahon na ang lumipas simula ng nilisan namin ni Sabrina ang lugar na ito. Well, si Sabrina lang naman ang umalis pero syempre, kung nasaan siya ay nandoon din ako. Hay, nasaan na kaya siya?
"Hey, excuse me? You must be Xander Montreal?" - Napatingin ako sa lalaking naka-suot ng itim na tux with red neck tie. Napaka-formal ng suot nito at bakas sa mukha niya ang pagiging respetado. He must be on his 30's to 40's.
"Yes, I am. You are the dean?" - I formally asked.
The hour went smooth. Sinadya ko lng huwag na munang pumasok ng umaga para malibot ko ang dating school ko. Sobrang daming nagbago. Maraming nadagdag, marami ring nabawas. May ilang building ng nakatayo ngayon na dati naman ay wala.
Pero ang nakakatuwa ay magpahanggang ngayon ay nananatiling naka tayo ang nagiisang puno na pinaka gusto ko, katapat nito ang play ground na siyang puno't dulo ng masasayang alaala ko sa kaniya. Maging ang falls ay nandito parin. Mas lumaki na talaga ang school na ito.
Hindi nagtagal ay narinig kong tumunog ang bell ng paaralan. Ibig sabihin ay lunch break na. Napatingin ako sa relo ko. 12 o'clock na. Nakaramdam narin ako ng gutom kaya napagpasyahan kong tumungo na sa cafeteria. Sigurado rin akong makikita ko na si Sabrina.
Medyo marami narin ang estudyanteng nandito sa cafeteria para kumain. Hindi naman lahat ay naririto na. Hindi kasi sabay sabay ang lunch ng lahat ng students dito. Depende sa kung anong course mo o kung saang department ka galing.
Halimbawa ay sa Tourism department ka, your lunch will be 9AM to 12NN, depende kung anong oras ka palabasin ng last subject mo, then approximately by 12, may class kana at ibang course o department naman ang mag lu-lunch.
Sa lower grades naman katulad ng Kindergarten, Grade school at High school ay sabay sabay silang nag lu-lunch, may kaniya-kaniya nga lang silang cafeteria. Hindi ko alam kung bakit ginusto nilang i-separate ang lahat ng mga students tuwing lunch. Siguro dahil para maiwasan ang commotion? Sabagay, masyado nga naman kasing magulo kapag lahat ng students sabay sabay mag la-lunch. Maingay, magulo. E ang number one rules pa naman ng school na ito ay mapanatili ang katahimikan sa buong campus.
Nakapila na ako ng makita ko si Sabrina na kapapasok lang ng cafeteria. May kasama itong babae na sa tingin ko ay bagong kakilala niya. Napangiti ako matapos siyang makita. BSBA ang course niya at syempre, ganoon din ang kinuha ko.
We're both third year in college at kahit pareho na kaming may hawak na company, pinilit parin ng parents naming magaral kami. I mean ni Sabrina lang pala. Wala naman na kasi akong balak mag aral pa kung hindi lang dahil sa kaniya.
I decided na umalis sa pila at salubungin siya. Hindi man lang siya nagulat ng makita ako. Bigla tuloy akong nalungkot.
"Hi, Sab!" - kahit ganoon ay ngumiti akong bumati sa kaniya. "Yo, Xander the great!"
"Hindi kaba nagulat na makita ako rito?"
Nakita kong tumawa ito kahit medyo napa - irap. "Seriously, Xander? Paano pa ako magugulat eh sa tanang ng buhay ko ay ni minsan ay hindi mo pa ako nilubayan?"
Aray! Basag naman ako dun. Pero okay lang. Totoo naman kasi.
"Sab, it's been what, 15 years?" - nakangiti kong sabi sa kaniya, habang sinasabayan siya sa pag pila.
"15 years, oo nga eh, napaka tagal na pala simula nung huli tayong nagpunta rito."
Oo, Sabrina. Fifteen years. Napaka tagal na. 15 years. Fifteen years na kitang minamahal at hanggang ngayon, sa loob ng 15 years, hanggang kaibigan parin ako sayo.
HER SIDE
"15 years, oo nga eh, napaka tagal na pala simula nung huli tayong nagpunta rito."
Bigla akong napalingon sa gawing kanan ko. Nagulat ako sa nakita ko. Totoo ngang nagbalik na siya.
Sabrina Montez. Ang babaeng hinahangaan ng lahat since grades' school. We used to be friends before but I don't think she can still remember me. Marami nang nagbago. Yung mga mukha namin, itsura, ayos at pananamit ay halos lahat nag bago na. Kung hindi ko lang narinig na mag babalik na siya at nandito na siya, hindi ko pa siya makikilala. Pero, napaka ganda parin niya at napaka puti. No wonder kung bakit baliw na baliw si Xander sa kaniya.
Xander Montreal, also my classmate way back in grade school. We, three are good friends before, but Sabrina had migrated to America kaya nagkalayo-layo kami. Akala ko si Sabrina lang ang aalis, yun pala ay maging si Xander. Sinundan ni Xander si Sabrina. Kahit nasaan si Sabrina, nandoon si Xander, noon. Ewan ko lang kung ganoon parin sila for the past 15 years. But seeing Xander here makes me think na sa loob ng 15 years, mukhang hindi sila naghiwalay. Sila na kaya?
Biglang may kumirot sa bandang dibdib ko. Bigla akong napahawak rito. Hays! Ang sakit sakit! Ang sakit sakit malaman na hanggang ngayon ay si Sabrina parin. Wala rin naman akong magawa dahil wala akong panama kay Sabrina. Noon pa man, si Sabrina na talaga ang gusto ni Xander, hindi ko inaakalang aabot ito magpahanggang ngayon. Napaka lalim ng pagibig niya kay Sabrina.
Hindi ko maiwasang mainggit. Oo nga't hindi tama, pero hindi niyo ako masisisi. Buong buhay ko, wala akong ibang inisip na lalaki kundi siya. Magmula ng makilala ko siya, hanggang sa umalis siya, magpahanggang ngayon na bumalik siya, siya parin talaga.
Hindi ko alam pero bakit hindi ko siya makalimutan. Ngunit ang mas nakakainis pa doon ay kung bakit hindi mawala-wala ang pagibig ko sa kaniya. Sinubukan kong makipag relasyon noon, pero walang tumagal dahil lahat iniisip kong sila ay si Xander, but they are not. I kept on persuing my heart; forget about him. But it's the other way around. Sa tuwing pinipilit kong kalimutan siya, ay siyang lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya.
I always believe in fairytales, kaya siguro nagkaka-ganito ako. Lagi ko noong iniisip na babalik siya, magkakasama ulit kami, mai-inlove siya sa akin, tapos magiging kami. Pero, wala eh. Umasa lang ako sa sarili kong pantasya. Umasa lang ako sa mga pagasang ako lang ang lumikha. Nagmukha akong tanga sa sarili kong kahihiyan. Nagmukha akong tanga sa hindi ko pag tahan. At nagmukha akong tanga kakaasang magiging akin siya. Ngunit heto parin ako, hanggang ngayon, umaasa.
"Jane Natividad, you're spacing out."
Hindi ko alam kung sinong tumawag sa akin basta narinig ko nalang ang pangalan ko. Pero hindi yun ang pumukaw sa atensyon ko.
Isang hindi ko kilalang lalaki ang pumasok sa cafeteria. Base sa itsura nito ay transferee siya. Maganda ang pangangatawan. Chinito. Maganda ang labi. Maputi. Meztiso. Matangkad. Matangos ang ilong. Perfect jaw. Brown hair. He has the most perfect figure but still, I want Xander. No one can ever replace Xander and no one would dare to.
Halos lahat ng kababaihan ay pinagtitinginan siya. Malapad ang ngiti nitong naglalakad papunta--- kila Sabrina? Nakita kong tumayo si Sabrina maging si Xander. Bigla akong nagulat sa nakita ko.
"Hey, babe. I missed you. How was your flight?" - that man who just got came in kissed Sabrina on her lips. What's going on? Akala ko ay sila nang dalawa ni Xander ang nagkatuluyan.
Sabay na umupo ang dalawa at napaka sweet nila habang kumakain. Tinignan ko si Xander. Muling kumirot ang puso ko. Mas matindi kaysa sa nauna. Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala sa katotohanang hindi ka kayang mahalin ng mahal mo; iyon ay ang nakikita mo itong nasasaktan sa piling ng taong mahal nito.
Nakikita ko ngayon kung paanong halos malungkot ang mga mata ni Xander. Nakangiti siya pero alam kong sa mga oras na ito ay nasasaktan siya. Napaka peke ng ngiti niya. Xander, huwag mong piliting ngumiti kung hindi mo kaya. Lalo ka lang mahihirapan. Alam ko, dahil labing limang taon kong pinagdaanan ito.
For almost fifteen years ay ganito ako. Maaaring katulad ko, ganoon din siya. Pero wala na ata talaga tayong magagawa. Sa loob ng labing limang taon, mukhang pareho lang kami ng naging tadhana. Nagmamahal; pero hindi minahal.
Napakahirap, napakasakit at nakakalungkot lalo na't ganito talaga ang buhay. Di lahat ng mamahalin mo ay kaya kang mahalin pabalik. Di lahat ng mamahalin mo ay kaya kang bigyan ng pansin. Di lahat ng mamahalin mo ay bibigyan ka ng halaga. Kahit na ang iba pa nga ay mas bibigyan kapa ng dahilan para lalong umasa.
"She got him, you wanted her and from six meters away--- I am here, asking you to have me, too."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top