Chapter 9

Chapter 9


Back from the apartment, far away from the family issues that I don't know how to resolve, let the adults handle their own problem, where I can manage my own self. It is easy for me to share my self, thoughts or anything if my family were around but if any person whom I didn't even know, sino ba mag-aadjust sa amin?

Pagkalabas ko naman ng kwarto ko ay sumalubong sa akin si Eria.

"Wow! I've never see you like that, Ley!" papuri pa nito sa akin.

I took a spin, "well, kailangan eh."

"Treat us on your first salary!" sabi naman ni Dexter. "Treat! Treat! Treat!" he chanted.

Napailing na lang din naman ako sa kanilang dalawa, "sige, promise ko 'yan sa inyo, but it's my choice ah!"

Sabay namang tumango ang dalawa, "sure, hindi ako aangal diyan." Eria grinned, sabay siko sa boyfriend niya.

"Right! Good luck on your first day!"

Nagpaalam na rin naman ako sa kanilang dalawa. Dexter stayed at the apartment. Bawal ang may kasamang lalaki sa isang room, ayon sa landlord pero magaling magtago si Dexter kaya most of the day ay diyan na siya tumutuloy or 'yon na talaga ang bahay niya. And I shouldn't be late ngayon, dahil kailangan ko nang magcommute papunta doon sa office, a struggle for me na naman.

But when I step outside of the building, nagdadalawang isip na naman ako kung anong sasakyan ko. Napansin ko naman ang sasakyan sa harap ko saka lumabas ang isang lalaki doon. Natahimik lang din ako nang makita ko kung sino iyon.

"H-Harvin, anong ginagawa mo rito?" I asked confusedly.

"I just want to give you a ride, isa lang naman ang pupuntahan natin." Aniya. Hindi ko naman maiwasang tingnan siya sa kanyang corporate attire. He's so clean and handsome. Binuksan naman niya ang pinto ng front seat, "just hop in, Ley..."

"Thank you..."

Wala naman akong nagawa kundi ang sumakay na lang din para easy for me. tahimik lang din naman ako sa biyahe, habang siya panay ang salita at tanong pero puro tango at iling lang ako sa kanya. Yes, I am grateful na nag-ooffer siya sa akin na mapasok sa company nila, hanggang doon na lang siguro 'yon at kung ano man ang mamagitan sa amin, I'm not ready for it and I'm not right in that position to argue.

We dropped off when we reach the building, nagbiro pa siya na araw araw na niya ang pagsundo sa akin pero hindi naman ako nakasagot. Mamaya pala hindi na biro iyon at totohanin nga niya. Sabay naman kaming naglakad papasok sa loob ng building and before we separate, kinausap muna niya ako.

"Hey, if we still got this misunderstand, I'm sorry for that... that didn't mean to happen, actually she's just my friend and nothing goes beyond that, hope you understand that you're the one I'm pursuing..."

I smiled, "I understand, Harvin... see you later."

He waved then goes straight to the elevator. Pumunta naman ako sa front desk, may isang attendant naman ang lumapit sa akin para samahan ako sa magiging desk ko. From where they can see my potential daw, nilagay nila ako sa research and development department. Super layo din naman kung ilalagay nila ako sa marketing department, wala akong social attachment, mahirap kung malalagay ako sa posisyon na 'yon dahil more on interaction and cultural differences.

So, from the usual, I was guided by some of my colleagues. Syempre, hindi ko pa alam kung saan ang comfort room at kung ano ano pa. They were ready to help naman but when they knew na isa akong Decena, mas madaming kumausap sa akin. Hindi ko alam kung bakit but I think, I will grow a lot of friends here.

Komportable din naman ako sa workload ko, hindi naman gaanong mabigat at bagay lang sa akin. Pero kung gusto kong ma-enhance ang sarili ko, gusto ko sanang mapunta sa marketing department para naman mas lalong overcome ko 'yong fear of socialization. For now, adjustments muna at kapag kinaya, I will ask to switch on another department, if that's applicable.

"Girl, I heard kasabay mong pumasok ang vice president, ah?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya, "vice president, hindi ah!"

Pinalo naman ako nito, "girl, si Sir Harvin Luke Lazaros? Hindi mo alam? Vice President? Girl, ang swerte mo sa boyfriend mo."

Agad naman akong umiling, "no, hindi ko siya boyfriend."

"Sa pagkakaalam din namin, siya ang nagpasok sayo dito... tama ba kami?" ngiti pa niya.

Wala naman akong dapat itanggi, I must speak the truth and I nodded to her question, "siya nga but all his intention was never go beyond that."

Napahagikgik na lang siya nang sabihin ko iyon. Hindi ko naman makuha kung ano iyong pino-point niya kaya all through the time, hindi mawala sa isipan ko 'yong boyfriend thingy na iyon. Paano naman sila umabot sa conclusion na 'yon? Ni hindi ko nga makitang boyfriend ko si Harvin. He's good to me, that's all.

Nang dumating ang lunch at dahil newbie sa trabaho, sumama ako sa mga colleague ko, itong si Ilene, hindi pa rin ako tinigilan kung totoo nga ba ang tsismis. Ewan ko ba pero kabang kaba naman ako kapag binabanggit nila ang pangalan ni Harvin, todo change topic naman ako pero gusto talaga nilang malaman kung anong status namin.

I hardly know the person, why would they think of that?

Nang marating namin ang lobby, someone was actually waiting for me. Nang balingan ko naman ng tingin ang mga kasama ko ay hindi naman natigil sa pangungutya lalo na't lumapit pa sa amin—sa akin si Harvin.

"Hi Sir!" bati naman ni Ilene.

Tumango naman siya, "if there's a chance, can I stole Miss Decena for lunch?" he asked my colleague.

They obviously nodded thoroughly to Harvin. Gusto ko sanang sumunod sa kanila dahil gusto ko rin silang makilala pero hindi na ako makawala kay Harvin.

"You got friends, that's good right?"

"Yeah," I nodded, "and ahm, lunch? Was the vice president took his employee for lunch?"

He chuckles and shook his head, "not really, but you are special, so come on."

Pumunta naman kami sa malapit na fine dine-in restaurant. And it's his treat, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil baka maging mali ang tingin nila sa akin, that I'm taking advantage sa boss namin.

Habang kumakain, ako na ang naglakas loob na kausapin siya.

"Why you didn't tell me na vice president ka pala? Tell me, ikaw ang nagpasok sa akin dito and not your friend..."

"Ah, yes," he grinned, "but don't worry I got his approval also. And don't mind everyone around you. You came for a job right?"

"Yeah, thank you anyway..." I smiled, "ahm, I have a question, the day we met, on the train station? Bakit ka nagcommute, you have your car naman pala."

"Yeah, that time, binangga ng jeep iyon sasakyan ko and I have no choice kundi ang mag-train na lang. No one notices kaya best choice ko rin iyon."

"I remember that..." ngiti ko pa habang inaalala iyong pangyayari no'ng araw na 'yon.

The lunch between us has a quite conversation. Pala-iwas ang tingin ko sa kanya, naiilang ako kasi nakangiti lang siya habang kumakain. I know the feeling pero seryoso ba siya sa pinapakita niya sa akin?

After lunch, sabay ulit kaming bumalik sa building, that time, maraming mata na ang nakatingin sa amin—akin. Iniisip kong tama ba 'tong ginagawa kong pagsama sa vice president nila. Kabago bago ko pa lamang, siya kaagad ang kasama ko. Hindi ko alam ang posisyon niya kaya 'wag nilang masamain ang pagsabay naming dalawa.

I was just making friends.

"Can I give you a ride back home?" tanong nito bago kami maghiwalay but before I answer, pinangunahan na niya kaagad ako. "Yeah, I got that! Akong bahala sayo."

Napailing na natatawa na lang ako habang sinusundan ko siya ng tingin. It's a good thing na nakilala ko si Harvin but there's still a thin wall in me na 'wag ma-fall, hindi lahat ng nakikita ko totoo nga. Maybe once, but not always real.

Pagkabalik ko naman sa desk ko, hindi na nila ako nilubayan sa pangungutya kasi nakita na nila mismo ang paglapit sa akin ni Harvin. Sabi nga nila, sa pagpush nila doon mismo mabubuo 'yong feelings mo. Hindi ko alam, gano'n din baa ng mangyayari sa akin?

Nang mag-uwian naman na, nagpa-iwan naman ako sa lobby dahil magsasabay kaming dalawa ni Harvin pag-uwi pero mag-iisang oras na akong naghihintay. Hindi na ako nakatagal kundi binalak ko na rin namang umalis na lang din.

Habang hinihintay ko ang binook kong sasakyan, may tumawag sa akin.

"Hey, sorry, didn't mean to stay up late."

I smiled to him, "uuwi na ako..."

"I can give you a ride."

Umiling naman ako sa kanya, "I handled myself, kaya ko naman, salamat..." nang dumating naman ang sasakyan, I looked back at him, "ingat ka..."

When I jump inside the car, the most heartbreak moment for me na tingnan lang si Harvin na nakatingin habang lumalayo ako sa kanya. I know it's hard, but it is hard for me na gawin ang lahat kung ngayon pa lang, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maybe soon, or maybe, it won't.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top