Chapter 17
Chapter 17
The usual dahil sa ginawa ko ay hindi ko na naman naiwasan ang mapagsabihan. Hindi naman gaanong mabigat ang mga salita na binitawan nila sa akin, tinanong nila ako at kung bakit ko naman iyon ginawa. Wala namang offensive na salita ang binato kundi puno pa nang pag-aalala ang mga lumalabas sa bibig nila. Matapos kasi no'ng mangyari sa akin noong nakaraan, hindi na nila alam kung anong sunod na gagawin.
Natuloy naman ang pagkain ng dessert iyon nga lang ay nagpaiwan na ako sa may pool side, kasama ni Harvin habang sila ay nasa loob nag-uusap usap nang kung ano ano, ako ito, kasama ang lalaking hindi ko alam kung ano nga ba talaga sa buhay ko.
Isang towel lang ang nakataklob sa akin, malamig ang paligid. Sino ba naman kasing mag-iisip nang ganoon diba? Magpapakalunod para lang may mapatunayan.
"Okay ka na ba?"
"Never been okay, Harvin..." sagot ko naman sa kanya. "Alam mo, hindi mo na naman ako kailangan pang bantayan. I can handle myself."
Umiling naman siya sa akin, "hindi ako naniniwala, 'cause the last time you did say that, something wrong happened. How—"
"Stop asking how... even myself don't know what to answer to that. Never bother asking how I am, how's my life been going on, how to stop this sickness because there's no answer I can tell to that."
"Okay, you said your point but that's not what I'm going to say..." aniya, hinayaan ko na lang din naman siya magsalita. "How about us? I'm not giving on this, Ley... I know this just a hurdle in between but we can make it through, right?"
Napailing naman ako sa sinabi niya, napayuko na lang din dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. "Hindi ko alam, Harvin, hindi naman 'yan ang nasa isip ko pero sa tuwing nakikita kita, bigla ko ring natatanong sa sarili ko kung ano bang nagawa mo sa buhay ko? Tapos bigla kong maaalala 'yong mga times na ilalayo mo ako sa disgrasya."
"Because the first time I laid my eyes on you, I know you're the one, I know you're gonna be the woman who will serve and define my future."
"I don't know if I'm gonna be that woman, Harvin... I know you already have someone in mind and I'm not that person..."
He took a deep sighed, "Leanne, that girl you know has nothing to do with my life right now."
"Is that so? I don't think I can still be the one you love."
Nagulat na lang din ako ng niyakap niya ako ng biglaan. Doon ko lang narealize na humihikbi na siya, hindi ko naman naiwasan na yakapin siya pabalik. Hindi ko na rin napigilan pang maiyak, at sa pagkakataong iyon, unti unti siyang kumawala sa yakap ko.
"H-Harvin..."
Hindi na siya nagsalita, tumayo naman siya, pilit ko namang inabot ang kamay niya pero naglakad naman siya sa akin papalayo. 'Yong pakiramdam na gusto ko siyang pigilan sa paglayo sa akin pero hindi ko naman magawa.
Sinundan ko siya papalabas. Nakita naman ako ng mga kapatid ko na sinusundan si Harvin, natigil na lang din naman ako sa may pinto ng sumakay na si Harvin ng sasakyan niya, hindi na niya ako nilingon muli kundi tuloy tuloy na siyang umalis.
Why does every one leaves me...
Lumapit si ate Loira sa akin at niyakap na lang din ako. Kumawala din naman kaagad ako sa yakap niya, saka pumanik pabalik sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko, nakatulala at hindi ko alam ang gagawin ko. Panay tulo lamang ang mga luha ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko sigurado kung nasasaktan nga ba ako o pinipili ko lang na hindi siya mapalapit sa akin ng tuluyan dahil mas masakit iyon sa aming dalawa.
Kinuha ko naman ang phone ko, tinitigan ko naman ang number ni Harvin, nagtatalo ang isip at puso ko kung tatawagan ko ba siya o hindi. Pero nanatiling manhid ang pakiramdam ko at hinayaan ko na lang.
Mas pinili kong huwag niya akong mahalin, mas madali iyon sa parte ko pero masakit sa kanya pero kung ang resulta naman ay siyang magiging masaya, iyon pa rin ang pipiliin ko.
Kinabukasan, hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Eria at Dexter. Hindi ko naman sila hinarap, ang sinabi ko na lamang ay ayokong makipag-usap pero kilala ko si Eria at hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Susuko siya pero hindi agad titigil.
"Please, Ley, kahit saglit lang, gusto ka lang namin kamustahin, nami-miss ka na namin..." ani Eria.
"Kung iniisip mong babalik ako sa apartment, 'wag ka nang umasa."
"Hindi iyon ang ipinunta ko, Ley." Sagot naman nito sa akin, "Kaibigan mo kami, hindi namin hahayaang mawala ang lahat nang iyon..."
"Hindi naman nawala, nasira lang, okay na ba?"
"Leanne..."
Mga ilang minuto din siyang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko para lang makapasok sa loob ng kwarto ko. Sa huli, wala naman akong ibang option kundi ang buksan ang pinto. Bumungad naman sa akin si Eria at si Dexter. Nakita ko naman ang hawak nito box na may lamang gamit, naalala ko naman agad iyon.
"Nalungkot ako ng makita kong itinapon mo lang 'yong binigay sa'yo, dinala ko ngayon baka sakaling tanggapin mo ulit..." inabot naman niya iyon sa akin, nakatingin lang ako doon, nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi pero tinanggap ko na lang din para matapos na ang lahat. "Namiss kita!"
Agad naman niya akong niyakap. Ang kinagulat ko na lang din ay yumakap din si Dexter sa amin. Bagamat napangiti ako sa ginawa nila, hindi ko pa rin magawang alisin sa isipan ko 'yong minsang inisip nilang ipasok ako sa rehab.
"Pwede na kayong umalis." Sabi ko naman, "nabigay ko niyo na 'yong ipinunta niyo dito."
"Alam kong hindi maganda ang huli nating pag-uusap pero hayaan mo kaming ayusin natin kung anong nangyari sa atin noon. Please, Ley..."
"Okay."
"Anong okay?" ani Dexter. "Leanne, I know you never like me but this time, I wanna say sorry."
"Okay."
Napahinga naman ng malalim si Eria, "we are really sorry Leanne but if you don't wanna any thing from us, hindi ka na namin guguluhin. We'll give you space, if that's what you needed."
Pinanood ko naman silang lumabas ng kwarto ko. Pagkasarado ko naman ng pinto ay hinayaan ko na lang sa isang tabi ang box na binigay nila. Wala na akong interes sa mga ganitong bagay. Kung hanggang dito na lang talaga ang kaya ko, wala na akong magagaw pa.
Maybe I wasn't good enough at all.
Ilang araw na ang nakalipas, wala na akong ginawa kundi ang saktan ang sarili ko sa mga napapanood ko. Sa panahon ngayon, mga kanta na lang din ang nakakaintindi sa akin ngayon. Ni hindi nga nila malaman kung bakit sa buhay ng isang tao, bakit laging kapalit ng kasiyahan ang kalungkutan. Maybe it was just it's nature. Tao lang tayo.
Itinabi ko naman ang notebook ko since elementary that I was home schooled. I've been gone enough, that's a long way though—now my phone has my recent stories.
Binuksan ko naman ang tv, wala pa akong pakelam sa kung anong binabalita doon pero nang makita at marinig ko si Harvin doon. Nabato ako sa kinatatayuan ko at piniling makinig sa balitang iyon.
Newscaster: The rumored couple who called off their engagement in the last year, has now a great comeback! The couple who has to be know Harvin Luke Lazaros and Anaries Voinauis come to knot tie later this year! Harvin Lazaros known as the vice president of Voinauis Industries Inc. and the sister of the said company's president Anaries. They've been caught in different controversial issues which Harvin has been linked into an lady that rumors to be his girlfriend but now to be confirmed, Harvin and Anaries is engage once again.
Once again.
That news broke me, my heart and everything that goes beyond anything.
Mabilis naman akong pumunta ng bathroom, naghanap naman ako ng razor doon pero wala naman akong mahanap. Nilinis nila ang mga gamit ko dito. Ang mga gamit na pwedeng makasakit sa akin. Pinaghahagis ko naman ang ilang gamit dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Nang makita ko naman ang mga pills ay agad ko naman iyong kinuha, itinaob ko naman ang laman noon at sabay sabay na ininom iyon.
Tuluyang bumuhos ang mga luha ko, napaluhod na lang ako sa sahig saka tuluyang yakapin ang sahig.
Ang sunod na lamang na nangyari ay ilang boses na nagsisigawan na papalapit sa akin.
And that's when I knew I had to end it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top