His Competitor


"Hoy Ken, gising!" hiyaw sa akin ng kapatid ko kasabay ng pagguhit nang init sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin ilang segundo pa lamang ang nakalilipas.

"Mara tubig..." mga salitang unang lumabas sa bibig ko matapos akong magising na uhaw at pagod. May kakaiba sa pakiramdam ko ng mga sandaling iyon na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Ang tagal din bago ako nagising sa mahabang bangungot na iyon. Sa panaginip ko ay nandoon yung taong kinamumuhian ko but what happened in my dream is way too far and impossible from the reality kaya maituturing ko itong isang masalimuot na panaginip.

In real life, isa siyang mayabang, presko, pilingero. A total jerk kung susumahin! Kaya gano'n na lang ang pagkainis ko sa kaniya. Kaya papaanong napanaginipan ko siya at ginawa raw namin ang bagay na kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na gawin kasama siya?

"Okay ka na?" tanong nang kapatid ko na pumukaw sa akin mula sa malalim na pag- iisip. Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo bago nakapagsalita.

"Sampalin mo nga ako," utos ko kay Mara.

.......

"Aray ko!" reklamo ko matapos nga akong sampalin nito ng malakas.

"Siraulo! Sabi mo sampalin kita eh,"

"Totoo nga," wala sa sariling saad ko habang hinihimas-himas ang pisnging namumula. Napapailing na lang si Mara habang pinagmamasdan ako.

"Ano bang napanaginipan mo at parang basa 'yang short mo? Kadiri ka, umihi ka ba?" wika ni Mara habang nanlilisik pa ang mga mata nito.

Napatingin naman ako sa ibabang parte ng katawan ko para kumpirmahin ang sinabi niya. Totoo nga, nagkandaihi na yata ako sa nerbiyos-

Nagmamadali akong tumayo mula sa higaan at kumaripas ng takbo papunta sa cr.

Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko sa sarili ko ngayon dahil sa nangyari. Sa dinami-dami ba naman kasi nang mapapanaginipan ko, bakit si Jin pa?

Pero sabi nga ng mga nakakatanda, kung ano daw ang nasa panaginip mo ay kabaliktaran ng mangyayari sa reyalidad kaya kailangan kong huminahon dahil imposible talaga lahat ng iyon.

Isang buong araw din akong nagnilay sa mga ginawa niyang hindi maganda sa akin. Itinatak ko sa isipan ko kung gaano ako nabibwisit sa isang katulad niyang mahangin at nasobrahan sa confidence kaya lalong sumilakbo ang pagkainis ko sa kaniya.

Lunes ng umaga at gayon pa rin ang pagmamadali ko sa pagpasok. Maagap akong pumapasok sa school dahil gusto kong maunahan siya sa pagdating sa classroom. We always compete with each other ever since we've became classmates from our freshman up to our senior years.

Naglalaban kami sa lahat ng bagay mapa-sports, academics, student council, sa mga babae, at kahit sa simpleng pagkain na kakainin namin sa canteen ay hindi kami nagpapatalo sa isa't isa. Pagdating ko sa classroom ay wala ni isang bakas ni Jin ang makikita rito. Marahil tulog pa ang loko kaya naunahan ko siyang pumasok ngayong araw na 'to.

Greatest achievement na maituturing para sa akin ang simpleng pagkapanalo ko sa kanya sa maagang pagpasok sa school. Inilapag ko ang bag ko sa upuan at nagsimula nang ayusin ang notebook at librong gagamitin ko mamaya.

Patuloy na lumipas ang bawat minuto at hindi ko pa rin nakikita ni ang anino niya. Maya-maya lang ay dumating na ang homeroom adviser namin na si Mrs. Crisostomo.

"Good morning Mrs. Crisostomo," sabay-sabay na pagbati nang mga kaklase ko pagpasok ni mam sa classroom.

"Good morning class, check attendance muna tayo. Ayala,"

"Present mam!"

"Antonio,"

"Present po!"

"Alcaraz,"

............

"Alcaraz?"

"First time yata umabsent nito. Sino ang malapit sa kanya rito?" tanong ni mam.

"Si Ken mam!" sigaw ng kaklase kong si Aira na nasa likuran ko. Ikinabigla ko iyon kaya napalingon agad ako sa kinauupuan niya. Nakangisi ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Pahamak talaga...

Si Aira ang maituturing na Marites sa loob at labas ng classroom namin dahil mistula itong human cctv. Daig pa nito ang literal na cctv dahil lahat na yata ng problema sa buong school ay alam na alam nito kaya walang ligtas ang issue namin ni Jin sa kaniya.

"Okay Ibañez, pakicheck kung anong nangyari kay Alcaraz at bakit absent siya ngayon. That's your assignment," sambit ni mam habang seryoso itong nakatingin sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa ibinigay niyang espesyal na takdang-aralin sa akin. Wala eh, sipsip kasi ako haha.

Kasalukuyan na kaming nagsusulat ng mga notes sa lesson namin sa Filipino nang hindi ko maiwasang mapasulyap sa upuan ni Jin.

Wala akong maisip na dahilan kung bakit wala siya ngayon sa school dahil sa buong buhay naming pakikipagkumpetensiya sa isa't isa ay ngayon niya lang ito ginawa.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga kasabay nang pagsagi sa isipan ko na marahil ay dapat ko ngang alamin kung bakit siya umabsent dahil baka mamaya ay kung ano ng nangyari sa taong iyon nang wala man lang nakakaalam. At napagtanto ko rin na baka may mahalagang impormasyon akong malaman na maaari kong magamit panlaban sa kanya.

Ika nga, know your enemy's weakness.

Pagkatapos ng subject namin sa Filipino ay sumunod namang pumasok ang aming Math teacher. Lalong naging boring ang lahat at parang gusto ko na lang patapusin siya agad sa pagtuturo.

Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkabagot. Wala bang energy sa pagtuturo si Mr. Velasco? Para kasing ang lungkot ng paligid ko.

Kung nandito lang sana si Jin sa mga oras na ito ay siguradong nag-uunahan na kami sa pagtaas ng kamay para matawag sa recitation.

Ilang sandali pa at sa wakas ay natapos na rin ang subject namin sa Math. Katatapos ko lang din isulat ang takdang-aralin namin sa nasabing asignatura kaya heto ako kasalukuyang nakayuko sa desk habang inaantay ang pinakaaasam kong oras ng uwian.

Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang bell hudyat na natapos na naman ang napakahabang araw namin dito sa school.

Wala ng paa-paalam. Mabilis kong dinampot ang bag ko at tumakbo palabas ng room. Pakiramdam ko ay dinaig ko na si Flash sa bilis nang pagtakbo ko kahit halos madapa na ako sa daanan. Hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko at sila na ang nagdesisyon kung saan nila dadalhin ang katawan ko.

Wala akong tigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa harapan ng bahay nila Jin na katapat lang din ng bahay namin.

Nabitawan ko ang bitbit kong bag at pabagsak akong napaupo sa kalsada dahil sa sobrang pagod. Hinihingal at halos namamanhid na ang mga tuhod ko dahil sa habol-hiningang pagtakbo.

Nang maibalik ko ang lakas ko ay dahan-dahan akong tumayo.

Makailang beses akong kumatok sa pintuan pero walang sumasagot kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila.

Bagamat nag-iisang anak ay mag-isang nakatira si Jin sa bahay na ito dahil parehong nasa America ngayon ang mga magulang niya.

Marami rin naman akong nalalamang impormasyon tungkol sa buhay ni Jin dahil sa mahigit anim na taon na pagkamuhi ko sa kaniya pero hanggang doon lang iyon. Gano'n na rin katagal ko nilalawakan ang pang-unawa ko kahit kung tutuusin ay kayang-kaya ko siyang sirain ngayon din.

Sa pagiging arogante at masama ang ugali ko siya nakilala. Galit na galit ako sa kanya na parang gusto ko na siyang i-raid ngayon sa loob at paghahampasin ng unan sa mukha.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay mistula itong abandonado dahil sa sobrang dilim nito sa loob. Kinapa-kapa ko ang switch na malapit sa pintuan at nang mahagilap ko ay agad ko itong binuksan.

"Jin?" tawag ko at lumakad papunta sa sala pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina. Pero walang bakas ng isang Jin Alcaraz ang makikita roon.

Bigla na lang bumalik sa alala ko ang unang beses na pagtungtong ko sa bahay na ito.

Bagong lipat sila Jin ng araw na iyon.

Pumunta ang mama niya sa bahay namin para mag abot ng niluto niyang kaldereta. Personal itong nagpakilala sa amin na sila ang bagong lipat sa tapat namin.

Mainit na pagtanggap ang ibinigay namin sa kanila gayon na rin ang iba pang mga kapitbahay kaya inutusan rin ako ni mama na magbigay ng ulam. Iyon ang kauna-unahang beses na nakapasok ako rito. Unang beses na pagkikita namin kung saan siya pa mismo ang nagbukas ng pinto nang kumatok ako.

Malawak na ngiti ang isinalubong ko sa kaniya pero pinagsarhan niya lang ako ng pintuan. O, diba napakasama ng ugali!

Pero kahit gano'n ang ginawa niya ay kumatok ako ulit. Sa ikalawang pagkatataon ay ang mama niya na ang nagbukas ng pinto. Sobra-sobra ang paghingi nito ng pasensiya sa akin dahil sa ginawa ng anak niya.

Inanyayahan niya akong pumasok sa loob at magmeryenda. Napakabait ng mama niya kaya matagal ko na ring pinatawad si Jin. Pero sadyang hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa niya ng araw na iyon.

"Pasensiya kana sa anak ko iho, masama lang kasi ang pakiramdam niya ngayon kaya siya gano'n pero mabait 'yon kaya sigurado akong magkakasundo kayo. Anong grade mo na nga pala ngayon?" wika ng mama ni Jin.

"Uhm, grade 7 na po ako ngayong pasukan,"

"Talaga? Pareho pala kayo. Naikwento ko nga sa mama mo na i-eenroll ko na rin itong anak ko sa pinakamalapit na eskuwelahan dito kaya sabi niya doon na lang din daw sa papasukan mo para kahit papaano may kaibigan na si Jin doon," masayang turan nito.

Napaismid naman ako nang maalala ko ang mga sandaling iyon. Kaibigan? Ni hindi nga ako itinuturing na tao ng kumag na iyon!

Ipinagpatuloy ko pa ang paglilibot ng mga mata ko sa loob ng bahay pero mukhang walang tao dito. Saan kaya siya pumunta?

Akma na akong aalis palabas ng bahay ng mahagip ng mga mata ko ang ilaw na nagmumula sa bahagyang nakabukas na pintuan ng kwarto.

Lumapit ako sa may pintuan at marahan ko itong binuksan ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko sa loob no'n.

Punong-puno ang kwarto na 'yon ng mga litrato ko simula no'ng grade 7 ako hanggang ngayon sa kasalukuyang nasa senior year na ako.

Sa library, sa hallway, sa canteen, sa classroom, sa paglalakad ko pauwi, pagpasok sa school at marami pang iba.

Lahat ng 'yon ay puro stolen shots.

Halos malaglag ang panga ko sa natuklasan ko. Nakaramdam ako ng kilabot nang bigla namang bumukas ang pintuan ng cr na nasa loob din ng mismong kwarto na iyon. Iniluwa mula roon si Jin na kasalukuyang basa ang buhok at nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nito.

Napako ako mula sa kinatatayuan at parang umurong lahat ng mga nakaplanong mga salitang sasabihin ko sa kaniya sa oras na makita ko siya.

Mukhang nagulat din siya ng mga sandaling iyon dahil bigla itong natigilan at nanlaki ang mga mata nang makita niya akong nasa harapan niya.

"Shit! Anong ginagawa mo dito?" singhal niya makalipas ang ilang segundong katahimikan.

"A-Ano 'to?" tanong ko habang muling ipinalibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto niya.

"Pictures mo," halos pabulong na usal nito.

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay para saan 'yang mga 'yan? May pinaplano ka bang masama sa akin? Ipapabugbog o ipapakulam mo na lang ba ako para matapos na 'tong away nating dalawa?" halos mangiyak-ngiyak kong saad sa kanya dahil sa pinaghalong takot at galit na nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"Grabe ka. Hindi kita ipapakulam o kung ano pa mang tumatakbo diyan sa isip mo," tugon nito.

"Sinong hindi mag-iisip ng gano'n? Ang creepy kaya ng ginagawa mo. Iniistalk mo 'ko,"

Napabuntong hininga siya habang
nakahawak sa tuwalya niya. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero sa bawat hakbang niya ay napapaatras ako.

"Ken, calm down. Please, let me explain. I won't cause you any harm, no- I can't. I'm only doing those stupid things of competing to you kasi alam ko na 'yon lang ang paraan para mapansin mo ako,"
paliwanag niya kaya lalong hindi ko maintindihan ang sitwasyon na meron kami ngayon.

"Basta ako lang ang palagi mong nakikita at malapit ka lang sa akin, I don't mind even you're considering me as your worst enemy. Actually, its quite funny on how I reacted that very first time I saw you will lead us into this. Sorry for the misunderstanding. Hindi ko naman intensiyong gawin 'yon sayo no'ng araw na iyon pero hindi ko kasi alam. Nataranta ako. Noong unang beses kitang nakita at nginitian mo 'ko. It made my heart flutter. I was confused and shy at the same time. Pero sa kabilang banda, I'm relieved that I did that. Kasi kung hindi, I don't have any other ways to get this close to you, " pag-amin ni Jin na lalong ikinabigla ko.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko sa mga narinig ko at hindi pa rin makapaniwala.

"Sabihin mong prank lang lahat ng 'to nang mapatawad pa kita. Kasi sa totoo lang hindi magandang biro ito Jin," may nginig sa boses ko at tuluyan na nga akong bumagsak sa sahig dahil sa nawalan na ako ng balanse.

Nagmamadali namang lumapit sa akin si Jin at sa hindi inaasahang pangyayari ay nalaglag ang nakatapis na tuwalya sa kaniya at nakita ko ng buo ang itinatago niya. 😌

"What the f*ck Jin?" singhal ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa mga mata ko.

"S-sorry, m-magbibihis lang ako," natatarantang tugon nito habang sinisilip ko ito sa pagitan ng mga daliri ko at nakitang nagmamadali itong bumalik sa cr.

"Hintayin kita sa labas. Mag-usap tayo pagkatapos!" hiyaw ko at lumabas na sa kwarto niya at marahang isinara ang pinto.

Bahagya akong natawa dahil ngayon ko lang nawitness kung paano mataranta ang isang Jin Alcaraz.

Dahil buong buhay ko, gago ang tingin ko sa kanya. Kagaya niya, I also felt relieved dahil sa mga pangyayaring ito but still I can't imagine na dito hahantong ang lahat.

"So what now? Bakit absent ka kanina?" tanong ko sa kanya nang magkaharap kami ngayon para makapag-usap ng masinsinan.

"Just because. Tsk. Kasi- how do I say this. I'm planning to tell you everything today so I got all day to gather courage but I guess it's- it's not enough. I'm sorry for the trouble and everything that I have caused you. I didn't mean it honestly, I just wanted to be with you," mahabang paliwanag nito.

I didn't uttered any words. I just kiss him passionately. At first, he was surprised but later on he respond to my kisses. Hindi ko rin alam pero may sariling isip din yata ang labi ko. May nalaman din akong pinakaimportanteng impormasyon ngayong araw na 'to.

Mahal pala ako ng taong pinakakinaiinisan ko.

And my nightmare last night came true but it became the most sweetest and unforgettable one.

THE END. ?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top