PROLOGUE
"Andeng, apo ko!" Tawag sa akin ng Lola Leng ko.
"Bakit po Lola?" Agad na sagot ko sa kaniya.
Inaabot ko kasi ang libro sa lumang aparador niya na nakita ko. Hindi ko maabot kaya tumuntong ako sa upuan.
"Juskong bata ka! Pinakaba mo ako ng sobra. Paano nalang kung nahulog ka?" Nag-aalalang sabi ni Lola.
"Sorry po Lola... gusto ko po kasing basahin ang story na iyon," sabay turo sa librong nasa itaas.
"Ang prinsipe at ang dalaga ba apo?" Tanong ni Lola.
"Opo, naalala ko po kasi na iyan iyong binabasa mo sa akin dati. Gusto ko lang pong basahin ulit." Sagot ko sa kaniya. Ngumiti si Lola at linapitan ako.
"Umupo ka muna apo!" Mahinahong sabi niya. Umupo naman siya sa sofa na nasa harap ko.
"Ilang beses ko na itong nakwento sa iyo at batid kong namimorya mo na ang kwentong ito. Paano kong magkwento ako sa'yo ng panibago?" Biglang nagningning ang mata ko sa narinig ko kay Lola Leng. Gustong-gusto ko talaga kapag siya iyong nagkukwento.
"Sige po!" Mabilis na sagot ko.
"Ang pamagat ng kwentong ito ay Once Upon That First Heartbeat o ang unang pagtibok ng puso. Ito ay wala sa mga libro at sa ibang mga babasahin—
Pinutol ko ang kaniyang sinabi kasi may kwento bang wala sa libro?
"Bakit po wala?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa ng mahina si Lola at sumagot. "Dahil ito ang kwento ko at ng lolo Felipe mo." Nakangiting sagot ni Lola pero sumisilay sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila sa aking Lolo Felipe.
Namatay kasi ito noong nakaraang buwan. Kaya lubos na nalulungkot ang aking lola. Umuwi kami sa libing ni Lolo dito kay Lola. Pero ako nalang ang nanatili dahil may trabaho pa si Mommy at Daddy. Summer na rin kaya mas mababantayan ko si Lola dahil wala na akong klase.
"Hala sige po! Gusto ko pong marinig iyan!" Masiglang sabi ko. Tumango si Lola Leng at nagkwento.
Alam mo apo. Tayong mga tao ay minsan lang iibig. Kapag naramdaman mo na ang unang pagtibok ng puso mo na hindi mo maintindihan ay iyon na ang once upon that first heartbeat. Noong high school pa lang ako ay wala akong alam sa "love" "love" na iyan. Puro kasi ako pag-aaral kaya hindi sumagi sa isip ko ang umibig o magka-crush kagaya ng mga kabataan ngayon. Hanggang sa nakilala ko ang Lolo Felipe mo. Binully ako dati dahil sa itsura ko ng mga babaeng kaklase ko. Hindi ko rin kasi sila pinakopya ng assignment ko noon kahit meron na ako. Ayun, na-zero sila't pinalabas. Pagkatapos ng klase ay pinatid nila ako sa lobby. Napahiya ako sa maraming tao at pinagtawanan. Hinila ng isang babae ang buhok ko at sasampalin na sana ako ng isa nang biglang sumigaw ang Lolo Felipe mo. Hindi pamilyar sa akin ang boses niya dahil bihira lang pumasok ang Lolo mo. Kaya naman tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon eh hindi ko naman kilala ang boses na iyon. Natakot ang mga babae sa kaniya at ang ibang mga estudyante hindi ko alam kung ano ang ginawa pa niya dahil na-estatwa ako sa aking pwesto. Lumapit sa akin ang Lolo mo at inangat ang mukha ko para tignan siya mas lalong dumagundong ang puso ko lalo na noong nakita ko ang gwapong mukha niya na nakangiti—
Pinutol ko ang pagkukwento ni Lola. Alam kong medyo napapanood na ito sa mga pelikula at nababasa rin sa mga libro pero nakikita ko talagang kinikilig siya. Habang nagkukwento makikita ko talagang masaya siya. Kahit na medyo hirap akong paniwalaan at dahil bata pa ako ay nadadala rin ako ni Lola sa kaniyang kwento ng pag-ibig. Hindi ko alam kung totoo ito pero ang alam ko masaya si Lola sa pagugunita ng kaniyang alaala kasama si Lolo Felipe.
"Nakakakilig naman po Lola! Parang sa pelikula't mga nobela lang." pagkokomento ko.
"Sa araw po ba iyan Lola nasabi mo nang iyon na ang once upon that first heartbeat ? Tanong ko sa kaniya.
"Oo apo. Noong una akala ko lang pero kalaunan ay napatunayan ko na iyon ang once upon that first heartbeat. Marami kaming pinagdaanan ng Lolo Felipe mo pero ikukwento ko sa iyo iyon sa susunod." Sabi ni Lola Leng.
"Hihintayin ko po iyan, Lola!" Masiglang sabi ko.
"O siya! Nagustuhan mo ba ang kwento namin ng Lolo Felipe mo, Andeng?" Tanong niya.
"Oo naman po!" Masayang sabi ko.
Kahit sa isip ko parang hindi kapani-paniwala iyon dahil para lamang sa mga pelikula't mga nobela pero siguro kapag naranasan ko na iyon ay masasabing totoo talaga iyon.
Biglang may kumatok sa pinto dahilan para tumayo si Lola at binuksan ang pinto. Habang ako ay nakatuon lang ang atensyon sa pintuan hanggang sa iniluwa nito ang isang isang gwapo't matipunong lalaki. Batid kong nasa 30's na ito pero hindi mahahalata dahil mas bata itong tignan kong iisipin mong matanda na siya.
"Jace! Mabuti at bumisita ka. Kasama mo ba ang anak mo?" Masayang bati ni Lola.
See? May anak na siya!
"Ito po si Daniel ang aking anak," mula sa likod niya ay lumapit ang batang lalaking cute at gwapo na batid ko ay kasing edad ko lang.
"Naku! Napakagwapong bata naman nito. At ginawa mo pang junior. Talaga nga namang magaganda at gwapo ang lahi ninyo!" Pagpuri ni Lola. Tumingin sa gawi ko si Lola at sinenyasan akong lumapit.
"Hello Andeng!" Pagbati sa akin ng lalaking si Sir Jace daw.
"Hi po! Bakit niyo po alam ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko.
"Kaibigan siya ng mommy at daddy mo apo," sabat ni Lola.
"Matalik na kaibigan ko ang mga magulang mo iha. Sanggol ka pa noong huli kitang makita at masaya akong makita na lumaki kang maganda at magalang na bata," nakangiting sabi niya.
"Salamat po!" Masiglang sabi ko sa kaniya. Tumingin ako sa anak niyang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin.
May atraso ba ako sa kaniya?
"Hi!" Masayang bati ko sa kaniya.
"..." hindi ito kumibo.
Ay ang sungit naman! Ang layo layo niya kay Sir Jace na mabait!
"Andeng, samahan mo si Daniel sa labas at maglaro kayo," nakangiting utos ni Lola.
HA? sasamahan ko ang lalaking iyan? Mukha ngang hindi ako gustong makalaro niyan eh!
"Let's go!" Mahinang bulong ng lalaki sabay hila sa akin palabas.
Hindi ko alam pero ang gwapo ng boses niya! Kinakabahan ako ng hindi ko maipaliwanag. Hindi kaya?—
———
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top