Heartbeat#9 He cares

AMMIEL

Nasa loob ako ngayon ng silid. Nag-aaral para sa susunod na subject. pupuntahan ko sana si Andeng kaso PE nila ngayon at ayaw ko namang makaabala kaya siguro mamayang recess nalang.

Bakit kaya bakla ang tingin ni Andeng sa akin? I mean, yeah before I was? Pero matagal na iyon. That was before I know her. I even acted like a gay just to see her smile.

Kung alam niya lang talaga eh!

If ony I got the gut to confess this damn feelings!

Pero-

Nato-torpe talaga ako.

I cant afford losing her, our friendship, just because of this fucking feelings of mine!


"Ammiel!" Hinihingal na tawag sa akin ng kaklase ko. He is Jovanie Castillo. Ano na naman kaya ang trip neto?

"Oh?" Maikling sagot ko.

"Ay snob ka gurl?"

"What do you want?" Tanong ko sa kanya. Habang nakataas ang tingin ko.

"Si Andeng!"

"B-BAKIT? ANO ANG NANGYARI KAY ANDENG?!" Napatayo ako sa aking kinauupuan ko.

"NAMATAY!"

"GAGO KA BA? ANONG NAMATAY KA DIYAN?! NAHIMATAY KAMO AY MANINIWALA PA AKO!" Mataas ang boses ko sabay batok sa kaniya.

"Where is she?!" Hindi ko na maikalma ang sarili ko at nasigawan ko na talaga siya.

"A-ah nasa clinic siya ngayon Amm---" nauutal na sabi niya pero hindi ko na tinapos ang kaniyang sasabihin at dali-dali nang pumunta sa clinic kung nasaan siya ngayon.

SHIT!

Sana lang talaga walang masamang nangyari sa kaniya.

================

Pagpasok ko sa clinic ay naabutan ko si Leslie, ang best friend ni Andeng, Nakaupo ito sa tabi ng kama niya. At si Kyle na nasa likod naman nito na nakatayo. Habang ang new student na Jace ata ang pangalan ay nakatayo sa kabila.

Nilapitan ko si Leslie at hinawakan sa magkabilang braso dahilan ng kanyang pagtayo.

"Ayos lang ba si Andeng?"

"May galos?"

"Sugat?"

"Pasa?"

"Ano ang nangyari sa kaniya?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Tinanggal niya naman ang mga kamay ko sa magkabilang braso niya at mahinahon na pinakalma ako.

"Ammiel calm down for a while."

"You know I can't Leslie kapag si Andeng na!"

"Oo nga. Alam ko,"

"Breath in... Breath out.."

I followed what she commanded dahil hindi ako titigilan neto. Parang si Andeng lang. Hays, magkaibigan nga talaga ang dalawa.

"Andeng is fine sabi ng nurse na nag-check sa kaniya,"

"May konting pasa rin dahil nadapa ito sa mini race namin sa PE ni Sir Dimaano,"

"Nawalan lang siya nang malay dahil sa dehydration at mainit na panahon. Pero ayos na si Andeng at magigising rin siya maya-maya sabi ng nurse,"

Pagpapaliwanag sa akin ni Leslie. I feel relieved atleast. Lumipat ako sa kabilang parte ng kama ni Andeng at umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

Napansin ko naman ang pagdaloy ng mga luha sa mata niya. Umiiyak siya sa kaniyang panaginip.

Ano kaya ang napanaginipan mo Andeng?

==============

ANDENG

Nagising ako sa isang puting kwarto. Naramdaman ko rin na may nakahawak sa kamay ko. At nakita kong si Ammiel pala.

Kikiligin na sana ako kaso izzaprank! Fafi gusto niya at walang pag-asa ang lola niyo. Iiyak na ba ako? Charot!

"Andeng!" Gulat na sambit ni Ammiel sabay lapit at yakap sa akin ng mahigpit.

"A-Ammiel h-hindi ackk-ako m-makahinga ackkk---" ang higpit nang yakap ng baklang ito para namang namatay ako tapos nabuhay ulit.

"I-Im s-sorry Andeng," mangiyak-iyak na sabi niya sabay alis ng yakap niya sa akin.

"H-hoy jusko! huwag ka nga umiyak hindi kita inaway ah!" Sabay pahid ng luha ko sa mata.

Umiyak nga pala ako. Basa kasi ang mata ko at ang unan ko.

Umayos ako ng pag-upo dahil baka tuluyan ako ni Lord at kunin shocks wala pa akong lablayp huwag muna please lang!

Tumawa naman si Ammiel at pinahiran ang nagbabadiyang luha sa mata niya. Habang si Leslie naluluha rin like hoy! Ano problema ng mga ito? Si Kyle naman ay pinapakalma ang bespren ko na yun nga naiiyak. Si Jace ayun nakatayo lang sa likod ni Ammiel. Nakatitig sa akin like hala kanina pa ito ah? Ano ba kasi ang nagawa ko?

"Anong meron sa mga mukha niyo? Para naman akong namatay juskoness bawal pa ako kunin ni Lord dahil wala pa akong lablayp charot!" Nagbibirong saad ko na kinatawa naman nila.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo bes?" Nag-aalalang sabi ni Leslie.

"Oo naman. Strong ako eh," taas-noong sagot ko sabay pakita ng imaginary biceps ko sa kanila.

"Masama ba ang naging panaginip mo Andeng?" Tanong ni Ammiel.

Inalala ko ang nangyari sa panaginip ko at naramdaman ko nalang ang biglang pag daloy ng luha sa mata ko.

Grabeh nakaka-iyak kasi ang scene na iyon. Akalain mo. naghaharutan lang sila tapos sinagasaan lang! Huhu bitter ang rider ng motor na iyon.


"Oo umiyak nga ako eh," sabay kamot sa ulo. May kuto na ata ako char!

"Ikwento mo bes," sabi ni Leslie.

"Oo nga Andeng," seryosong saad ni Ammiel.

"..." walang komento si Jace.

AS USUAL!

"Huwag na baka maiyak rin kayo. Ikaw  ba naman ang makakita ng dalawang bata. Babae at lalaki na naghaharutan sa daan. Tapos may bitter na motorcycle driver sasagasa sana sa batang lalaki pero niligtas ng batang babae at tumalipon. Tapos umiyak ang batang lalaki at nagmakaawang tulongan mo pero hindi mo magawang tulongan. Hindi ka ba iiyak. Omaygasss naiiyak na naman ako huhu. O diba nakwento ko. Kayo talaga ang chismis masyado,"

O diva napakwento ako ng wala sa oras juskoness with matching tulo luha effect pa.

Tumalikod si Jace at nagsimula nang maglakad palabas. Hangang sa mawala siya sa paningin ko.

Wow attitude siya ah! Nagkukwento ako dito eh.

"Wala kang pasok Ammiel?"

"Meron pero mahalaga sa akin ang malaman na ayos ka lang,"

"Chaaar! Sana all Ammiel hahah!"

"Kyle, ano next subject? Vacant tayo ngayon diba?"

"Yes bes, vacant tayo ngayon!"

"Ikaw si Kyle?" Sumimangot naman ang gaga na kinatawa naman ni Kyle at Ammiel. Lumapit naman siya at binatukan ako.

"Aray ko naman!"

"Ikaw kasi eh!"

Parang bata talaga ang gaga mas cute naman ako kesa sa kaniya. Ganiyan lang siya kasi nandiyan ang jowabels niya. Ang plastik Charot!

"Alis na tayo dito. Baka tuluyan ako ni Lord. Takot ko lang mamatay na walang lablayp noh!"

"Hanapin mo na kasi si Mysterious Guy---" I cut her off using my hand. Ang daldal ng babaeng ito.

"Mysterious what?" Nagtatakang tanong ni Ammiel.

Sinamaan ko naman ng tingin si Leslie. Nag-peace-sign lang naman ang gaga.

"Wala iyon Ammiel Ahahah!"

"Diba bes? Ahahahah"

"Yes ahahahah"

Nakitawa rin ang gaga. Takot niya lang na mabawian ng buhay. Pahamak huhu jusko ano kaya iniisip ni Ammiel? Wala akong iba ikaw lang sapat na. Charot huhu fafi kasi ang gusto niya Andeng move on rin pag may time. Kahit hindi naging KAYO!

=================

Natapos ang klase ko ngayong araw na bagot at walang gana. Siguro ay dahil nadala talaga ako sa panaginip ko na iyon. O baka dahil sa nangyari sa akin kanina. Kumikirot rin kasi ang pasa na natamo ko kanina.

Nauna nang umalis sila Leslie dahil sinabi kong ayos na ako at kaya ko nang umuwing mag-isa. Gusto ko rin kasing mapag-isa. Sa kadahilanang, TRIP KO LANG MAG-EMO KUNYARI BROKEN. WALA NAMANG 'LABLAYP'.

Palabas na ako ng gate ng biglang may kumalabit sa akin mula sa likod. Nilingon ko naman ito at nagulat nang malaman kong sino ang taong iyon.

"A-ahm J-Jace. Ano iyon?" Nauutal na saad ko.

Shemaaaaa nauutal ako huhu. Why o why Andeng si Jace lang yan?!

"Take this" nahihiyang sabi niya sabay abot ng strawberry milk drink.

"Halaaaa! Thank you Jace. Pero para saan hihi?" Tinanggap ko ang milkdrink na bigay niya. Aayaw pa ba? Libre ito!

"Just wanna give it to you," maikling sabi niya. AS USUAL!

"Okay okay thanks,"

"..."

At nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hala! Bastos talaga ang lalaking ito. Ang bait tapos biglang magsusungit. Hay naku! Mr. Crimson.

"Oy! Hintay!" Tawag ko sa kaniya.

Tumigil siya sa paglalakad at nailingon ako. With matching "What-else-do-you-need look" or something like "Ang-cute-mo-Andeng ackkk---jowk lang!" Joke lang yang second part bored look lang talaga ang loko.

"Sabay tayo. Bawal mang-iwan!"

Napabuntong-hininga lang siya at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Sabi ko nga snob talaga siya. Ininom ko nalang ang bigay niya na strawberry milk drink.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top