Heartbeat #8 Jace Runs?
Yesterday was so exhausting. Nakakapagod at the same time may thrill! Dahil doon sa pagiging hero ko. Pero ang weird ni Grace, may iba raw tao doon sa kinaroroonan namin na kinatakutan ng mga panget na lalaki.
And the crumpled paper bothers me too. It says that "DON'T EVER PUT YOUR SELF IN TROUBLE AGAIN!"
Si Mr. Stalker na naman ba ito? Mysterious guy with a cold voice?or who? aish! Nakakainis naman.
But I need to compose myself and be ready. P.E. time namin ngayon and we are gathered here in the oval field. Yes! Nasa school na ako. Obvious ba?
"Andeng magpapa-mini-race si Sir Dimaano!" Sabi ni Leslie na hinihingal.
Tinakbo niya kasi ako dito sa bench tapos galing siya sa nagkokumpolan naming mga kaklase. May sinabi ata si President Kyle. Ehem bebe niya...
"Relax! I can run Leslie and alam mo 'yun." Sabi ko sa kanya.
"Pero hinding-hindi ako maghahabol sa maling tao." Dugtong ko pa.
"Aba! Hugotera ka na ngayon?" Natatawang tanong niya.
"We never know what life brings us," sabi ko sa kanya.
"Englisherist na rin?" Tanong niya.
"Ganiyan talaga bes kapag walang jowa!" Sagot ko sa kanya na siya namang kinatawa niya.
"Wala pa rin bang 'love at first heartbeat'?" Tanong niya.
"W-wala eh hihi..." pagsisinungaling ko.
Meron naman talaga and si Mysterious guy iyon. Pero baka 'di ko na 'yun mahanap.
Pumila na kami sa harap ni Sir Dimaano. Nasa kanya-kanyang grupo kami na inassign sa amin.
"Good morning Crimsonians!" Bati ni Sir Dimaano.
Sinagot naman siya ng lahat.
"Today, We'll have a mini race with 3 laps here in this oval field." Panimula niya na siyang sanhi ng bulong-bulongan at reklamo ng iba.
Mainit dito sa labas pero hindi ko alintana dahil sa preskong hangin na dumadampi sa aking balat.
Fresh na fresh tayo ngayon kasi later haggard na tayo mga bes!
"A merit will be awarded to the fastest male and female in your class." Dugtong niya.
"And will be up for a try out to be part of our campus athletes representatives for the upcoming sports feast!" Sabi niya.
"Woooohhh"
"Excited na akooooo!"
"Siguro si Jie pa rin ang sa babae na runner mabilis yun eh"
"Basta si Dave pa rin mabilis sa boys!"
'Yan ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko. Well totoo naman Jie and Dave is one of the school athletes. They won a lot of race.
Ako? Well I'm not an athlete pero kaya kong tumakbo ng mabilis. Hindi nga lang katulad nila. Pero ano naman ngayon? It's their passion, talent and expertise.
"Oh! Handa ka na?" Tanong ni Leslie.
"Oo naman noh! tagal ko nang 'di nakatakbo eh!" Sagot ko sabay stretching.
Bago magsimula ang mini-race ni Sir nag warm-up exercise kami. Dito sa aking pwesto kitang-kita ko si Dave na seryosong nagwawarm-up. Palagi siyang nananalo sa ganitong laro. Same goes with Jie, pero kahit ganyan ay magaling sila makisama sa iba. Other athletes kasi have bad attitudes. I stan this two.
"Look who's here?"narinig kong boses na mula sa likod ko.
"Oh si Mr. Mayabang na mukhang gangster guy pala ito!" sabi ko sa kaniya nang nakapamewang.
"Ang lakas talaga ng loob mo na---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Mag-warm-up ka na dun Reian!" Sigaw ni Kyle at katabi niya si Jace.
"Kaklase pala natin yun?" Tanong ko.
"Yeah. Pero palaging nag ka-cut ng class at uma-absent." Sagot niya.
"Oh I see. Shame..." yun nalang ang nasabi ko.
"Tatakbo ka Jace?" Tanong ko.
"Required" maikling sabi niya.
Ang ikli naman! May regla ba ito?!
"Oo nga Andeng! Lahat naman tayo tatakbo by group nga lang." sabi ni Leslie.
Tss Alam ko pero I mean- ahhh! Never mind!
Unang grupo ng tatakbo ay Ako, Leslie, Angel, Briana and Jie. Madali lang naman 'to dahil 3 laps lang. Kaya hinanda ko na ang sarili ko.
"Girls! Take your mark...get set---" binaba ni Sir Dimaano ang ang red flaglet na hawak niya bilang hudyat ng pagsisimula ng pagtakbo.
Nangunguna si Jie pinapangalawahan naman siya ni Briana, pumapangatlo ako habang nasa hulihan naman si Leslie after Angel.
Nasa second lap na kaya binilisan ko ang takbo ko. Napansin ko naman na katabi ko na si Jie. Omyyyyy watodooo katabi ko siya guyssss!!! Sa likod ko naman si Angel at Briana. Si Leslie nasa hulihan parin.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko dahil ang thrill ay nagb-build up na sa akin. Mas ginanahan tuloy akong tumakbo kaya binilisan ko pa. Nakikita ko na ang finish line ng biglang...
"Ayos ka lang ba?" Hindi ko mai-angat ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
Lamunin mo na ako lupa please lang!
"Bumangon ka diyan Andeng. Titignan natin kung may sugat ka," nag-aalalang sabi ni Leslie.
"Ms. Cortez get off the field at doon ka muna sa bench," saad ni Sir.
Ano pa ba ang magagawa ko? Edi babangon na. Andeng kaya mong lunukin ang kahihiyan na ito. Tama self lilipas then ito. Tiwala lang!
"Mabilis nga tumakbo, lampa nga lang--" mahinang bulong na narinig ko. Hindi ko na papatulan kasi baka mapatid ko siya at mangud-ngud ang mukha sa sahig. Chosss!
Naupo nalang ako dito sa bench habang patuloy naman sa pag-pa-race si Sir. Dama ko pa rin ang kirot ng munting sugat sa tuhod ko. Inaya naman nila ako na pumunta sa clinic kaso hindi ako pumayag. Kasi malakas ako ano ba? Hindi naman ako nabalian ng buto. I'm strong chosss!
"Ayan na Andeng! Boys na ang tatakbo," masayang sabi ni Leslie. Porke't may jowa na aabangan. Char!
"Ano naman ngayon kung boys na? AHAHAH!" Sagot ko sa kaniya.
"Cheer mo si Jace. Ano ka ba?" Sabay hampas sa akin.
Tinignan ko naman si Jace at napansin ko na gwapo naman siya. Oo yun ang napansin ko. Ano naman ngayon? Pero seryoso tumatakbo kaya 'yang si Jace?
Kagaya ng ginawa ni Sir kanina ay tinaas niya ang pula na flaglet. Upang maghanda ang mga tatakbo. Tumingin sa gawi ko si Jace.
Hala bakit nakatingin sa akin "yan? Ano na naman ba ginawa ko?
Char ang OA!
Binalik naman agad niya ang tingin sa harap dahil magsisimula na. Binaba naman ni Sir ang flaglet at nagsimula na silang tumakbo.
Umugong ang malakas na hiyawan kaya napatakip ako sa tenga at tumingin sa mga tumatakbo. Laking gulat ko nang makita ko si Jace na nangunguna. Like wuuuut? Runnerist siya?
Kasunod niya naman si Dave. Ano ang nangyayari bakit ganoon? May talent pala itong si Jace. Sana all!
Napakapit naman ako sa braso ni Leslie. Dahil biglang sumakit ang ulo ko. ANG SAKIT! namimilipit ako sa sakit. Nagbu-blur na ang paningin ko. Pinikit ko naman ang mata ko dahil hindi ko na mainda ang sakit. Naiiyak na ako.
"Oy Andeng! Ano ang nangyayari?" Natatarantang sabi ni Leslie. Naiiyak rin siya pansin ko sa paraan ng pananalita niya.
Naramdaman ko naman na mas lalong uminit ang paligid. Nagkumpulan ang lahat sa gawi ko. Naramdaman ko nalang na may mga braso na bumuhat sa akin. ANG SAKIT TALAGA NG ULO KO! Tumulo naman ang luha ko at naramdaman ko nalang na nawalan ako ng malay.
*****
"Dansoy habulin mo ako!"
Narinig kong boses ng isang batang babae. Hinanap ko naman ang boses na iyon. May batang babae na nakatirintas ang buhok at nakasuot siya ng kulay pink na dress. Kung iyong titigan ay ang cute niya at masayahin. Nakangiti ito sa isang batang lalaki.
"Huwag na tayo maghabulan Andrea, Okay? Nakakapagod kasi," Reklamo sa kaniya ng batang lalaki na ngayon ay nakapamewang.
"Ayaw mo lang maging taya eh! AHAHAHA" pang-aasar ng batang babae na ang pangalan raw ay Andrea.
Wow! Kapangalang ko pa talaga ah. Siguro ganyan rin ako ka-cute dati.
"Andrea, come here!" Tawag sa kaniya ng batang lalaki. Tumakbo ang batang babae. At hinabol niya naman ito.
Nasa gilid na sila ng kalsada nang tumigil ang batang babae sa pagtakbo. Naabutan naman ito ni Dansoy at pinagalitan. Dahil pinahabol niya ito.
"Andrea, punta na tayo sa Yaya mo," pag-aaya ng batang lalaki. Habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
"Ang hina mo talaga kahit kailan," mahinang sabi ng batang babae. Napasimangot naman ang batang lalaki sa sinabi niya.
"So you're not going to marry me. Kasi weak ako?" Naka-pout na sabi ng batang lalaki.
Medyo natawa ako kasi ang conyo ng pagkakasabi niya. Pero grabeh ah usapang kasal eh ang bata pa ng mga ito. Ang bata pa nila pero humaharot na. Ako nga wala! Lord alisin mo na ako sa panaginip na ito. Nabi-bitter ako sa kanila eh huhuness!
"Papakasalan kita Dansoy kapag malaki na tayo. At huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sayo. I'll be your savior!" Taas-noong sabi ni Andrea sa lalaki.
SANA ALL SA INYO!
Nilapitan ng batang babae ang lalaki at hinalikan ito sa pisngi sabay ngiti. Ngumiti rin ang batang lalaki at bigla itong hinalikan sa labi ng mabilis.
LORD PORN PO ITO HUHUNESS ANG HAROT NILA!
Napadako naman ang tingin ko sa bandang kanan ng kalsada kung nasaan ang mga bata. May humaharurot na motorsiklo.
HALA KAILANGAN KONG BALAAN ANG MGA BATANG NAGHAHARUTAN NA SA KALASADA KASI SILA JUSKO!
"Dansoy! Tabi---" sigaw ng batang babae. Sabay tulak sa lalaki sa gilid ng kalsada para hindi ito masagasaan.
"Andrea! Noooo---" sigaw ng batang lalaki ngunit huli na ang lahat dahil nabangga na ang batang babae.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin. Sisigaw sana ako ngunit para akong naputulan ng dila. Gusto kong lapitan ang batang babae para matulungan ito dahil duguan siya at walang malay. Gusto ko ring patahanin ang ang batang lalaki ngunit hindi ko magawang makaalis sa aking kinatatayuan. Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Tumingin sa gawi ko ang batang lalaki.
"Help us please!" Nagmamakaawang bigkas nito.
Biglang may isang nakakasilaw na liwanag ang aking nakita. Kailangan ko pa silang tulungan. Dapat mabuhay ang batang babae. Kawawa ang batang lalaki pag nagkataon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top