Heartbeat #7 Our Past
---Andeng's POV---
Nakarating na ako sa rooftop. At nakita ko ang pigura ng taong gusto ko noon pa man na hindi nasuklian ang aking pag-ibig. Ayaw ko nang alalahanin ang nangyari noon. Ngunit 'di ko maiwasan. Edi ako na hindi pa nakakamove-on. Nabalik lang ako sa huwisyo ng tawagin niya ang pangalan ko at kinawayan ako.
"Andeng!" Tawag niya sa akin.
Nakaupo siya sa isang bench dito na nakatingin ito sa harap na kitang-kita ang kabuuan ng Crimson High. Malakas din ang hangin kaya nalilipad ang ilang hibla ng aking buhok.
"Mukhang malalim ang iyong iniisip. May problema ka ba? Arat chika na!" Masiglang tanong ko sa kanya.
Kailan nga ulit nung huli kaming nagkausap ng ganito? Dalawang taon na pala ang lumipas.
"Alam mo bang na-miss kita Andeng," malungkot na simula nito.
"Oo naman sino namang di makaka-miss sa cute na kagaya ko. 8 years din tayong magkasama diba?"natatawang batid ko.
Pero hindi ko inaasahan na na-miss niya pala ako. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap matapos ang pangyayaring iyon.
"Hindi ka pa rin nagbabago." Nakangiting sambit niya sabay gulo ng aking buhok.
"Alam ko ang kagagahang ginawa mo two years ago."seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin ng seryoso din.
"Halaaa! Huwag mo na ipaalala please! Nakakahiya!" Sabi ko sabay takip ng aking mukha.
Alam niyo ba kung ano pa ang kagagahang ginawa ko? Two years ago? Malamang hindi!
Eto na ichichika ko na sa inyo kahit sobrang nakakahiya.
FLASHBACK
Months after the Graduation.
Nakahilata ako sa kama habang nagfi-facebook. Nang bigla akong napahinto sa pagscroll sapagkat nakita ko ang post ni Tita Wenny, ina ni Ammiel, at ito ang nakalagay.
Wenny Mojica
Sino ang may dugo na AB+ kailangan ng anak ko na si Vannie may dengue siya at kailangan masalinan kaagad ng dugo. PM please!
End of post...
May Dengue siya!
Hala!
What to do?
AB+ dugo ko!
Kaso baka hindi ako qualified dahil Wasted ang BMI ko. Maayos lang kaya siya? Bakit hindi ko alam?
Ngunit paano ko kakausapin si Tita nakakahiya naman kung mag-volunteer ako malamang magmumukha akong tanga kung ganoon.
I went to my messenger and created a message.
To: Tita Wenny
Tita AB+ po ako...
Magvolunteer ako...
Kamusta na po si Ammiel...
Tita pupunta po ako diyan...
Tita reply nama diyan...
-End of message-
Hindi ako sinagot ni Tita kaya nagchat ako kay Ate Claire, nakakatandang kapatid ni Ammiel. Pero wala pa rin. Hindi pa rin ako sinagot.
To:Ammiel
Hoy! Bakit ka nagka-Dengue! Uminom ka ng gamot! Donate ko na lang 'tong dugo ko. Same blood type natin eh...Pakisabi sa mama mo herbal ipainom sa iyo. Mas effective iyon! Dikdikin niyo dahon ng male papaya at ang katas nun ang ipainom sa iyo. Inumin mo! Kahit mapait tiisin mo! Kainis naman oh! Magreply ka pag magaling ka na! Nag-aalala na ako sobra!
End of message...
After a week-long na stay niya sa hospital ay gumaling na siya. Ngunit ang 'lola' niyo ayun dedmaness tayo mga prend! Walang reply kay tita! Kay te Claire! Kahit kay Vannie!
Nasaktan ako at the same time masaya. Nasaktan kasi hindi man lang niya nakita ang concern ko. Kahit seen mga bes wala! Pero masaya ako kasi maayos na siya at hindi tinuluyan ni lord.
Months pass up to present wala akong natanggap na mensahe galing sa kaniya.
---End of Flashback---
Grabeeh! Nahihiya talaga ako pag naalala ko ang katangahang ginawa ko. Bakit kasi pinaalala pa? Huhu...
"A-ah iyon ba? Wala iyon hihi."sagot ko.
"Sorry pala kung hindi kita na replyan o ni mami at ate man."paghihingi niya ng paumanhin.
"Naku! Ok lang iyon ano ba? Ahaha!"sagot ko.
Pero deep inside me wants to know why?!
"Hindi ko alam ang sasabihin ko nung sinabi ni mama na nag-volunteer ka."
"Alam ko namang same tayo ng blood type. Pero kasi ang payat mo paano kung maubos dugo mo?Hindi ka talaga nag-iisip minsan. Pero thank you sa concern mo, Andeng. I really appreciate it. Yes, I know it's late but I want you to know na na-touch ako sa effort mo noon."naiiyak na sabi niya.
"H-hala! Huwag kang umiyak jusko! Iyakin ka talaga kahit kailan."sabi ko sabay hawak sa mukha niya at pinahiran ang luha niya.
"Kumain nalang tayo! Ikaw talagang bakla ka ang drama! Hahaha,"Sabi ko habang tumatawa. Hinawakan ni Ammiel ang kamay ko at seryoso akong tinignan.
Hala lagot! Anong mali sa sinabi ko?
"Don't call me gay, Andeng." Seryosong sabi nito.
"Eh? Ayaw mo na sa fafi? Diba bakla ka?". Tanong ko.
"Call me gay again or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" may bahid ng pagkairita ang kaniyang pagkakasabi.
Hala katakot naman si Ammiel. Pero ano ang gagawin niya pagsinabi kong bakla siya? Ma-try nga...charot lang ayaw ko pa mamatay!
"Ok fine! Sorry boss! Kain na tayo?" Tanong ko.
"Here." pag aabot niya ng four-season na drink sa akin.
Alam niya pa rin ang paborito ko. Syempre! Kulay pink eh ahaha!
"Thanks,"sabi ko.
Moments later...
Tapos na kaming kumain at nagpapahangin nalang ng konti.
"Ammiel hindi ka na ba talaga ba-," Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. He's gazing me furiously. Allergic na siya ngayon tawaging bakla? Anyare dito.
"Stop what you're doing Andeng okay! Hindi ako bakla! And I never was or not anymore... Whatever it is, HINDI AKO BAKLA!" Pagdidiin niya.
"Chill! Nagtatanong lang eh...para namang hindi ka nagtitili kapag nakikita si Ronniel noon o hindi kaya ay hinaharot si JP! Hahahah!" Panunukso ko at kinuha ang gamit ko at tumakbo na papuntang classroom.
Hahahha! Wooh! Buti nakatakas ako!
"Anyare sayo?"tanong ni Leslie.
"Inasar ko lang naman na bakla si Ammiel hahaha!"natatawang sabi ko habang hinahabol ang aking hininga.
"Ganoon ba ahaha! Nagalit ata Andeng," sabi ni Leslie at tinuro ang pintuan kung saan nandoon ang lalaking may umuusok na ilong.
"Peace tayo!" Sigaw ko kay Ammiel na halatang di natuwa.
Umalis naman si Ammiel at nagtungo na sa kaniyang silid. Pumunta na naman ako sa aking upuan na sa tabi ni Jace.
Tahimik ito at abala sa kaniyang binabasa na libro. Hindi ko mawari kung anong asignatura ngunit alam ko na ito ay patungkol sa math dahil may numero akong nakikita.
Sana all! Mahina kasi ako sa calculations.
============
Natapos ang afternoon session namin at nagsiuwian na ang lahat. At isa na ako doon. Napadaan ako sa isang pasilyo na parang pamilyar sa akin.
Alam ko na! Dito ko huling nakita yung parang gangster guy na tinitigan ako noong nakaraan na wari mo'y may nagawa akong kasalanan sa kaniya.
Aalis na sana ako nang biglang may lata na napunta sa aking kinaroroonan. Ito ata ay napatid ng kung sino.
Pagtingin ko sa pinagmulan nun. Sa pasilyo pala! Kaya dahil echoss akong tao. Tinungo ko ito at nakita kong may dalawang panget na lalaki na mukhang mga gangster na may inaaping babae.
Extortion ata ang nagaganap! Tskk! Mga walang hiya! Maturuan nga nang leksyon!
"Hoy! Mga panget!" Matapang na sigaw ko. Napatingin naman sa gawi ko ang mga mokong.
"Huwag kang makialam dito bata! Kung ayaw mong madamay!" Sigaw ni panget#1.
"Titigil kayo o tatawag ako ng pulis!"pagbabanta ko.
"AHAHAHAHAH!" Tawanan ng dalawang panget.
Habang tumatawa sila. Kinalikot ko naman ang aking cellphone para ihanda ang wangwang ng sirena ng police car na aking alarm ringtone.
"Ah ganun sige tatawagin ko ang tito ko,"sabi ko sa kanila na mukhang di parin na niniwala.
Pinindot ko ang wangwang na alarm ringtone.Na siyang kinalaki ng kanilang mata at namutla ang kanilang mga mukha.
"Patay!" Sabay na sigaw nila. At nagsitakbuhan sila na para bang nakakita ng multo.
Eh? Yun na yun? Para naman silang ewan.
Napakibit nalang ako ng aking balikat at nilapitan ang babae.
"Okay ka lang ba? May nakuha ba ang mga panget na iyon? Hahabulin ko para sayo."matapang na sabi ko.
"Salamat sa tulong mo." sabi ng babae.
"Wala 'yon!" Sabi ko sa babae na may ngiti.
"Ngunit may lalaki kanina na siyang kinatakutan ng mga lalaki." Sabi ng babae.
Eh? Paano nagkaroon ng lalaki? Ako lang naman ang nandito at nakakasigurado ako.
"Weeeh? Baka guni-guni mo lang iyon." Sabi ko sa kanya.
"Hindi...Nakatingin lamang ang lalaki sa dalawang iyon kaya natakot sila at tumakbo na parang nakakita ng multo." Pagpapaliwanag ng babae.
"Talaga ba? kung ganoon ay maayos ka na ba't aalis na tayo dito?"Pag-aaya ko sa kanya. Tumayo naman ito at pinagpagan ang sarili.
"Maraming salamat talaga sa tapang mo. Sana all matapang." Natatawang sabi nito.
"Ganoon? Ahaha wala yun! Huwag ka magpapaapi pag panget ah!" Payo ko sa kanya.
"Eh kung gwapo?"tanong neto.
"Huwag rin! Huwag ka papaapi sa kahit na sino! Okay?!" Sabi ko sa kanya.
"Sige akin iyang aalalahanin. Sana makabawi ako sa'yo." Sabi ng babae.
"Naku! Wala iyon magingat ka nalang sa susunod." Sabi ko sa kanya.
Napagalaman kong Grace pala ang pangalan ng babae at taga-CH din ito. Pero move on na tayo sa nangyari. Nasa kwarto na ako at inaayos ang sarili dahil ang haggard. Magaaral na kasi ako.
Syempre ganda ng grades eh CHAR!
Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay may papel na nalakumos na mula sa labas ang tinapon papunta sa kwarto ko.
Aba! Letter na naman!
Binuksan ko ito at binasa. At napag-alaman kong galing na naman kay stalker guy! Lord naman eh!
Ito ang nakalagay sa content.
DON'T EVER PUT YOUR SELF IN TROUBLE AGAIN!
End of content...
Huwaaahh! Baka siya rin ang lalaki na kinatakutan nung mga panget na lalaki kanina! Scary naman ng stalker na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top