Heartbeat #6 Jace Meet Ammiel

Nasa tapat na ako ng gate namin. Kasama si Jace. Nauna na kasing ihatid ang magjowa. At ako ang huling hinatid. Hello?ako yung nagmamadaling umuwi!

"Salamat sa pag hatid Jace. At masaya akong makilala ka." Masayang sabi ko sa kaniya.

"Likewise, Sorry about what happened earlier. I really am sorry," sabi ni jace.

"Uy! Okay lang iyon. Aksidente lang naman ang nagyari. And may ice cream naman ako at teddy bear. Kaya huwag mo na isipin iyon." Sagot ko sa kaniya habang yakap-yakap ang teddy bear na binigay niya kanina.

"Cute..." narinig kong mahinang bulong niya.

I know right! Char!

"Sige paalam na, Jace."pagpapaalam ko.

"Okay," sabi niya.

Ang ikli talaga magsalita. Next time, turuan ko kaya siya magsalita?

Pumasok na ako sa loob ng bahay. At ang inaasahan ko nga ay totoo. Tapos na silang kumain! Sana may natira man lang para sa akin. Kahit gumala ako saglit ay nakakagutom pa rin.

"I'm home! Mami, Dadi," masiglang bati ko sa kanila.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Saan ka galing?"

"Sino kasama mo?"

"Sino yung naghatid sayo na de-sasakyan?"

Sunod-sunod na tanong ni mami at dadi sa akin. Jusko as expected interrogation talaga ang sasalubong pag lumampas ka na ng 6pm curfew.

"Okay, hinay-hinay tayo. Mahina ang kalaban." Natatawang sagot ko sa kanila.

"Ngayon lang ako kasi nag aya si Leslie na pumunta sa SM. Kasama ko siya, si Kyle at yung bago naming kaklase, Anak ni chairman, si Jace. Siya ang naghatid sa amin pauwi. So ano, okay na? Gutom nako mami, dadi?" Pagpapaliwanag ko.

Of course dapat honest ka! 'Honesty is the best policy' ika nga sa kasabihan na alam ng lahat.  Kaya gayahin niyo ako ha! Charot!

"Ganun ba nak? Gwapo ba? Mabait? Mayaman iyon! Kasi anak ng may ari ng school mo! Ay bongga!" Sabi ni mama. Para talagang ina ng bida sa pelikula kung maka-bongga.

"H-hoy! Honey, ano iyang sinasabi mo? Anong gwapo? Mabait at mayaman? Anak 'study first' ha," paalala ni Dadi.

Tumango naman ako bilang tugon. Wala namang nanliligaw sa akin. And bakit ganito pinaguusapan namin? Gutom na ako!

"A-ahm Maari bang huwag natin pagusapan ang pagjojowa or something?" Pagsusumamo ko. Kasi hindi ko na talaga kaya. Gutom na ako.

"O sige dito ka na at kumain,"sabi ni mama. "May ulam pa naman". Dagdag pa niya.


*****

Pagkatapos kung kumain ay naghugas ako ng pinggan at humayo na papunta sa aking silid. Hindi na naman ako tinanong pa ng kung ano-anu nila mami at dadi.

Nasa kama na ako nakatulala. Iniisip si mysterious guy. Totoo kayang 'love at first heartbeat' yung nangyari? You see, it's very unusual for me. Alam niyo na walang experience sa buhay pagibig. Kaya nga 'hopeless romantic'diba?

Napahawak ako sa aking labi at namula naman ang mukha ko nang maalala ko ang pangyayaring binaon ko sa limot kanina. Niyakap ko nalang ang teddy bear na bigay niya kanina.

Yung first kiss ko!

Wala na! Hays...Iaalay ko pa naman iyon sa una't huling lalaking iibigin ko. Sa taong magpapatibok ng puso ko sa unang pagkakataon. You know na kay mysterious guy. Char! Ang harot talaga ng imahinasyon ko hahah! Kamusta na kaya yung stalker na nagbigay ng crumpled paper with matching 'take care always' na nakasulat.


Who of all the people on earth would do that? Yes, I know stalker does. Pero sino naman ang mang-istalk sa akin!

Naisip ko rin noon, Bakit kaya hindi ako nagustuhan ni Ammiel? Alam ko namang fafi din hanap niya. Pero bakit hindi nalang babae? Bakit hindi pwedeng ako? Nandiyan naman ako palagi sa tabi niya.

Bata pa kami kasama ko na siya. 8 years guys! 8 freaking years of my life! I only think of him and love him more than friends do. Pero siguro nga hindi lahat ng friends nagiging lovers.

Natanong ko rin minsan, Kung naranasan ko ba ang 'Once upon that first heartbeat' na sinasabi ni lola. Pero wala akong maalalang ganun na nagyari eh. Siguro nga't hangang doon nalang iyong pagkagusto ko sa kaniya.

Char! another madramang gabi with andeng episodes na naman ba 'to? Chaar!

Ok! Matutulog na—Good Night with love!

—The Next Morning—

"Andeeeeengggg!" Sigaw ng kaibigan ko.

"Bakit ka sumigaw?" Tanong ko.

Hingal na hingal siya ngayon sa harap ko. Bakit ba naman kasi tatakbo habang sinisigaw ang pangalan ko?

"Wala lang trip ko lang!" Pasigaw paring sabi.

At binatukan ko nga.

"Grabeh ka talaga nananakit ka na ah?!" Reklamo niya.

"Iiyak ka na n'yan at magsusumbong sa bbluvs mo?" Tanong ko.

"Oo pero siyempre char lang" sagot niya.

Gaga talaga kausap ang babaeng 'to. Minsan iniisip ko kung bakit naging kaibigan ko 'to eh.

Mawalk-outan nga natin hahah.

"O-oy! Walang ganyanan!" Paghabol nito sa akin.

"So ano'ng balita?" Tanong ko.

"Well nothing special, Card Distribution lang naman natin sa first semester dito sa CH!"sagot niya.

"Weeee! Hindi nga?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah 10 am daw mari-recieve via email."pagpapaliwanag niya.

"Ganun ba? Sige ipagpanalangin ko nalang na wala kang bagsak hahaha!" Natatawang litanya ko.

"Ang sama mo talaga sa akin," naluluhang sabi niya.

"Biro lang naman iyon." Sabi ko.

"Hi Andrea!" Hulaan niyo sino?

Kilala niyo?

Wee?

Char!

Edi si Jace. Naka white polo with black jeans and addidas rubber shoes. Bakit pang-oppa look trip ng lalaking to?!

Ang gwapo niyaaa!

"Hi?" Patanong na bati ko.

"Hi Jace! Nasan si Kyle?" Tanong ni leslie.

"Andito na ako," hingal na sagot ni kyle na halatang tumakbo ito.

"Sana all may jowa," sabi ko. Nagsitawanan naman sila.

Like what's funny maghihiwalay rin naman kayo! Char!

"Andeng," kilala ko ang boses na ito. Si Ammiel.

"Magandang umaga Ammiel," bati ko sa kanya.

"Hi Leslie and Kyle, Sino to andeng?" Tanong ni Ammiel.

Ohemgi! Ang bakla jusko! Fafi pa naman 'tong si Jace.

"Ammiel meet Jace anak ni chairman. Kaklase ko new student. Kakalipat niya lang dito kahapon."pagpapakilala ko.

I was expecting him na magningning ang mata or tumili like other eklabush do. But he didn't, nagtitigan lang silang dalawa. Para silang naguusap sa mata. Ano to an eye for and eye? tooth for a tooth? Jusko! Ano ba itong pinagsasabi ko?

"A-ahm may staring game ba kayo? Sali naman ako diyan." Malokong sabi ko.

"Aray!" Binatukan ako ng best friend ko.

"Ba't nanakit ka diyan?" Tanong ko kay leslie. At sama ng tingin lang ang pinukol sa akin.

"Nice to meet you, Jace." Sabi ni ammiel. Sabay abot kamay para sa isang shake hands.

"Same,"sagot naman ni Jace. At tinanggap ang pakikipagkamay ni Ammiel.

"Vannie, Huwag mong harutin iyan ah! Off limits yan kay Ackkk—," sabi ni leslie na hindi natuloy dahil tinakpan ng jowa ang bibig niya.

Kanino raw?

"Punta na tayo sa classroom." Pagaaya ko sa kanila.

"Sige. I'll see you this afternoon, Andeng!" Sabi ni Ammiel at umalis na.

Ayy ano kaya pakay nun?

By the way, HUMMS 12-A si Ammiel habang kami ay HUMMS 12-B. Siguro top 1 parin yun. Sana all genius ako kasi smart lang char!

Nasa classroom na kami. My phone vibrated as a cue for an email recieved. Mukhang ang grade na namin to since my classmates check their smartphones too.

Andrea Beatrize Cortez
HUMMS 12-B
First semester Finals
S.Y. 2020-2020

CORE SUBJECTS
Introduction to the Philosophy of the Human person - 89
Understanding Culture, Society and Politics-90
Physical Education and Health 3-93

APPLIED SPECIALIZED SUBJECTS

Entrepreneurship-94
Practical Research2-90
Creative Non-Fiction-92
Philippine Politics and Governance-90

PLEASE DO NOT REPLY ON THIS EMAIL. THANK YOU

Ayy wow naman! Very good tayo ngayon self. Let's keep it up! Matutuwa si mami at dadi neto!

Sa sobrang tuwa ko napatingin ako sa katabi ko na nakatitig sa cellphone niya.

"May email ka rin na natanggap? Grades mo? From your previous school? Patingin? Echoss ako eh sige na..." pangungulit ko.

Oo na ako na echoss dito. Bawal ba? May batas!

"Yeah! You're right but I'm not showing it. But I can assure you that they were fine." Sagot nito.

Ayy sayang naman. Pero siguro dahil malalaki grades niya. Hope all nalang diva?

Pumasok na ang guro for the morning class and the discussion went the usual. Wala namang exam or any spice na nangyari kay di ko na isasalaysay. Mabobored lang kayo char!

//End of Morning Class//

Nagsilabasan na ang classmates ko. Habang ako ay nagliligpit ng gamit ko.

"Andeng! Bilisan mo diyan!" Tawag sa akin ni Leslie.

"Ito na saglit!" Sagot ko.

My phone vibrates and I pick it up.

Text Message Recieved
From: Ammiel

Andeng, See me at the rooftop. Sabay tayong kumain. I will wait.

End of text message.

Lumabas na ako ng classroom. At sinalubong si Leslie.

"Les, hindi muna ako makakasabay sa inyo mag-lunch. Sasabayan ko lang si Ammiel. Mukhang may sasabihin sa akin eh." Sabi ko.

"Ganun ba? O sige. See you later nalang! Eat well! Hoy! Huwag ma-fall ulit! Sasakalin talaga kita." Paalala niya.

Bahagya akong natawa ahaha. That's impossible move on rin tayo kapag may time. Kapag hindi gusto huwag nang ipilit.

"Opo! At impossibleng mangyari iyan!"natatawang sagot ko.

"O sige. Ciaoo!"at umalis na.

Ako naman ay pumunta na sa lugar na sinabi ni Ammiel.

Ano kaya problema ng lalaking iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top