Heartbeat#5 The Fall


-Andeng's POV-

"Okay class dismiss." Anunsyo ni ma'am dahilan para mabuhayan ang mga kaklase namin na kanina pa hinihintay ang magic word na ito.

Yeheeey! Makakauwi na rin ako sa wakas!

"Andeng, gala tayo taraaa!" Tawag ni Leslie sakin. Gusto ko pa naman magpahinga ng maaga ngayon. Pakiramdam ko bibigay na ako dahil sa stress sa mga nangyayari.

"No, I'm going home matutulog ako. Alam mo naman iyon diba?" Sagot ko. Agad namang nag-please with matching puppy eyes ang babaeng ito. Alam na alam talagang hirap akong humindi sa mga taong nag-p-please.

"Bigay ka ng number--" mabilis na sabi ko na pinutol niya rin agad ng sagot na mali.

"0949*******"

"Gaga! Hindi pa ako tapos!" Sigaw ko sa kaniya sabay batok.

"Ay! Hindi pa ba?" Nagtatakang tanong niya at napakamot nalang sa ulo with matching peace sign.

"Choose a number between 1-10." I asked.

"Okay 7!" Mabilis na sagot niya.

Nagbilang naman ako kung sasama ba ako o hindi.

1- yes!

2-maybe!

3-no!

4-yes!

5-maybe!

6-no!

7-yes <---"huwaaahhh kainis!"

"Fine! I'm coming but...until 5 lang ako. Sabay kaming magdi-dinner mamaya. I need to help. Since kahapon, hindi ako nakasabay." Pagsuko ko. Wala talaga akong magagawa kapag sila Leslie na ang nagyaya. Napabuntong hininga nalang ako. Nawa'y matapos agad kami.

"Okay! Copy that! let's go!" Masayang sabi ni leslie.

Niligpit ko na ang gamit ko at lumabas na kami ni Leslie. Pagkarating namin sa parking lot, agad na pumasok siya sa isang sasakyan na kulay puti na sa tingin ko ay 'Mercedes Benz'.

Wow hope all!

Sumunod naman ako at sumakay sa backseat. Pagtingin ko sa harap, ang nasa driver seat ay isang gwapo na nilalang chos~ scratch that!

Si Jace nasa driver seat habang katabi si Kyle na siyang nasa passenger seat.

Bakit kasama na naman ang lalaking na ito? He doesn't talk tapos ang cold pa ng aura niya tsk!

"Remember Les! Before 5 uwi nako ha?"paalala ko sa kaniya.

"Narinig niyo iyon ah? Kaya tara na!"sabi ni Leslie sa dalawa naming kasama.

Pinaandar na ni Jace ang makina ng sasakyan at tinahak ang daang papunta sa malapit na mall.

And guess what? Narito kami sa SM Seaside! Our usual tambayan sa arcade section, ang 'Time Zone'.

Unang pinuntahan namin yung sa 'Just Dance' at pinili ang 4 players. Excited na akong sumayaw! Yeheey!

Ito ang position namin; Kyle, Leslie, Me and Jace.

Kailan kaya maghihiwalay ang magjowang ito?

First Dance is Finnesè (Alt) Bruno Mars ft. Cardi B.

Ready!

Set!

Dance!

Nagsimula na kaming umindak at sumayaw. Kung alam niyo lang guys! Dancer din ako 'noh! Kaming dalawa ni Leslie ay mahilig sumayaw. We just don't show up or sumasali sa isang club or contest. Kumbaga 'undiscovered dancers' ang peg namin.

We out here drippin' in finesse
It don't make no sense
Out here drippin' in finesse
You know it, you know it
We out here drippin' in finesse
It don't make no sense
Out here'drippin in finesse
You know it, you know it

Habang sayang-saya akong sumayaw napadako ang tingin ko kay Jace.

Woy! Huwag kayo magisip ng kung ano!

Nakatayo lang kasi siya at nakatingin sa screen like haler?

" Hoy! Jace sumayaw ka naman diyan!" Sigaw ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa gawi ko na may pagkaburyo.

"I don't dance," maiklinh sagot niya sabay alis ng tingin sa akin.

Nadala na kami sa kantang iniindakan namin nang biglang may batang tumakbo sa may gilid ni Jace. Sa pag-iwas niya ay nawalan naman siya ng balanse.

Nanlaki ang aking mata ng mapansing unti-unting nawawala ang distansiya niya sa'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi ko naintindihan. Naku naman! Bakit nagiging abnormal na naman 'tong puso ko?!

Dagdag ng pagtulak ni Leslie sakin ay natawid na ni Jace ang distansya naming dalawa.

Halaaaa! Ano ba namang-

Parang biglang nag-slow-motion at nakikita ko lang ang gulat sa mukha ni Jace. habang dama ko naman ang nagiinit kong mukha.

Nakaramdam ako nang kung anong malambot na dumampi sa labi ko. Our position is so awkward. I'm on his top when we stumbled. Kase naman eh!

Nakakahiya!

Dali-dali akong tumayo dahil nakakahiya sobraaaaa!

alangan namang idiin ko ang labi ko grrr!!! It's my fucking first kiss for goodness sake! Putek!

"Ayieeee!" Nanunuksong tili ni Leslie na naturingan ko pa namang kaibigan. Humiyaw naman si Kyle na parang natutuwa sa nangyari. Dagdag pa ng boyfriend nito!

Pag-untugin ko kaya ulo nila?

Huwaaaaahhh lamunin na ako ng mundo!

Nanunukso ang mga tao dito. Ang tingin nila na may bahid ng kilig at basta...ewan! Naiinis na ako!

"Sorry Andrea, I didn't mean to--" Nag-aalalang sabi ni Jace. Lalapitan niya sana ako ng bahagya naman akong napaatras.

"Hindi okay lang aksidente naman kasi ang nangyari" tugon ko sa kaniya.

Pero ang first kiss ko!

Aghhhh!!! Kainis... ang first kiss ko?

Wala naaaa!

This is unfair!

"Aksidente lang naman iyon, Bes! Buti nga't kay jace ka nahulog at hindi sa sahig," sabi ni Leslie na nanunukso na naman na may pag-taas at baba pa ng kaniyang kilay.

"Bakit mo ako tinulak?" Sigaw ko kay Leslie.

"H-ha? Hindi kita tinulak. Naptid lang kita kasi indak na indak ako kanina," pag-maang-maangan niya. Kahit kailan talaga ang trip ng babaeng ito!

"Let's eat first? My treat to compensate with what happened earlier" nahihiyang alok ni Jace. Napantig naman agad ang tenga ko nang makarinig ng libre.

"Ice Cream!" Sigaw ko. Napatingin  sa gawi ko ang tatlo at tumawa.

Hindi ba halatang isip-bata pa rin ako? NO! scratch that! Young at heart lang ako mga bes. Char!

"Ano na? Arat naaa!" Masayang sabi ko at ako pa ang naunang naglakad. Ice cream na iyon mga bes, ano pa ba ang hihintayin diba?

Pumasok kami sa pinakamalapit na Ice Cream Shop na kulay pink ang interior.

And my eyes sparkled with ecstacy! Yes, I feel like in cloud nine!

"Kyaaah!" Tumakbo ako sa isang couch na parang pam-princess and sit there like I am indeed a princess.

Sorry para talaga akong bata guys! But hihi this is me at hindi ako plastik.

"Para ka talagang bata Andeng kahit kailan." Tumatawang saad ni Leslie.

"Ang cute lang ng reaction mo Andeng ahahaha!" Sabi ni kyle.

Habang si Mr. kiss stealer ay ngumiti lang.

I was like... hoy! Ibalik mo 'first kiss' ko.

Pero hindi na ako magre-reklamo kahit labag talaga sa kalooban ko. Hindi niya naman iyon sinadya and It was a pure accident. At may Ice Cream naman ako kaya okay lang! Ang swerte niya lang kasi nakakuha siya ng kiss galing sa ackkkk--

Self wag mo nang ituloy!

"Hello Ma'am, Sir... May I take your order?" Taong ng service staff sa amin.

"Ayy take order na hindi ko pa nakita ang menu hihi" bahagya akong natawa. I was just fascinated with the ambiance of the place kasi everything is pink from the couch, tables, walls and the floor. Everything is pink!

Now while browsing the menu, Nakita ko ang fried ice cream strawberry flavor. Huwaaahh! Seryoso? May fried ice cream? Paano iyon? Ang galing naman!

"Miss I want this," sabay turo sa fried ice cream na strawberry flavor with marshmallow toppings.

"I repeat all orders. Four orders of Fried Ice Creams : Chocolate with marshmallow toppings, Vanilla with chocolate kisses, Cookies and Cream with choco kisses and Strawberry Ice Cream with marshmallows. Are all orders correct Ma'am m? Sir?" Tanong ng service staff. Tumango naman agad kami bilang sagot.

" Your orders will be ready in 15 mins. Enjoy the delight of your Fried Ice Cream in a bit." Nakangiting sabi ng service staff at umalis na ito.

At exact 15 mins, dumating agad ang aming Fried Ice cream kaya nilantakan ko na kaagad.

After an hour of eating and sight seeing in the Ice Cream Shop umalis na kami at pinagpatuloy ang pag-Arcade. And before I forgot, nagawa ko ring mag-photoshoot--Pang-Instagram lang ahaha! Buti hindi ako sinita. Siguro dahil bagay rin sa akin maging model. Charooot!

Isang oras na rin ang aming pamamalagi at naglaro dito. Nagawa na naming laruin ang basketball, pakikipaglaban sa mga dinosaur, hindi ko alam ang tawag doon sa nilaro namin na may bola mula sa taas tapos pag-press ko nang red button nahuhulog ang bola tapos tatapat ito sa kung saan mang numero at lalabas ang mga ticket in accordance to the number that you get.

Tuwang-tuwang ako dahil ang dami ng ticket na nakolekta namin. Nakapaguwi pa ako ng teddy bear na malaki from falfi Jace . Oo na fafi na siya kasi nanglibre! Bukas hindi na kasi ngayon lang siya fafi!

Nakuha niya 'to dahil sa tickets namin at dinagdagan niya ng additional cash since kanina pako tumitingin sa teddy bear.

Edi ako na isip bata!

I took my phone out of my pocket and check the time. It was already 6:20 pm !

Lagot!

Sabi ko 5 pm lang eh!

"A-ahm guys 6:20 na,"sabi ko sa nga kasama ko dito na may pinaguusapan.

"Hala! Oo nga! Sige uwi na tayo," sabi ni Leslie at tumingin sa jowa niya. Habang ako dito nag-aalala na.

"Don't worry I'll explain to your parents," sabi ni Jace.

"No need... Okay lang naman hihi," I lied. Hindi talaga okay ito.

"O ano pa inaantay natin? Tara na para makauwi na si Andeng" sabi ni Kyle.

And so we head out of the mall went straight home...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top