Heartbeat #3 The New Student
-Andeng's POV-
Tinulog ko nalang lahat ng nangyari sa'kin kahapon. Sumakit nga ang tiyan ko eh, kasi hindi ako nakakain ng hapunan. Hindi rin ako ginising ng mga tao dito. Ang sama noh? Char!
Anong oras na ba? hmm...4:30 AM, it's morning already. I look outside my window at nakita ang buwan na nasa kalangitan pa rin.
I've been thinking about the crumpled paper, sino kaya nagbigay neto? Alam ba niya na ayaw ko ng pa-suspense effect— lablayp ko nga pending pa! may pa ganiyan pang nalalaman ang kung sinong stalker man 'to?
Tapos ito naman si Ammiel, nagbabalik alindog este nagbabalik ulit sa buhay ko. Aaminin ko na may kirot pa rin iyon noh! kasi nga diba bespren zone ang lola ninyo?
Idamay na rin natin iyong lalaki sa kanto kahapon, para kunwari marami akong lalaki. Biro lang!
Bumangon na ako at pumasok na sa banyo para maligo. After 30 minutes ay natapos rin agad ako. Nagbihis at bumaba na sa kusins kung saan nandoon si Mommy.
"Good morning with love, Mommy!" I greeted her with a kiss and hug her tight.
"Gising na pala ang princess namin," nakangiting sabi niya sabay kurot ng pisngi ko.
"Ikaw ha, bakit natulog ka kaagad pagkauwi mo kahapon? 'di ka man lang kumain." sabi niya sa akin with matching "kunyari galit ako" look niya.
"Hindi na kita ginising, kasi naman! Himbing na himbing ka nang aking madatnan kagabi." dagdag pa niya.
Sabay pitik sa noo ko gamit ang kanyang hintuturo dahil sa hindi ko pagkain kagabi.
"Sornaman noh istress ako eh char" di ko yan sinabi ah! natawa nalang ako sa naisip ko.
"Sorry Ma, napagod lamang ako dahil sa mga gawain sa school kaya nakaligtaan ko na ang maghapunan at tuloyang nakatulog" pagpapaliwanag ko sabay ngiti nang pilit.
"Hala siya! O sige kumain ka nang marami, huwag mo ugaliing magpalipas ng gutom, naku! baka magkasakit ka niyan eh," sabi pa n'ya
"Hindi na mauulit ma!" malapad na ngiti ang ginawad ko sa kaniya at linantakan na ang pagkaing nakahain sa mesa.
Ano'ng ulam? hmm, hotdog po na may cheese ta's fried rice and egg, typical filipino breakfast or known as the "pinoy breakfast".
Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong nag-ayos agad. Pagkatapos ay nagpaalam na kay mama. "Early birds catches the worm" mas mainam parin ang maaga pumasok.
"Bye Mommy! papasok na po ako" sigaw ko sabay dampot ng bag ko na nasa sofa.
"O siya! magingat ka ha? Break a leg in school!" masiglang sabi niya with fighting fist sign pa.
Naks! may pa 'Break a leg' pa si mama improving siya ha? Opo babaliin ko ang aking buto char! hindi ko 'yan sinabi.
"Yes po! Babaliin ko po ang buto ko este gagalingan ko po sa school," sigaw ko na siya namang kinatawa ni Mama.
Dumiretso naman ako sa garahe namin kung saan nakalagay ang aking biseklita at lumabas na. Kumakaway si mama sa akin pagkalabas ko ng gate namin.
*****
Habang minamaneho ko ang aking bisikleta papunta sa paaralan. Nagdi-daydream na naman ako pansin niyo rin ba? Ang hilig ko managinip nang gising.
Iniisip ko lang naman ang mga nangyari sa akin kahapon. It's weird to have a stalker na lilitaw out of nowhere then si Ammiel na binaon ko na sa limot and the mysterious guy with a cold voice na hindi ko alam kung ano ang kaniyang itsura. Everything is fast unusual and weird. "Hayss..." napapabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip ko.
Habang tinatahak ang daan papuntang school, Dama ko ang sinag ng araw na dumadampi sa aking balat. Char! So nandito na ako sa school and bunch of students were into a crowd.
Nagkukumpolan sila na para bang may inaabangan. Weird, kelan pa nagkaroon ng artista dito sa CH? '
Crimson High is established year 1998 bale it's year 2020 so dalawang dekada at dalawang taon na rin ang lumipas nung ito ay naipatayo. Kung mapapansin mo, naitayo ito sa panahon ng millenyalismo so expected na Hi-tech and Advance ang learning environment dito sa CH.
Mamaya ko na ipapakilala ang school namin dahil nai-intrega talaga ako kung ano ang nangyayari dito at para bang may sikat na dumating dito sa school.
Linapitan ko ang aking kaibigan na si Leslie. Alam kong may alam ito kasi matalas ang radar niya in terms of "chismis". Hindi ko naman thing iyon pero curious lang talaga ako ngayon. Bihira kasing magkagulo ng ganito sa CH.
"Les! Wassup? Anong meron at may kpop idol ba na naligaw dito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
M
"Ano kasi bes, ehh kinikilig ako!" sabi niya sabay takip ng mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay.
Binatukan ko siya dahil mukha siyang tanga. Nagtatanong ako tapos ganiyan ang gagawin niya. Para siyang ewan.
Aba very wrong!
"Awtss sinasaktan mo na ako ngayon ha!" reklamo niya sabay kamot ng ulo with matching "it really hurts" look.
"Nagtatanong ako kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari dito. Pero hindi mo inaayos ang iyong pagsasalaysay" pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Chour! ang lalim
"Fine! Ganito kasi yun bes ang anak ng may-ari ng school ay lilipat ngayon dito sa ka dahilanang--hindi ko alam AHAHA! pero ehem gwapo siya in all fairness, it's your time to shine Andeng! I root for your lovelife!" kinikilig na sabi niya sabay hampas sa akin sa balikat.
"Gagi ka! Ano tingin mo sa buhay pag-ibig ko mala-wattpad lang, ganoon? tumigil ka diyan at papasok na tayo" sagot ko sa kaniya. Kahit naman hopeless romantic ako at atat nang magkalablayp impossible parin na magkaroon ako ng mala-wattpad na love story unless totoo ang once upon that first heartbeat na palaging sinasabi ni Lola.
Nilagyan ko na ng kadenang ginto este tanso ang bike ko para hindi manakaw char! pwede niyo rin lagyan ang puso niyo para hindi manakaw at madurog ng iba, charot lang!
"Ehhh! Bes, ayaw mo ba abangan? Fafi na iyon don't miss the chance" tumitiling sabi niya sa akin sabay hampas ulit sa'kin. Nakaka-ilan na ang babaeng ito ha.
" Wala akong time sa ganiyan ngayon okay? kung meron mang darating sa buhay ko ay darating talaga iyon at hindi dapat inaabangan," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Sabagay, siguro wala talagang 'once upon that first heartbeat' kaya tara na" nang-aasar na sabi niya sa akin at hinatak na ang kamay ko para pumasok na klase.
"Oy! walang ganiyanan. Meron talagang ganoon. Darating iyon. No rush! just love! abs-cbn! kapamilya!" reklamo ko sa sinabi niya.
Sarado na nga pala ang ABS-CBN AHAHAH!
"Loka! Loka! o siya sige meron nang OUTFHB. Pero bes! sana mapunta sa section natin," hays, kung umakto ang gagang ito parang walang jowa. Umiling nalang ako at natawa.
Pag gwapo ba dapat crush agad? Love agad? So kung maganda dapat ganoon rin? Grrr Bakit ganoon? Siguro iyon talaga ang dahilan kung bakit wala akong jowa in my 18 years of existence dito sa planetang earth. Bakit love na naman pinaguusapan nati? let's drop this topic kasi nasa room na kami.
It took a while, bago umingay ang klase at pumasok ang teacher. Puro iyong new student ang pinaguusapan nila na hindi ko kilala and I'm not interested char! SINO BA IYANG ARTISTA KEME NG SCHOOL?!
Dahil mabait akong student behave lang ako dito sa likod walang katabi. Bespren ko? Nasa harapan with her boyfriend na si Mr. President Kyle Henz Ibañez. Edi sana all may jowa. Char ulit! So ayun nga wala akong katabi sa likod kasi wala lang vacant kumbaga.
"Good morning Crimsonians! Let's welcome your new classmate class A, the son of the chairman is here to transfer. Mister, come in." panimula ni Sir Cutamora.
Sana all anak ni chairman!
Pumasok ang isang lalaking may kahabaan ang buhok, nakasuot siya ng black t-shirt, may jacket din siyang kulay puti at naka-pants na black. Insik ang kaniyang mata at sobrang puti niya.
"Wow lang ha! Kpop idol ang peg? hindi ba siya naiinitan sa suot nya tsk." bulong ko sa sarili ko
" kyaaaaahhh!!!"
"OppAaaaaa"
"Ang gwapooooo"
"Akin ka na langggg!!!"
Nakakabinging sigawan at tilian ang namayani sa buong silid. Ngayon lang nakakita ng gwapo girls?
Biro lang! Ang bitter ko! AHAHA
Oo na gwapo siya at pa mysterious effect!
"Please introduce yourself Mister,"
"Hi I'm—
Dug dug dug dug dug
Hindi ko nadinig ang pagbigkas ng kaniyang pangalan sapagkat ang pag tibok ng aking puso lang ang tanging naririnig ko sa mga oras na ito.
Nakatitig sa aking mga mata ang lalaki. Bakit ganiyan siya makatitig?
Parang yung lalaki sa kanto. Ang dami ko namang atraso sa mga tao sa mundo lately!
My heart went ooopss joke!
My heart beats fast! weird? familiar feeling. Kailan nga ulit ito nangyari? kahapon?
What if totoo ang 'once upon that first heatbeat' na sinasabi ni lola? bibigkasin kong muli ang una't pangalawang salita ng aking tanong.
WHAT IF?
What if it's true?
What if this guy is mysterious guy with a cold voice na ngayon ay nasa harap ko at hindi ko alam ang pangalan.
AGAIN WHAT IF?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top