Heartbeat #1 Meet Andeng

—Andeng's POV—

Do you believe in love?

Well everyone believes with that thing. Who wouldn't right?

Love is expressed in various forms; family love, friends' love, God's love, and etc. How about romantic love? Naniniwala ka bang it only takes a single heartbeat or shall I say the first heartbeat to know if it's 'love'?

Cliche man, ordinary  o corny man ito pakinggan but I do believe with it. Sabi nga ng lola ko, she knew that she's inlove with my lolo when her heart beat for him at first sight or 'the love at first heartbeat' sabi pa niya.

Ewan ko ba kung kikiligin ba ako o matatawa noong una ko iyong narinig mula sa kaniya. Pero wala namang masama at mawawala kung maniniwala ako, 'di ba? I know there's no such thing as a fairytale or a prince and princess lovestory thingy. But I know that there is this one guy that could make me fall inlove with that first heartbeat.

———

10 years later...

"BEEEP---BEEP!" malalakas na busina ng sasakyan sa labas.

Hala ! Nagdi-daydream na naman ata ako nang 'di ko namamalayan. Minsan talaga ay nagiging blangko ako kapag naiisip ko ang mga bagay-bagay na konektado sa pag-ibig.

Nag-aabang ako ng jeep ngayon papuntang school.

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, ay sa wakas may dumaan ding jeep sa daan. Kaya kaagad akong sumakay sa loob at diretsong umupo sa pinakaunahan kung saan ang usual spot na aking inuupuan. Convenient kasi siya para sa akin. Hindi masyadong masikip at madali ka lang nakakababa. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras dito.

The time is 6:30 am, not bad, sobrang aga pa dahil 8:00 am pa ang first subject ko for the morning class. Sinaksak ko ang earphone ko at pinatugtog ang 'Jeepney' ni Yeng Constantino. I turned off the screen and played it background at nilagay ito sa loob ng bag.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng jeep. Medyo sumisikip na kasi dahil rush hour. Alam mo na maagang pumapasok ang mga tao sa trabaho at mga mag-aaral na papasok sa paaralan. Pero 'di ko iyon alintana at tiningnan lamang ang mga tao sa loob nitong jeep.

Mula dito sa pwesto ko ay mapapansin mo ang mga kabataan na may jowa, sana all! Magkahawak ang kamay itong nasa harap ko. Habang tong katabi kong lalaki ay nakaakbay sa jowa niya.

I was like ok sana all may jowa! Pero syempre char lang!

May mga lalaki rin na nakasabit dito sa jeep na katabi ko lang. Gusto ko sana mag-"hi" kaso huwag nalang! Wala pa ako sa mood makipagchika sa kanila.

May matanda rin malapit sa driver na kita ko dito sa aking pwesto na may hawak na rosary.

May college students rin na sa tingin ko ay walang tulog. Iyong iba natutulog talaga. May humihikab rin pero binabasa pa rin ang hawak nilang bondpapers. I really salute this hardworking college students!

Ang mga nandito sa jeepney ay abala sa kanilang cellphone. Siguro ay related sa kanilang trabaho, studies or bebe time?

Ang aga naman ata kung ganun? Chour!

So, 'yun nga. Huwag ka na ngang tumingin sa kung saan-saan self baka malampasan mo ang school. So tumingin ako sa labas, and yeah nasa tapat na pala ako ng school.

"Kuya, bababa na ako!" sigaw ko.

At tumigil na nga ang jeep. Pagkababa ko napansin kong bumaba rin 'yung guy.

At the back of my mind same school? Same uniform? Same grade rin kaya? Charot! Behave ka nga self !

'Di naman sa umaasang nasa likod ko siya pero never mind na nga! Erase-erase mo 'yang iniisip mo, okay? Wala namang 'love at first heartbeat moment' na nangyari—w-wait, w-what? Aish self, maghunos dili ka nga! Naku naku, kay aga-aga eh, humaharot ka!

Iyan ang daily routine or encounter ko kapag pumupunta na ako sa school. Hindi naman sa atat na'ko magka-lovelife o maranasan man lang 'love at first heartbeat' na sinasabi ni Lola. Masama bang mag-abang at magbaka-sakali 'di ba? Call me 'hopeless romantic' pero wala namang batas na nagbabawal umasa na balang araw mahahanap mo si 'the one'.

Pero what if wala talagang ganoon? Na gawa-gawa lang ni Lola 'yun? What if wala naman talagang nakalaan para sakin? What if—? Erase-erase, never mind! Self, darating din iyon. No rush, baka natraffic lang sa EDSA.

Nasa room na pala ako so quiet na ako. Ang daldal ko talaga noh?

Pumasok na ako sa loob and obviously ako pa lang ang unang dumating ang aga ko kaya which is normal sabi nga nila "Early birds catches the worm". I took my phone and called my dear best friend named Leslie Grace Veloso.

Currently dialing her number right now, may narinig akong ring sa room. Only to find out that she is outside, at the door, waving her phone to me and so I stand up and approach her.

"Les, nandiyan ka lang pala!" I said.

"Nag-space-out ka na naman kasi iniisip mo na naman siguro ang love at first heartbeat hanggang ngayon," natatawang sabi niya.

"I can't help it, Les! Just forget it, okay? May snack ka bang dala? Penge!" tanong ko sabay pa-cute.

Actually alibi lang talaga iyan ayaw kong pagusapan ang tungkol sa pagiging hopeless romantic ko 'eh.

Nagsipasukan na ang mga estudyante sa kani-kaniyang classrooms. Nagsimula na ang usual boring class sa mathematics. Fast forward na nga ang boring naman kasi talaga...

———

"Andrea, bilisan mo na nga diyan at ako'y gutom na gutom na," reklamo sa akin ni Leslie.

Now she's calling me Andrea instead of Andeng, talagang gutom na gutom na nga.

"Oo na, sorry! Talagang ihing-ihi na talaga ako 'eh. Kanina pa 'to," sagot ko.

Lumabas ako ng CR kung saan mandoon si Leslie na nakabusangot ang mukha niya na hindi maipinta.

"So nagbaon ka? Anong ulam? Nagluto si Tita Mae?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Yes, nagluto siya ng adobo. 'Yung paborito mo," natatawang sagot ko.

And her eyes suddenly sparkled because of joy and excitement.

Napatawa na lang ako kasi totoong gutom na nga siya.

"Aray!" daing ko.

Natumba ako at naupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga. Inangat ko ang aking tingin para makita ang taong bumangga sa akin.

"Watch your steps, dummy, nang hindi ka nakakabangga," masamang tingin ng lalaking medyo may itsura pero scratch it masama naman ang ugali tsk.

"Nagpapatawa ka ba, mister?" natatawang sagot ko at sinamaan siya ng tingin.

Tumayo na 'ko at pinagpagan ang palda ko.

"And you even have a gut to answer me!" nag-aapoy sa galit na sabi ng lalaki sa akin.

Ewan! Sobrang yabang naman nito.

Akmang pagbubuhatan niya na ako ng kamay nang biglang may nagsalitang lalaki mula sa likod ko.

"Leave her alone," malamig na sabi nito.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.

Bumibilis na ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kasalukuyan.

Malamig ang boses niya, ngunit bakit parang nag-iinit ang pakiramdam ko? Para akong natutunaw sa aking kinatatayuan. Para tuloy akong ice cream, charot!

Hindi kaya—? No! Hindi maari! Hindi naman ito ang 'love at first heartbeat' na sinasabi ni Lola, right?

Pinagmasdan ko na lamang ang mayabang na lalaking tumakbo palayo.

Pagkalingon ko sa likod, wala na roon ang lalaki.

Nasaan na kaya siya?

Kailangan ko siyang makita.

K-kailangan ko marinig muli ang boses niya.

Baka tumibok muli ang puso kong ito.

Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.

"Les, nasaan na 'yung lalaki kanina?" tanong ko.

"Umalis na! Patulala effect ka pa kasi diyan. Kung gusto mo, mamaya mo na 'yun isipin at kakain pa tayo sa canteen! Kanina pa 'ko nagugutom!" reklamo niya.

"Aba! Kaibigan ba talaga kita? 'Di ka man lang nag-alala sa 'kin," nagtataray na sabi ko.

"Paano ako mag-aalala eh nagawa mo ngang sagutin ang mukhang gangster na 'yun? At may knight and shining armor ka pa!" kinikilig na sabi niya.

Napailing na lang ako at natawa.

"Halika na nga!" at hinila na niya ko papasok sa canteen .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top