Chapter 9- Car Sharing
Dominique
"Hi... again." Nakigulo ako sa table ni Kenshin at Ryu. Nilapag ko ang plate ko. Nahiya naman ako sa dami ng kinuha kong pagkain. Coffee at sandwich lang ang nasa harap nila.
"You guys are on diet?"
Nagpipigil ng ngiti si Ryu, Umiling siya at humigop ng kape.
"Ken..."
"..shin. Kenshin." Pagtatama niya sa pangalan niya.
"Ken..." I emphasize his nickname. "...do you have free time?"
"No." Maikling sagot nito.
"Is he always like this?" Baling ko kay Ryu.
"Like what?" Naiinis na tanong ni Kenshin sa akin.
"Like you are going to be poor when you lessen your work." Sagot ko sa tanong niya. Nasamid si Ryu. Hindi makatawa ng malakas.
"I did my research about your company."
"So you are stalking to me now?" He concluded.
"Don't be an ass. I said your company."
Parang amuse na amuse si Ryu sa usapan namin ni Kenshin.
"So what did you found out?" Tanong ni Ken. Parang amplaya naman ang kinain ng isa na ito.
"That your dad was an actor." Natawa ako sa reaction ng mukha niya. Para siyang nandidiri na naiinis na walang pakialam.
"And he looks like you." I pointed out. Lalong nasimangot si Kenshin.
"Anyway, the report said that... actually I didn't do the research." Natawa ako. Yung tatay niya talaga ang nakita ko ang name tapos siya na ang hinanap ko. Nakalimutan ko ng hanapin ang company nila.
"Do you have a crush with my dad?"
Natawa ako ng bahagya.
"Dude, your dad looks like he is still in his 30s." Pang-aasar ko.
"Isn't it?" Baling ko kay Ryu na tumango naman.
"Kita mo, agree si Kuya."
"Kumain ka nga. Ang ingay mo." Saway niya sa akin.
Kumain ako habang nag-uusap sila sa japanese kaya hindi ko maintindihan pero nakakaamaze pakinggan si Kenshin. Ang galing niya sa tatlong language. Yung tipong parang minumura na niya ako sa Japanese pero nakangiti pa rin ako.
"Bakit nakangiti ka?" Pansin ni Kenshin sa akin.
"Para ka kasing animé." Sagot ko. "Ganito ka rin bang tumakbo?"
Ginaya ko ang pagtakbo ng mga animé. Yung tipong nasa likod ang dalawang kamay na akala mo makakabilis sa pagtakbo nila ang ganoong pose. Natatawa talaga si Ryu sa akin.
Sumimangot si Kenshin. "Joke lang." I said habang tumatawa.
"Ang saya mo sigurong kasama sa mga gatherings."
Si Ryu kahit hindi ako naiintindihan, tumatawa ang hinayupak. Mapapagalitan kaming dalawa nito eh.
"Maiwan ko na nga kayo. Excuse me Ryu. I will go ahead." Iniwan ko silang dalawa sa table pati ang piangkainan ko.
Sa totoo lang, naiilang ako dahil mukhang naka-OOTD na ang mga tao sa buffet area samantalang I woke up like this pa ang ayos ko. Siguro medyo natakot pa si Kenshin sa akin sa elevator kanina dahil nakasiksik siya sa isang sulok ng maialis ko ang nagkalat na buhok sa mukha ko. Hahaha, linchak baka akala niya si Sadako ako. Matatakkutin ba siya?
Ready na akong habulin ang memories ng parents ko. After ng meeting ni mommy at daddy sa Tokyo, at ang parang k-drama na pagbibigay ni daddy ng maple leaf kay mommy, sinundan ni daddy si mommy sa Kyoto. Di ba ang sweet? Muntik ng mawalan daw ng work si daddy dahil iniwan niya ang meeting sa Tokyo para lang pumunta sa Kyoto by train. So I took the train yesterday morning and viola, nandito na ako sa Kyoto.
Mayroon akong tatlong temple sa itinerary ko ngayon araw. Kung titingnan sa map, magkakalapit lang sila, pero ang layo pala sa totong buhay. Parang mali ako ng nagawang itinerary, my God. Dala ko ang camera at tripod ko, I tried to capture photos at the same spot kung saan nagpunta sila mommy at daddy.
"Excuse me... please don't obstruct." Ilang beses na akong nagretake ng picture dahil laging may tourist na photo bomber. Gamit ang remote, nagagawa kong magpicture kahit few meters mula sa camera ko sa tripod. Hirap din ng walang taga picture.
Lawit na ang dila ko at the end of the day. Suko na ang paa ko sa kakahabol ng mga train at ilang beses din akong namali ng sakay. Nakaupo ako sa labas ng train station, suko na ako. Kailangan ko na ng magtaxi papuntang HANAMIKOUJI STREET. Sa kamalas-malasan, walang taxi dahil medyo marami ang tourist ngayon.
Wala din Uber at Grab pero meron silang car sharing application. Sinubukan ko iyon kung maiintindihan ko. Japanese ang pagkakasulat at sa kasamaang palad hindi ko maintindihan. Pindot ako ng pindot hanggang sa biglang may lumabas na plate number.
"Uh... nabook ko ba?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Tapos mayroong lumabas na map na may maliit na kotseng umaandar.
"Waahhh... putaragis, nabook ko nga. Saan papunta ito?"
Cancel...cancel... Luh, hindi ko na macancel.
"Aunty... Aunty..." Pumara ako ng dumadaang Japanese pero hindi ako pinapansin.
Luh... paano ito? Napaupo na lang ako sa isang sulok at hidni ko alam kung tatawa ako o iiyak.
Maya-maya, may tumawag sa cellphone ko.
"Konichiwa..." Sabi nito. Tapos nagsalita na ng Japanese.
"Sorry...I don't understand. Can you speak in English?"
Nagsalita na naman siya ng Japanese at mukhang naiinis na.
"I'm driver." Sabi nito.
"Ahh... driver. Where are you?"
Naku, nagsalita na naman siya eh hindi ko nga maintindihan.
"I am at the train stationUnderstandnd? Black car...blinking." Sabi niya.
Sa taranta ko, "Okay...okay." Ang nasabi ko na lang. Pinatayan ako ng tawag ni Manong.
Black car, blinking... Ah iyon. Nakita ko na. Nilapitan ko ang kotse na kulay itim at nakahazard. Nagbiblink ang yellow light at mukhang may hinihintay nga. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko kita ang nasa loob. Pumunta ako sa likod para hindi ko makatabi si manong driver. Medyo masungit eh. Nabadtrip na yata sa akin.
Pagbukas ko ng kotse, may sakay sa loob. Ano ba yan, may kashare ako. Sa madaling salita, pumasok na ako sa loob ng kotse at baka magalit pa si Manong. Pag-upo ko, tatlong pares ng singkit na mata ang nakatingin sa akin. Dalawang nagtataka at isang mukhang bad trip.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Kenshin sa akin.
"Hi." I said. Binaba ko ang bag ko sa paanan ko at kinabit ang seatbelt.
"I thought you do not use car sharing?" Tanong ko sa kanya. Nakanganga si Manong driver sa akin. Gulat siguro siya, kilala ko ang pasahero niya. Bumalik sa pagkakaupo si Ryu at mukhang tumatawa. Katabi niya si Manong driver sa harapan.
"Uncle, Hanamikoji Street." Ang sabi ko sa driver.
Nagsalita ng Japanese si Kenshin pero parang bad trip talaga siya. Hindi gumalaw ang driver sa pagkakaupo niya. Narinig niya ba ako? May hinihintay pa ba? Huwag mong sabihing kasya walo dito na parang jeep?
Habang nagmomonologue ang utak ko, nagring ang phone ko.
"Hello."
"Where you?"
Napatingin ako sa phone ko. Napatignin din ako sa driver na nakatingin sa akin mula sa rear mirror.
"I am inside of a car..." SMabagal na sagot ko.
"I am waiting..." Sabi niya.
"Hala..." Napatingin ulit ako sa phone ko.
"Hindi ba car sharing ito?" Tanong ko kay Kenshin.
"Mukha bang car sharing sayo ang Bentley?" Sarcastic na sagot niya.
"Ay sorry..." Hindi ko alam kung kanino ako unang magsosorry. Sa driver na kausap ko, kay Ryu na tumatawa, sa driver ni Kenshin na naguguluhan o kay Kenshin na naasar na sa akin.
"Wait for me uncle. I got the wrong car." Sabi ko sa kausap ko habang naghuhubad ng seatbelt. Kinuha ko ang gamit ko sa paanan at mabilis na binuksan ang kotse.
"Sorry... Sorry...Sorry." Sabi ko kina Kenshin bago ako nagtatakbo palayo sa kotse niya.
Galit si Uncle Driver nung nakita ko siyang nakapark. Luh, nakakahiya talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top