Chapter 8- Animé

Kenshin

Tahimik si Dominique after ng incident sa go-kart.

"Saan ka nakacheck in?" Tanong ko sa kanya habang nasa kotse kami.
"Sa Mandarin Hotel." She replied softly. Nawala bigla ang makulit na babaeng namilit sa akin na lumabas ng opisina.

Nevertheless, hinatid ko siya sa Mandarin Hotel dahil sa kagandahang asal.
"Thank you."
"Okay ka lang ba?"
Tumango si Dominique bago bumaba ng kotse.

Does she have a trauma like Lego? Probably...
Hay ang dami ko ng iniisip, dumadagdag pa.

Medyo nagtatanong ang mga mata ni Ryu ng makita ako sa opisina ng hapon na iyon. Tahimik siyang nilagay sa harapan ko ang mga papeles na dapat kong pirmahan.
"No phone calls, Ryu." Utos ko sa kanya.
"Yes, Sir."

Bandang alas siete ng gabi ng lapagan ako ng pagkain ng assistant ko.
"Ms. Sakura called me, she said to give you food." Sabi ni Ryu. Doon ko lang naramdaman ang gutom.
"Thank you."
"I would like to remind you that the day after tomorrow, you have a meeting at Kyoto office. You will have your flight tomorrow evening."
"Include yourself on this meeting." Bilin ko kay Ryu.
"Will do that, Sir." Sagot ni Ryu. Nagtype agad sa tablet niya.
"And Ryu?"
"Sir?"
"Go home." Kung nagulat man si Ryu ay hindi ko alam. Usually, kapag late akong nagtatrabaho, hindi rin siya umuuwi.
"Thank you, Sir." Sabi niya. Nagbow siya sa akin at lumabas ng office.

Ang office ko sa Tokyo ay para ko na ring bahay. I have a room in here. Mayroong sariling toilet at mga damit na kailangan ko. Madalas kasi, dito na ako natutulog sa opisina. Ginagawa ko ng bahay ang Tokyo office ko. Kanino ba ako magmamana kung hindi kay daddy. Kung hindi ng alang daw siya kinakaladkad palabas ng office ni mommy noon, baka hindi kami lumabas sa mundo. Dati hindi ako naniniwala sa kwento niya, pero ngayon... baka totoo nga.

Kinabukasan, naabutan ako ni Ryu na nasa table ko.
"Good morning Sir." Bati nito.
"Good morning. Have you arrange our flight?"
"Yes, Sir. I already informed your company driver of our flight schedule." Sagot ni Ryu at nilapagan ako ng kape.
"I haven't asked yesterday Sir, how's your off yesterday?"

Natigil ako sa pagpirma ng document.
"How's my day?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango si Ryu sa akin at naghihintay ng sagot.
"It's... boring." I replied.
Natawa siya ng bahagya at nailing. "It supposedly relaxing Sir. And honestly, I never thought you will go back to the office."
My mind went back to Dominique and how scared she was on go-kart.

"Connect me to Mandarin Hotel Tokyo." Utos ko bigla sa kanya.
Hindi nagtanong si Ryu pero mukha siyang curious habang nagdidial sa landline.
"Sir, the Manager of Mandarin is on the line." Binigay ni Ryu ang phone sa akin. Sumandal ako sa upuan ko at tumalikod kay Ryu.

"Good Morning Mr. Fujihara. How can I help you?"
"Can you connect me to Ms. Dominique Contawe?"
"Do you know her room number?" Tanong nito.
"No, I don't."

Narinig ko ang pagtype ng keyboard sa kabilang line.
"She already checked out earlier, Sir." Sabi ng manager sa kbilang line.
Ahhh... so umalis na siya.
"Thank you." Binigay ko ang phone kay Ryu ng walang lingon-lingon.
"Can you check Rose if she is still alive?"
I heard Ryu chuckled. "She will get annoyed but nevertheless, I will call her later, Sir."
"If she answers then she is still alive. You can cut the call on her first hello." Sarcastic na sagot ko.
Napapaliing si Ryu. Panay ka iling, kuha mo nga ulit ako ng kape.

Late na namana ng eroplano at may hinihintay na naman na isang pasahero. Nasa business class pa ang tinamaan na late comer. Nakatingin ako sa pinto. Sasakalin ko itong Dominique na ito kapag siya ang late.

Isang babae na humihingi ng paumanhin ang pumasok sa eroplano. Hindi siya si Dominique. Teka, bakit nag-eexpect akong si Domique ang lilitaw?

Bagalan mo lang ang takbo ng buhay mo.
Parang naririnig ko siyang nagsasalita sa utak ko.

Sa Hyatt kami Ni Ryu nagcheck in paglapag namin sa Kyoto. Magkahiwalay kami ng floor at Suite ang kinukuha niya lagi sa akin kapag nasa business trip kami. Normal room naman ang sa kanya. Maaga akong nagising kinabukasan at balak kong magbreakfast sa buffet area. Pasarado na ang pintuan ng elevator ng may isang babae ang sumisigaw sa hallway.

"Wait... Don't close." Sigaw nito.
Hinarang ko ang kamay ko sa pintuan para hindi sumarado.
Hinihingal pa ang babae na pumasok sa elevator at nasa mukha ang lahat ng buhok na parang si Sadako na kakalabas pa lang sa TV. Nagsumiksik tuloy ako sa gilid. Yung malayo sa kanya.
"Thank you." Sabi niya. Kinakapos pa ng hininga. Sumandal siya sa kaliwang pader at ako naman ay nasa kanan. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay at pinusod ang buhok sa likod. Tumingin ako sa pader, sa ceiling at hinanap ang CCTV, huwag ko lang makita si Sadako.

"Kenshin?" Tawag ng babae sa pangalan ko napilitan tuloy akong tingnan kung sino siya.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Dominique. Nakajogging pants ito at sweatshirt na gray.
"Hello to you too. Okay lang ako." Sagot nito sa tanong ko.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko ulit.
Pinamewangan ako ni Dominique. Mabuti at kami lang ang sakay ng elevator.
"Pag-aari mo ba ang Hyatt?" She asked.
"Partly," I replied. Shareholders kami ng Hyatt sa buong Japan at South Korea.
"Ano nga ang ginagawa mo dito sa Kyoto?"
"Chasing memories." Sagot ni Dominique. Anon a naman ang hahabulin mo?

Huminto ang elevator at bumakas ang pintuan. Nakatingin sa amin si Ryu na naghihintay sa akin.
"Hello Ryu." Bati ni Dominique. Nauna siyang lumabas sa akin sa elevator.
"Miss Dominique." Ryu looked surprised to see her.
"Nice to see you here." She said.
"Bye Battousai." Sabi niya.

Naririnig ko na naman ang kinakanta niyang Battousai...Battousai...Ajinamoto habang papalayo sa amin.

"She's here." Ryu commented.
"Obviously." I replied sarcastically.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top