Chapter 7- Fear

Dominique

They said that when you caught a falling maple leaf with someone... that someone will be... yours forever. Sabi iyon ni mommy. Nakaframe pa ang maple leaf na nasapo ni daddy sa kanya noong nagkakilala sila dito sa Rikugien. Hindi ko ineexpect na sasapuhin ni Kenshin ang dahon para sa akin. Yun nga lang, I lost that leaf. Baka not meant to be...

"Ano ang trabaho mo sa Pilipinas?"
Nahinto ang malalim na pag-iisip ko sa tanong ni Kenshin.
"Graphic artist," I replied. Before... I was a graphic artist before.
"Ano ang line of work mo?" Tanong ulit niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Cover ng books and magazines."

"Ikaw, ano trabaho mo?" Balik na tanong ko kay Kenshin.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Try to google it." Sabi niya.
"Wag na tayong mag-aksaya ng energy at makakasama pa kay inang nature. Straight from the source na ako. Ano nga ang trabaho mo? Bukod sa magsungit?"
"CEO." Sagot niya.
"Ahhh so hindi joke ang nasa calling card." I murmured na ikinataas na naman ng kilay ni Kenshin.

"Hindi ka ba marunong mag-smile?"
"Wala sa schedule ko ang ngumiti." Walang ganang sagot nito.
"Alam mo bang malapit na maextinct ang mga Japanese?"
Nanlaki ang butas ng ilong ni Kenshin kaya natawa ako.
"Sabi lang sa studies." I countered. Baka sakalin ako nito.

"Ganyan ka ba kakulit?"
"Never ka bang naging makulit? As in?" Nanlalaki ang mata ko sa kakatanong.
"You haven't tried? I like to mess with my brother before... Hanggang sa magwrestling kami. Syempre napipikon din naman ako." Namimiss ko ang makulit na iyon.
"Bakit di mo kulitin ang kapatid mo kaysa ako ang pinagtitripan mo?"
Nawala ang ngiti ko. "Wala siya eh." Simpleng sagot ko.

"Pero, seryoso Kenshin, bagalan mo ang buhay mo. Papasalamatan mo ako sa huli kapag sinunod mo."
"At matambak ang trabaho ko gaya ngayon? Nagsasayang tayo ng oras na nakaupo lang dito." Sumbat niya sa akin.
"Kailan ka huling nagpunta dito kasama ang family mo?"
"Hibang ka ba? Gusto mong dinumog kami ng media." Angil niya.
"So sikat kayo... as in K-pop level na sikat?" Pangungulit ko.
"Ay, J-pop ba ang tawag sa inyo?"

"Malapit na kitang sakalin." Banta ni Kenshin na ikinatawa ko.

"Kain tayo." Yaya ko kay Kenshin after a while. "Kailangan kong uminom ng gamot."
"Gamot para saan?" Balik na tanong nito.
"Pampakalma lang."
"Wala bang pang-alis kulit? Or makahiya, para mahiya ka naman sa akin?" Sarcastic na tanong niya. Tawa ako ng tawa.
"Iba din sense of humor mo ano? Saan pwedeng kumain ng ramen?"
He rolled his eyes and started to walk.

"Oy, saan ka pupunta?"
"Maghahanap ng ramen? Sasama ka ba?" Tanong nito ng hindi lumilingon.
Ang ganda ng view, nagsimula na namang bumagsak ang mga dahon dahil sa hangin. Habang nakatalikod si Kenshin at naglalakad palayo, kinuha ko ang camera ko at kinuhanan ko siya ng litrato.
"Sabi sayo, bagalan mo lang ang buhay mo eh." Bulong ko sa hangin.

Ramen... iba talaga ang original na ramen ng Japan.
"Grabe ang sarap. Kaya pala favorite ni Naruto ito."
Ang tingin ng binigay ni Kenshin sa akin sa puno ng pagkainis.

"Pwede bang magtanong?" Pangungulit ko sa kanya.
"Nagyon ka pa nagpaalam." Sarcastic na namang sagot nito.
"Bakit Kenshin ang pangalan mo? Mahilig sa animé magulang mo?"
"Si mommy ko ang nagpangalan sa akin. Iyon kasi ang tawag niya kay daddy ko."
"Ahhh so marunong magsamurai daddy mo?"
Naku, nayayamot na naman ang tingin ni Kenshin sa akin. Tumango ito bago humigop ng kinakain niyang ramen.

"Ken,"
"Kenshin... Hindi tayo close." Pagtatama niya.
Natawa ako. Hindi pa ba?
"Kala ko friends na tayo. Anyway, Kenshin, alam mo ba yung go kart ni Mario at Luigi?"
Napadukmo si Kenshin sa table at inuntog ng mahina ang noo. "Tigilan mo ko."
"Sige na... samahan mo ako. Picturan mo ako." I pleaded.
"Hindi mo ako mapapapunta doon." Matigas na sagot ni Kenshin.

That afternoon...
"Bagay ba?" Tanong ko kay Kenshin ng nakasuot ako ng costume ni Mario na narent namin.
"Mukha kang baliw. Kapag napuno ang newspaper ng mukha ko bukas..." Nakataas pa ang forefinger ni Kenshin at hindi maituloy ang sasabihin.
"Galingan mo ang pagpicture..." I salute to Kenshin at pumunta na ako sa go kart.

Mukha lang akong nakangiti pero kinakabahan ako. This is supposedly facing your fear. After ng car accident ko... namin... years ago, hindi na ako humawak ng manibela. Ngayon na lang ulit...sa go kart.

Pinagpapawisan ako habang papalapit ako sa go kart. Kinakabahan at parang lumulutang sa bawat hakbang. Butil butil ang pawis ko. Kasing lalaki ng unang patak ng luha. Isinuot ko ang helmet sa ulo ko. Para akong kakapusin ng hininga.

"Hindi ito kotse... laruan lang." Bulong ko sa sarili ko ng paulit-ulit.
"Ready?" Tanong ng nagpaparent ng go kart.
Hindi ko kaya. Nagsimulang manginig ng kamay ko.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin. I can't control my hands. It's shaking so hard I can't feel anything.

Hindi ko namalayan na tinawag si Kenshin. Naramdaman ko na lang na may humawak sa mukha ko. Sa magkabilang pisngi ko.
"Dominique..."
"Dom... Dominique." Pag-uulit ni Kenshin.
At para akong natauhan at nakita ko siya. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa mukha ko.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.
Huminga ako ng mabilis na parang may hika. Kinakapos talaga ako ng hininga. Tinanggal ni Kenshin ang helmet sa ulo ko.
"Dominique." He shakes my face a little.
"I can't drive." I whispered.
"Let's go... Doon muna tayo sa tabi." Inakay ako ni Kenshin papunta sa mga upuan sa gilid ng shed.

Namuo ang mga luha ko but I fought it.
"Ano ang nangyari? You looked scared."
Unti-unting kumalma ang puso ko. Nawala ang pamamanhid ng katawan ko. My breathing became normal again.
"I can't drive..." I whispered. I still can't find my bearing para humawak ng manibela.

Natahimik si Kenshin. Inabutan niya ako ng tubig at pinilit painumin.

That day... that day is still fresh in my memory. Sometimes, I curse the person who saved me. Naiwan lang akong mag-isa. Sana... sana pinabayaan niya na lang din akong masunog kasama ng pamilya ko sa nakataob naming kotse.

Sana...

Kung sino man siya...

-------------------
A/N
Happy weekend. Ang bilis ng araw.
Gaya ng dati, sa Monday na ulit.
Mwaahhh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top