Chapter 6- Maple Leaf

Kenshin

Inabot ko ang susi ng kotse sa valet at hinintay bumalik sa pagkakasarado ang bibig ni Dominique.

"Ano pa hinihintay mo? Gusto mo bang ipagbukas pa kita ng pintuan?"

Doon siya na tauhan at sinarado ang bibig.
"Hindi mo ba ako pagbubukas ng pintuan?" Nakangising tanong nito.
Aba...sumosobra sa kapal ng mukha ah.
"Yung prinsesa nga na kilala ko hindi pabebe eh. Pumasok ka nga." Tinuro ko ang passenger side.
"May kilala kang prinsesa? Prinsesa ng Japan?" Pangungulit niya.
"Singkit din ba?"

Naningkit na naman ang mata ko.
"Malapit na akong maubusan ng pasensya." I said with warning pero tumawa lang si Dominique.
"Ang pera mo, hindi mauubos, pero ang pasensya mo konting-konti na lang... Nice lakas maka-movie." She said at wala akong idea kung anong movie ang sinasabi niya.

Hinihimas-himas ni Dominique ang dashboard ng kotse ko at kulang na lang ay magsign of the cross.
"Tapos ka ng maglaway? Usad na tayo?" Tanong ko sa kanya.
Napaupo siya ng maayos at nagkabit ng seat belt.
"Bakit ang sungit mo?"
"Sino ba matutuwa sa pangba-blackmail mo? Matagal mo sigurong pinag-isipan yan."
"Hindi naman. Nung ayaw lang akong papasukin ni Ryu dahil daw bilin mo ay huwag kang istorbuhin. Sabi ko, ay naabala na nga ako sa pagsasauli ng wallet, ungrateful pa." Sagot niya. Aba, matindi talaga.

I drove to the streets of Tokyo papunta sa garden na gusto niyang puntahan. Tahimik si Dominique na pinagmamasdan ang labas.

"Ikaw lang bang mag-isa ang nagtravel?" I asked after the long silence.
"Yeah." She murmured.
Napansin ko ring nakatingin si Dominique sa mga puno lalo na sa mga dahon na nalalaglag. Ano trip nito?

Parang bata si Dominique na namumulot ng dahon sa garden at saka inihahagis na parang confetti.

"Ang ganda..." Sabi niya habang nakatingin sa halera ng puno sa daan na iba't-iba ang kulay.

Autumn... the season for new beginning. Maganda nga naman, bakit hindi ko nakikita ito dati?

Huminto sa tapat ng isang puno si Dominique at tumingala. Ayan na naman siya. Nakatingin na naman sa mga dahon na nalalagyag.

Hinintay ni Dominique na maabot ang isang dahon. She raised her hand and waited for that leaf to fall on her hand. I catch the leaf bago tumama sa kamay niya.

Lumingon siya sa akin na nanlalaki ang mata. Akala ko iiyak siya kaya binigay ko ang dahon ng maple tree sa kanya.
"Thanks..." She murmured.
"It's just a leaf."
"They said that when you caught a falling maple leaf with someone... that someone will be..." Hindi tinapos ni Dominique ang sasabihin at tumanaw na naman sa mga puno.

Nililipad ng hangin ang mga dahon at iba't-ibang kulay. Parang snow na bumabagsak sila ng unti-unti.

"Bakit kailangang bumagsak ng mga dahon kahit ang iba ay hindi pa dapat bumagkas?" Mahinang tanong niya.
"Its autumn. Taglagas... lahat ng dahon malalagas. Kaya nga tinatawag ding FALL ang autumn." Ano ba ang gusto niya spring all the time?
"Babalik din ang mga dahon sa spring." I told her.
"Sana...lahat ng bumabagsak ay muling bumabalik." Bulong niya ulit bago bumuntong hininga.

Namili si Dominique ng upuan. Nilagpasan pa nga niya ang isang vacant at umupo sa next bench. Naupo siya sa isang upuan na nakatanaw sa lake. Nakikita ang reflection sa tubig ng mga punong malapit sa lake. The view is amazing.

Hawak pa rin ni Dominique ang dahon ng maple tree. Binuksan niya ang bag niya at hinanap ang camera. Nilahad niya ang kamay na may hawak ng maple leaf at kinuhanan ng picture...

The wind blew at tinangay ang dahon na hawak niya. Nasama ito sa mga dahon sa daan.

"My leaf..." She tried to catch it pero hindi niya nahabol.
"Dahon lang yan."
"You caught it for me." She pointed out.
Bakit biglang naging malungkot ang itsura niya? Dahon lang, ikinasasama na agad ng loob niya.
"Ang daming dahon d'yan. Manguha ka kung gusto mo ng remembrance." Tinuro ko ang nagkasal na mga dahon.
"Hindi lang dahon yun." She murmured again. Pero gaya kanina, she didn't elaborate what she means.

"Kenshin, pwede mo ba akong kuhanan ni picture?" Tanong niya pero binigay na sa kamay ko ang camera at tumakbo papunta sa kabilang daan, sa may damuhan malapit sa lake. Naupo siya doon at nakaside view. Nakatingin siya sa pinaggalingan namin at nakatanaw.

"Bumilang ka ha." Sigaw niya.
Taena, naging photographer pa.
"Ayusin mo." Bilin pa niya sa akin.
At ang demanding ng nag-uutos.

Kinuhanan ko si Dominique ng picture gamit ang camera niya.

"Okay na." Sigaw ko.
"Bakit hindi ka nagbilang?" Sita niya sa akin. "Ulit."
"Ichi...ni...san." Nagbilang ako sa salitang hapon.
"Tapos na." Sigaw ko ulit.

Mukhang naguguluhan si Dominique na tumingin sa akin.
"Nagbilang ka ba?" Tanong nito.
"Hindi mo lang naintindihan. Huwag kang ungrateful, tumayo ka na d'yan."

Lumapit si Dominique at binigay ko sa kanya ang camera.
"Nice..." She murmures.
"Ikaw naman kuhanan ko."
"Ayoko. Hindi tayo close." Mabilis na sagot ko.

Hindi pa ba tumatawag si Ryu? I checked my phone... No emails, no miscalls.

Narinig ko ang mga click ng camera ni Dominique. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya.
"See... mukha kang model." Pinakita niya ang picture na kinuhanan niya.
"Burahin mo iyan." Utos ko.
"Sometimes, you have to capture memories because photos are the only thing that will be left when everybody is not around." Nawala ang ngiti niya at lumamlam ang mata.
"Bagalan mo ang takbo ng buhay mo, Kenshin."

Para tayong nasa beauty pageant, tangina. May pawords of wisdom lagi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top