Chapter 5- Battousai

Dominique

"Hi... Battousai" Masiglang batik o kay Kenshin at narinig kong tumawa ng bahagya ang...assistant nya siguro ito.
"I found your wallet." Kinuha ko ang wallet niya sa bag ko at winagayway.
"Thanks," Walang ganang sagot nito. Aba, daig pa ako sa pagkatamlay ah.
"And my name is Kenshin." Pagtatama niya sa tinawag ko sa kanya.
"The Samurai X, I know." Biro ko. Parang ang tumawa lang ay ang assistant niyang nakatayo sa tabi ng table ni Kenshin. Hindi man lang ngumiti itong lalaki na ito.

Hindi niya ako ininvite umupo kaya I invited myself. Umupo ako sa upuan sa harapan ng table niya. Nilapag ko ang wallet niya at mabilis niyang tiningnan ang laman nito.
"I didn't steal anything. You don't even have cash." I said and smiled like a cat.
Nagtago sa likod ng tablet niya ang assistant. Tinatago ang pagtawa.
"Thanks, you may leave." Sagot nito at bumalik sa ginagawa.

"Ahh... well, I heard that the Japanese are people who express gratitude..."
"I am not pure Japanese." May inis na sagot nito.
"Ahhh eh di kung Pinoy naman, tumanaw ng utang na loob." Mabilis na dugtong ko. Hindi ko alam bakit trip ko siyang guluhin. Siguro dahil bad trip na bad trip siya sa akin kaya natutuwa akong inisin lalo siya.
"How much?" Mabilis na tanong nito. Sumenyas sa assistant at binigyan agad siya ng cheque book.

I rolled my eyes.
"I have money on my own, thank you very much." Mapaklang sagot ko.
"Then what do you want?" Naningkit lalo ang mata niya.
"A tour guide..." I said smiling.

"Find her a tour guide." Utos nito agad sa assistant.
"...by none other than... You."
Nasamid ang assistant at badabog na nilapag ni Kenshin ang sign pen na hawak.

"I know it's a bit cold now but I want to go in here..." Binuklat ko ang brochure na nakuha ko sa airport information counter.
"Rikugien," Banggit ng assistant sa pangalan ng lugar.
"You will take me there, right?" I asked hopefully to Kenshin. "Battousai?"

Natawa na naman ng bahagya ang assistant niya. Napaka smiling face.

"Says who?" Masungit na namang tanong ni Kenshin.
"Me. Because I returned your wallet, safe and sound and..."
He is not giving in... OMG naniningkit na naman ang mata niya.
"Come on..." Para akong bata na napadyak ang paa. "Please? Wala akong kasama. Kapag nakidnap ako, kasalanan mo."

Nanlaki ang butas ng ilong ni Kenshin.
"I can re-arrange your schedule, Sir." Prisinta ng assistant ni Kenshin. "You also need some autumn air."
"Come on. I don't have all the time in this world. Can we go now?" Hopeful na tanong ko.
Hindi pa rin sumasagot si Kenshin.
"And these papers can wait... Sir." Kinuha isa-isa ng assistant niya ang mga folders sa harapan at inilagay sa isang maliit na table sa sulok.

"What is your name again?" Tanong ni Kenshin sa akin.
I rolled my eyes on him. "Dominique Contawe. You can call me Monique or Dom or Dominique."
Nilahad ko ang kamay ko for a shake hand pero hindi niya pinansin. Tumayo siya at parang model na umikot habang binubutones ang suit niya.

Eh kesa mapahiya ako, ang assistant niya ang kinamayan ko.
"And you are?" Tanong ko s assistant.
"Ryu Satoh." He replied.
"It's nice to meet you Ryu."
Nagbow pa ng slight si Ryu bago binatawan ang kamay ko. "Same to you, Miss."

"Let's go before I change my mind." Sabi ni Kenshin.
"Thank's Ryu." Nagbow din ako kay Ryu. Sumobra nga lang sa bow at nauntog ako sa table.
Napaface palm si Kenshin sa akin habang nanlaki ang mata ni Ryu.
"I'm okay... I'm fine." I said habang kumakamot ako sa noo.

"Battousai...Battousai...Ajinamoto." Kumakanta ako ng mahina habang naglalakad sa tabi ni Kenshin papunta sa elevator.
"Battousai...Battousai...Ajinamoto." Wala sa loob kong inuulit-ulit ko pala ang song.
"Would you please stop that... song?" Singhal ni Kenshin ng nasa elevator na kami.

Akala ko sa isip lang ako kumakanta.

"Malakas ba?" Maang na tanong ko.
Napapikit si Kenshin at napahawak sa noo.

"Sobrang dami mo bang work?"
"Oo at inabala mo ako." Sagot nito.
"Minsan, kailangan mong huminto at pagmasdan ang paligid." I said all of a sudden.
"Kasi, lilipas ang panahon ng hindi mo namamalayan. Makabalik ka man sa lugar pero hindi mo maibabalik ang oras. Kaya bagalan mo lang ang takbo ng buhay mo."

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Matabang na tanong niya.
"Hindi. I'm giving it for free." I replied cheekily.

Bumukas ang elevator sa ground floor at umiwas ang mga tao na naghihintay makasakay. Parang may ketong kami na nahawi sila para makadaan kami... I mean si Kenshin pala. Sinundan ko si Kenshin na maglakad na parang pag-aari niya ang buong building. Parang "kung sino humarang, sesante" kind of walk ang ginawa niya.

"Tatawag na ba ako ng Grab?" Tanong ko sa kanya ng huminto kami sa paglakad sa labas ng building.
Nilabas ko ang phone ko at ng hindi siya sumagot tumingala ako para makita siya. Mukha ng inis na inis si Kenshin sa akin.
"I have a car." Sabi niya na parang ang tanga ko at hindi ko naisip na may kotse siya.

Isang itim na kotse ang pumarada sa harapan namin. Muntik ng malaglag ang panty ko ng ibigay ng valet ang susi kay Kenshin. Maserati ang kotse ni KOYA. Kaya pala ayaw mag-Grab.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top